Eight

1502 Words
'Ang dami nang nagbago, ang dami nang nangyari. Sobrang lawak ng space hindi ako makatawid. Sa pagkakalayo natin nagkaroon ng isang malawak na space sa pagitan nating dalawa. Puwang na hindi napupunan. Sinusubukan natin pareho pero nauuwi pa rin sa away, inisan, pikunan. Sa huli pareho tayong nasasaktan. Nagpapagalingan pero pareho naman tayong natatalo. Kung kayo talaga, kayo talaga. Pero kelangan munang ipaglaban at gumawa ng paraan. Para sa huli, ano man ang kahihinatnan, masasabi mo pa din sa sarili mo na ginawa mo ang part mo at hindi mo inasa na lang kapalaran. Sa Encantadia nga nagbabago ang propesiya. Nagbabago din ang kapalaran.' "Korek! kana naman dyan Author, nagbabago ngang kapalaran at sana yung kapalaran ko magbago rin! " "Destiny, tara ng magbihis at rumampa, tama na yang pagbabasa mo sa w*****d dyan! Dika ba nagsasawa?" "Eva, my friend! Hinding hindi po ako magsasawa kakabasa ng w*****d nuh! Gaganda kaya ng mga love stories dito, libre na maaaliw kapa!" "Sus, mag love life kana kasi para hindi ka puro imagination na lang hahaha." "Gaga! Ala ngang nagkakamali sa beauty ko eh! Kung meron lang bakit hindi! Basta ba karapat dapat syang itapat sa ganda ko eh! di gogogo ako." "Naman! Wag kasi masyado choosy girl, tsaka lingon lingon lang sa paligid baka nasa tabi tabi lang si Mr. Right mo! Good luck na lang sayo!" "Salamat Eva, true fren ka talaga!" At nagyakapan pang dalawa. Habang nagtatawanan patungo sa cottage nila. Nasa Dalampasigan Beach Resort sila ngayon, Holiday Vacation nilang mga staff ng isang private hospital. "Wowwowwow! Girl, ang sexy mu naman dyan sa soot mong bikini, my gosh! Kung ako lang ang biniyayaan ng ganyan ka dyosang ganda, Aysus! Everyday rampa to the max ako!" Nilapitan pa ni Eva si Destiny saka sinipat ang suot nitong two piece bikini, inaayos ayos pa nito saka panay ang kurot sa braso ni Destiny sabay tatawa at minsan napapalatak pa nga. "Eh Eva, hindi ba masagwang tingnan sakin? Kasi tingnan mo oh! halos kita ng lahat ang kayamanan ko!" Naiilang na hinila hila ni Destiny ang b*a nyang masikip kaya naiipit ang kanyang dibdib. First time nyang magsuot ng ganito ka daring na bikini kaya di sya sanay, kaso sayang naman kasi kung itatago lang nya eh minsan lang naman sila magka outing ng ganito ka bongga. "Di ah! Ang ganda ganda mo kaya! Saka bagay naman sayo kaya ok lang yan girl! Tingnan moko kahit malaki bilbil naka swimsuit pa rin. Pake ko sa kanila hindi ko ikinahihiya ang binigay ni Lord sakin, I'm proud to say that... Ang beauty ko ay thank you Lord hindi thank you Doc... Kaya ikaw dapat proud ka rin sa biyayang yan!" Mahabang speech ni Eva na ikinatawa ng malakas ni Destiny.. Magaling talaga magpayo tong si Eva, saka maganda pang pag uugali nito. Positive thinking din parati, kaya gustong gusto nya itong kasama kasi nahahawa sya sa pa good vibes nito palagi. "Tara na nga mag picture muna tayo sa labas bago tayo rumampa sa beach. Whoop.. excited nakooo! Ay teka lang Destiny, lagyan mo pala muna ako ng sunblock ha! Lagyan din kita pagkatapos ko! Salamat." "At salamat din sayo!" ⚔⚔⚔ "Aeris, ba't ganyan yan? Kelan pa yan nandito ha?" Napabuga naman sa hangin si Aeris at humarap kay Zylven at Mark. Pero bago nya sagutin ang tanong ni Zylven sinulyapan nya ulit si Prick na patuloy ang paglaklak sa isang bote ng alak habang nakatingin sa karagatan. "Isang linggo na! At nag aalala nako mga Bro, hindi sya ok, at delikado kapag nag iisa yan, kaya di dapat natin sya iwan, ngayon nya mas higit na kailangan ang tulong natin." Napatango tango naman ang dalawa sa sinabi ni Aeris. Masyado kasing malihim si Prick, saka hindi ito palasalita, sinasarili lang nito ang lahat ng problema. "Hay kaya ako! Ayoko muna magka syota, problema lang dala ng mga yan sa buhay natin e!" "Nasasabi mo lang yan Zylven, kasi dipa pinana ni kupido yang pihikan mong puso." "Tama! Enjoy life muna tayo! Iwas love love muna mahirap ng magaya sa mga understanding nating mga kaibigan." Sang ayon ni Mark. Habang abala sa pag uusap ang tatlo, wala man lang nakapansin kay Prick ng lumabas sya sa cottage nilang magkakaibigan.. Bitbit ang alak na naglakad lakad sya sa dalampasigan. Ng mapagod kakalakad umupo sya sa buhangin paharap sa dagat. Tahimik lang syang umiinom habang titig na titig sa karagatan ng may marinig na nagkakasayahan di kalayuan sa pwesto nya. Nilingon nya kung anubang meron dun at