Hindi ako nakatulog nang gabing iyon simula nang umalis si Zyrus sa unit ko. Nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko dagdag ko pa ang mabilis na pintig ng puso ko.
Ilang beses kong pinaalala sa sarili ko na 'wag bumigay, 'wag magpadala sa matamis niyang salita, 'wag magpatukso. Pero sa tuwing magkaharap na kami, tumitiklop na ako, nakakalimot ako, nawawala sa isipan ko ang lalakeng pinangakuan ko ng panghabang-buhay ko.
That's the reason why I found myself sitting in front of Sir Anton, asking for something I know will be hard for him to give.
"Thea, bakit naman biglaan ang pag-leave mo? Malapit nang umpisahan ang project niyo ni Engineer Zyrus." Tugon ni Sir Anton habang nakatitig sa kapirasong papel na nagsasaad ng ilang araw kong hindi pagpasok sa trabaho.
Napag-isipan ko kasing huwag munang pumasok para mabantayan si Warren. Para nandoon ako sa oras nang gising niya. Gusto ko rin kasing ako ang una niyang masilayan sa pagbukas ng mapupungay niyang mata.
At para na rin...para na rin lumayo kay Zyrus.
I gulped some confidence before clearing my throat, words suddenly clogging there. "Ummm...personal reason Sir." Simpleng sagot ko.
I saw Sir Anton thinning his lips, clearly unsatisfied with my answer. He let out a deep sigh before resting his chin in between his thumb and index finger.
"Ano ba talaga ang rason Altheyah?" The tone of his voice radiating a don't-fück-with-me vibe.
Napalunok na lang ako ulit. Sana masabi ko sa kaniya ang totoong rason nang hindi ako naiiyak.
"G-gusto ko po sanang mabantayan si Warren muna Sir. Babalik naman po ako, pero po kasi...pero..." Natigil ako dahil nagsimula nang mamuo ang luha ko, nanlalabo na ang mata ko, nanlalamig at namamawis ang palad at talampakan ko.
"Pero?" He probed.
Napayuko ako habang patuloy sa pagbubuhol ng daliri ko sa isa't-isa, sinusubukang pigilan ang nagbabadyang mga luha.
"I-ilang buwan na r-rin po kasi ngunit hindi pa rin nagigising ang fiancé ko." I started, but still keeping my sight locked on my twiddling fingers. "Napag-desisyunan po ng Mama niya na...na kapag hindi pa po siya nagising sa susunod na buwan, huhugutin na raw po ang l-life support niya."
Humina nang humina ang boses ko hanggang sa hindi ko na narinig mismo. Mas lumabo, dumilim ang paningin ko kasunod ng hikbing hindi ko na nahabol.
Bakit sa amin pa kasi nangyari ito? Kung hindi ko siya inutusang bumili ng kape ko, kung hindi ko sanang hiniling na dumaan pa siya sa Dreamer's Bean, hindi sana siya nabundol. Wala sana siya sa kalagayan niya ngayon. Hindi sana ganito kahirap ang pinagdadaanan ng pamilya ngayon.
Siguro masyado lang talagang mabait si Mama Whena dahil ni minsan hindi niya nagawang isisi sa akin ang nangyari. Ni minsan hindi niya nagawang isumbat sa akin na ako ang dahilan kung bakit walang malay at nakikipaglaban ang anak niya para sa sarili niyang buhay.
Napalakas ang hikbi ko ng bigla kong naramdaman ang pagpatong at pagtapik ni Sir Anton sa balikat ko. Hindi ko man lang napansin ang ginawa niyang pagtayo at pagpunta sa likuran ko.
"Thea, alam kong mahirapa ang pinagdadaanan mo ngayon pero gusto kong malaman mo na narito kami para sa'yo. Hindi bilang boss mo, hindi bilang katrabaho mo, kundi bilang kaibigan na masasandalan mo."
Napatango ako habang nagpupunas ng luhang hindi maubos-ubos.
He again took my leave request, looking at it briefly before he took his pen and signed it without doubts and reservation.
"Iuutos ko na sa sekretarya ko ang filing nito. Gusto kong umuwi ka na para makadalaw at makapunta ka na kay Warren. Ipagdadasal ko ang pag-galing niya."
"Hindi boss, tatapusin ko po itong pasok ko ngayong araw." I replied before messily wiping my tears like a kindergarten during playtime. "T-thank you po ulit b-boss."
Tinanguan niya lang ako saka ako nagpaalam na aalis. Dumiretso ako sa banyo bago pa ako paulanan ng mga katanungan. Namalagi ako roon ng matagal para mawala ng bahagya ang pamamaga ng mata ko pati na rin ang pagkagaralgal ng boses ko.
Hindi naman ako binugbog ng katanungan nila Erlina tulad ng inaakala ko. Off din naman ni Zyrus ngayon kaya hindi ganoon kaingay ang araw ko. Tinapos ko lahat ng kailangan kong tapusin bago magsimula ang leave of absence ko opisina. Maayos ko na rin na na-i-endorse ang trabaho ko sa pansamantalang kapalit ko sa proyekto.
Nag-aayos ako ng gamit ng biglang dumungaw si Chloe sa ibabaw ng cubicle ko.
"Pssst...Ate Thea..." Tawag niya na kunwari palihim pero halata naman.
"Op?" Sagot ko na may ngiti.
Muli niyang nilingon ang paligid sabay yuko ng mas mababa, waring nagsasabi na sikreto ang mga susunod niyang sasabihin.
"Mag-papatulong lang sana ako." Sambit niya sabay yakap ng mahigpit sa mga papeles na bitbit niya.
"Saan? Basta kaya ko." Mabilis kong sagot.
Her cheeks were suddenly in the color of crimson before she looked away. "Maydatekasiakopuwedemobaakongtulungangmaghanapngsusuotin?" She numbled incoherently which made me laugh.
"Chloe, hindi ko naintindihan. Bagalan mo." Patawang sagot ko.
Muli siyang lumingon sa mga kaopisina namin bago niya inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "May date kasi ako puwede mo ba akong tulungang maghanap ng susuotin?"
I giggled before nodding my head. Pansamantala kong nakalimutan ang mga prinoproblema ko dahil sa sinabi niya.
"Akala ko kung ano na. Pero, sure sige! Basta, i-text mo lang ako kung kailan."
"Yes!!!" Tili niya na siyang ikinatawag ng lahat ng atensyon ng nasa opisina. Napa-peace sign siya sa lahat bago tago ng mukha niya sa mga folders at papel na hawak niya. "Sorry po, sorry po. Masaya lang." Tugon niya bago niya ako niyakap ng mahigpit saka pansamatalang tumayo sa harap ko.
"Thanks, Ate. You're the best "
Mapanuksong tinaasan ko siya ng kilay. "Palaging pinaghahandaan ang date nila ni Kyle, eh." Tukso kong ikinapula ng mga pisngi niya. Wala naman kasi maitatago sa akin ang batang 'to.
"Huwag kang maingay Ate. Please." Nakuha pa niyang magpa-cute sa pagmumukha ko.
Tinanguan ko lang siya saka siya tuluyang bumalik sa cubicle niya.
Napailing na lang din ako sa sarili ko saka ako nagpatuloy sa pag-ayos ng
mga gamit ko. Sandali akong napatigil nang tumama ang titig ko sa litrato ni Warren.
I am doing the right thing. I am doing the right thing. Kailangan ko munang umalis dito pansamatala para maalala ko kung bakit si Warren ang napili ko. Kung bakit um-oo ako nang tinanong niya ako kung puwede bang ako ang makasama niya habang-buhay. Kung bakit naging sure ako sa kaniya. Kung bakit alam kong siya na talaga.
Bago ako tuluyang umalis, sinulyapan ko saglit ang mesa ni Zyrus. I heard his voice ringing in my ears. 'Yong panunukso niya, mga banat niya, at ang mga salitang binitawan niya kagabi. Muli akong napailing. "Tama na Thea, hinihintay ka na ni Warren." Bulong ko bago pa magbago ang isip ko.