tila masaya ang mga tao dun. Isang babaeng nakasuot ng kulay black and white na bikini ang nakikipaghabulan sa kagrupo nito. Natigilan si Prick ng makita ang mukha ng babae. Napailing iling sya at bahagyang natawa.. Bakit ba kahit san sya tumingin, kahit sinong babae ang makita nya puro mukha ni Destiny ang nakikita nya. Ganun na ba kalalim ang pagtatangi nya sa dalaga? Inilapag nya sa buhangin ang alak na hawak saka iinot inot na tumayo at naglakad palusong sa dagat. Kahit hilong hilo at nanlalabo ng kanyang paningin sinikap nya pa ring makapunta sa gitna ng dagat. Patuloy lang ang mabagal nyang paghakbang sa tubig binabalanse nyang katawan sa bawat paghampas ng alon sa kanya para di sya matumba. At ng hanggang leeg na nyang tubig dun na sya huminto, hinayaan nya lang na hampasin ang mukha nya ng alon, nakapikit lang ang mga mata nyang nakikiramdam sa paligid. May naririnig syang mga boses na palapit sa kinaroroonan nya pero dina nya pinagkaabalahang tingnan pa yun. Hilong hilo ng pakiramdam nya't parang inaantok na rin sya. "Girl bilisan mo namang lumangoy nalulunod na yung tao oh dalian mo naaa.." Natatarantang sigaw ni Eva kay Destiny na hirap lumangoy. Actually di naman talaga sya marunong lumangoy, nagmamarunong lang kaya kahit langoy aso o palaka man sya kering keri lang basta umabot lang sya dun sa lalakeng ulo na lang ang tanging nakalitaw sa dagat. "Wag kana ngang sigaw ng sigaw dyan lalo tuloy akong kinakabahan sayo eh!" "Eeeeee hahhh." Napatili pa si Eva ng tangayin ito ng malakas na alon papuntang dalampasigan, kaya si Destiny na lang ang naiwan sa dagat at sinisikap pa ring maabot ang lalakeng palutang lutang na lang sa dagat. "Huli ka! Halps hahh!" Ng sa wakas mahagip nya ito sa balikat hinila nya kaagad ito. palapit sa kanya. Niyakap nyang braso sa leeg nito at langoy aso ulit sya pabalik ng dalampasigan kung saan naghihintay si Eva. "Hoyyy bruhaaa! Tulungan mokooo!" Sigaw pa ni Destiny kay Eva na lumusong ulit sa dagat at lumangoy papunta sa kanila. Hirap na hirap si Destiny na akayin ang lalake dahil malaki ito at napakabigat. Hindi nya makita ang mukha nito dahil sa buhok nitong nakatakip sa mukha nito. "Haahh! Grabeng bigat naman ng taong 'to girl! Sana pala nagtawag ako ng mga kasamahan natin!" Sabi pa ni Eva, na namumula ng mga mata at ilong pero tuloy lang sa paglangoy kahit hirap na hirap na dahil sa may katabaan nitong pangangatawan. "Sus! Naisip mo pa talaga yan gayung bigla mo na lang akong hinila kanina palusong sa dagat? Haahh.. Lam mong di ako marunong lumangoy eh! Ako pa talagang hinila mo hahh." "Kasi nataranta nako ng makita ko 'tong lalake na ulo na lang ang nakalitaw sa tubig.." Ng sa wakas maiahon na nila ito sa dagat napahiga sila pareho ni Eva sa buhangin at habol ang paghinga, paminsan minsan napapaubo pa. Ng maging ok ng pakiramdam ni Destiny kaagad syang lumuhod at hinawakan sa pulso ang lalake. "Peste! Mahinang mahina ang pulso.. Dali na Eva bigyan mo ng mouth to mouth resuscitation!" "Hah! Ako talaga! Kita mong lagay ko ha! Ni hindi na nga ako makahinga ng ayos ako pang uutusan mo? Ikaw na kayang gumawa!" Lalong nataranta si Destiny ng maramdaman sa kamay ng lalake ang pahinto hintong pitik ng pulso nito. Inilapit pa nyang tenga sa dibdib nito para matiyak ang estado nito. "Shet! Hala Girl, pawala ng hininga nya.. Nakuuu! Teka lang Sir! wag po muna kayong bibitaw please!" Nag aalala namang napatitig si Eva sa mukha ng lalakeng iniligtas nila. Hinawi nyang buhok nito na nakatakip sa mukha nito. Napaawang pang labi nya ng masilayan ang gwapo nitong mukha. "Lentek na hitsura yan! Napaka gwapo eh! Destiny tingnan mo oh! Ampogi ng lalakeng ito oh!" Walang inaksayang minuto si Destiny panay ng mouth to mouth resuscitation nya sa lalake, ni hindi man lang sya nag abalang sulyapan ang mukha nito basta ang nasa isip nya lang ay ang mailigtas ang lalake. Kahit na naaamoy at nalalasahan nyang alak mula sa bibig nito hindi sya tumigil. At ng bigla itong napaubo ng tubig dun na sya nakahinga ng maluwag saka nanghihinang napaupo sa buhangin at habol ang hiningang sinulyapan ang mukha ng lalaking nakapikit pa rin. 'A - anong? Imposible! Nananaginip ba ako?' "P -- Prick!!" Shock nyang sambit. "Hmmmm..." Ungol naman ng lasing na si Prick. Naman! Destiny ba talaga natin ang muling magkita? Wow! Bonggang coincidence naman nito !!!! ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD