Chapter 1

1789 Words
"Boss, binabawi ko na po. Ilipat mo na lang ako ng project." Pagmamakaawa ko habang pilit na pinapantayan ang yapak ng paa ni Sir Anton. Nililingon na ako ng mga katrabaho dahil mukha na akong timang kakahabol sa boss namin. "Thea, pumayag ka na. Tapos na ang usapan na 'to. Will you please excuse me, may kailangan pa akong gawin." Mabilis na tugon ni Sir Anton saka siya naglaho sa elevator. Gusto kong maupo at maiyak. Bakit kasi um-oo na lang ako nang hindi tinitignan ang pangalanan ng hinayupak na sinasabi nila? Bakit ako? Sa dinami-dami ng architects dito sa firm bakit ako pa talaga ang napili ng kamalasan na ito? Bumalik ako sa cubicle ko at sinalampak ang sarili ko sa upuan. I buried my face in my palms and let out a frustrated groan. Then I saw Erlina popping her head on top of our divider. "Huy, akala mo naman end of the world na. Kung puwede nga lang makipagpalit sa'yo nako gagawin ko." May halo na kilig ang boses niya ng sinambit niya ang mga katagang iyon. I forced myself to calm and not to roll my eyes at her. Hindi niya ako kayang intindihin. She doesn't know what I felt for that stupid engineer. "Ang pogi kaya niya! Nag-stalk na kami sa Facëböök nila Nikka, grabe Thea. Ang yummy niya!" Impit na tili ang narinig ko sa kaniya. Pilit niya pang pinapakita sa akin ang mga grabbed photos niya. "Sige na Erlina, magtatrabaho na ako." Putol ko sa mga bagay na puwede niya pang sabihin. Sumimangot siya saka muling naupo. God, buti naman! The last thing I want is people telling me how lucky I am to be paired with that engineer. Because frankly, I'm not close to be being lucky! Hindi nila alam. Wala silang alam. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa mesa baka sakaling magising ako. Baka naman kasing masamang panaginip lang ito. Pinigilan kong itapon sa basurahan ang folder na ibinigay sa akin ni Sir Anton. Nabubwisit kasi ako sa tuwing binubuklat ko iyon at nakikita ko ang pangalan at picture niya roon. Gusto kong pira-pirasuhin ang mga papeles na 'yon para lang maibsan ang inis ko. What if mag-resign na lang ako? I hanged on that thought for awhile because I saw Warren's picture on my table top. Saka ako napailing. Hindi, hindi ako mag-re-resign. Kung may magre-resign man sa aming dalawa, sisiguraduhin kong siya iyon at hindi ako. Naging usap-usapan siya sa buong quarters hanggang lunch time. Mukha namang kilig na kilig ang sambayanang kababaihan sa pagdating niya. Ano ba naman ang nakita nila sa taong iyon? Kung alam lang nila na sagad sa buto ang kasamaan ng ugali niya. Napairap na lang ako habang pinapakinggan ko ang walang humpay na talak ni Erlina patungkol sa kaniya. Na-stalk lang nila sa Facëböök akala mo naman kilala na nila ang buong pagkatao niya. "May mga pictures siya sa London. At sabi sa sources namin, nagtrabaho pala siya roon para sa isang Bridge Project at kauuwi niya lang. Galing talaga siya sa main branch ng company, naglipat daw kasi siya ng tirahan kaya nagpalipat din siya dito." Mahabang paliwanag ni Nikka saka kumapit ng mahigpit sa braso ni Erlina. "Excited na akong makita siya." Dagdag pa nito. I forcefully stabbed the carrot on my plate. Well ako hindi ako excited na makita siya. Bakit pa kasi siya dito nagpalipat? Puwede naman sa ibang quarters na lang siya o kaya sa ibang project. "May girlfriend siya." I just found myself interrupting their daydreaming. Napatigil lahat ng kasama namin sa mesa at napalingon sa akin. "Paano mo naman nalaman?" Jena quizzically asked, her eyebrows shooting up curiously. Nag-iwas ako ng tingin saka sumubo ulit sa Chapseuy ko. Dahil friend ko siya sa Facëböök? Nagkibit-balikat na lang ako saka humanap ng puwedeng palusot. "Nabanggit ni boss kanina noong nag-usap kami." Good thing I forced those words out without stuttering. Lord, patawad sa pagiging sinungaling ko sa mga oras na ito. Nakita ko ang pagsimangot ng ilan sa kanila, "Sayang naman. Sa bagay sa guwapo ba naman niya, sino naman ang maniniwala na single siya?" Tugon naman Cheska. Akala ko nang nalaman nila ang munting impormasyon na 'yon ay mananahimik na sila sa kakakuwento sa mga nalaman nila sa pag-stalk sa taong 'yon. Pero hindi, mas lalo lang silang naging mausisa at pilit na hinanap sa internet ang pangalan ng girlfriend niya. Buti na lang naka-private siya kundi makokonsensiya ako kung sakaling nahanap nila ang nobya niya. I busied myself after lunch, half of my thoughts were about Warren, para lang magkaroon ako ng inspirasyon sa ka-bullshit-an na napasok ko. Good thing I still have him because if not, I will probably go nuts. "Thea, pa-critic naman ako rito oh." Harvey muttered before he placed a sketch of his greenhouse project. Nakarinig kami ng pantutukso mula sa mga katrabaho namin. Harvey has been asking me out ever since Warren went into coma. Akala niya iniwan ko na si Warren, they don't know how rooted my love for my fiancé is. Hindi nila alam na dumadaloy na sa kaibuturan ng pagkatao ko ang pagmamahal ko sa taong iyon. Kunwari hindi ko na lang pinansin ang mga tukso ng tao sa paligid at tinignan ang inilagay niya sa harapan ko. "Masiyadong mababa ang ceiling Harvey. Tapos kung ako ang gagawa rito, ililipat ko ang pinto rito dahil —" Hindi ko naituloy dahil pagtaas ko ng tingin, na-distract ako sa titig niya. Mukhang hindi na kasi siya nakikinig sa mga sinsabi ko. "Harvey.." Suway ko sa kanya. "Just one dinner with me Thea. That's all I asking." He tried. I briefly closed my eyes. "Harvey, employee to employee relationship is strictly discouraged by the company." I dismissed him, stating of of the rules on our handbook. Sumandal siya sa cubicle ko saka nirolyo ang sketch na pinag-uusapan namin kanina. "Katrabaho rin naman natin si Warren, why did you agree on going out with him?" Katwiran niya. I felt my brow raising, my anger twitching. Huwag niyang masali sa usapan ang walang kamuwang-muwang kong fiancé. "Harvey, you don't want to go there. Leave Warren out of this. A no is a no, okay?" I heard him sigh in annoyance, "Fine, but this doesn't mean that I'm giving up." Saka siya umalis. Napahilot ako sa sentido ko, talagang dumadagdag pa siya sa mga bagay na nagpapasakit ng ulo ko. Then three heads with mocking grin mystically appeared on top of my cubicle. "Ang lupit mo naman kasi Thea, isang date lang." Panunukso ni Jena. "Harvey isn't that bad." Nikka supplied. I throw them all one disgusted look before I raised my left hand to show them my engagement ring. "My finacé ako, thanks." I pressed hardly. Hindi na sila sumagot, narinig ko na lang ang sabay-sabay nilang buntong hininga saka sila bumalik sa trabaho. The day went on longer that it should or baka dahil napudpod ang utak ko kakaisip dahil bukas magsisimula ko na siyang makita. Ilang beses akong umiling, the more that I have to enjoy the few hours of my independence. Okay 'wag kang OA Thea. You just do what you have to do. Isang project lang naman kami magsasama diba? That doesn't sound so bad. No. It sounds so bad. It sounds worse. Ilang buwan ang titiisin kong kasama siya. At hindi lang basta kasama, I quote 'working closely with you' sabi ni boss. "Bye Thea, see you tommorow. Bukas nandito na ang bagong engineer. Excited ka na ba?" Kilig na tanong ni Cheska. Nilingon ko siya sabay turo sa mukha ko, "Oo, excited na excited." I answered sarcastically before gathering my things. "Huy, OA mo talaga." Natatawang sambit niya. Napairap ako saka nagpaalam sa kanila. Dadaan pa ako ng ospital bago umuwi. I need to see Warren just to keep my sanity intact. Mababaliw na ako kakaisip na bukas magsisimula na ang mahabang death sentence ng buhay ko. I went on ranting and whining at Warren that night. Siguro kung gising lang siya, aayain niya akong kumain sa labas para mabawasan ang stress ko tapos manonood kami ng mga movies hanggang sa makatulog ako sa bisig niya. Oh, how I missed him taking care of me. Next morning came and I don't know if I have the will power to go to work. What if I just act like I'm sick and skip the day? Napailing ako, no that would ruin my wonderful record. So with a heavy heart, I gathered myself up and readied for my long, shitty day at work. Every girl and every gay at work was in a buzz when I arribed at work. Ang iba todo pagpaganda, ang iba naman ilang beses tumatayo at inaayos ang damit na suot nila. I rolled my eyes, ang mga ito, akala no naman President of the United States or the most popular celebrity ang darating. Okay fine, so he's the top performing engineer at the main branch. But who cares? Everyone except you, my brain shouted. Napainom ako sa kape ko saka ako umupo sa loob ng cubicle ko at ayan na naman sila Erlina. "Parating na siya Thea! Sana mapansin niya ako!" Jena said in a high pitched voice. I cleared my throat and chose not to react. "Uy, si Thea kunwari hindi affected. Okay lang naman na tumingin sa mga pogi sa tabi-tabi. Sure naman kaming hindi magagalit si Warren." Tukso ni Nikka. Kung alam lang nila kung bakit ako ganito mag-react. Kung ibang engineer iyan guwapo man o hindi, I'd be excited. Kaso hindi eh, instead I have him as a partner. Then the elevator made a 'ding' sound and everyone's head snapped to take a look. Naunang lumabas si Sir Anton, kasunod niya ang lalakeng dahilan ng stress ko. "Medyo maliit nga lang ang opisina namin kumpara sa main quarter but I know you'll find it fun working here..." Narinig kong tugon ni boss. I ducked my head down and hid, I don't even know the hell why. "I'll go and introduced you to everyone pero unahin na lang muna natin ang partner mo..." Sh!t. Sh!t. Sh!t. Tangina talaga! "Thea?" Narinig kong tawag ni boss. May mga lumingon sa akin, I'm sure they are thinking on how stupid I look now. "Dumating na ba si Thea?" May mga sumagot naman ng 'yes sir' sa kaniya. Bigla akong kinabahan. Sana pala nagbanyo muna ako. Teka bakit ba kasi ako nagtatago? I cleared my throat before I stood up, our eyes immediately locked. There was an inkling of surprise in his eyes before he grinned. Napalunok ako na wala sa oras. Punyemas! "This is Miss—" "Altheyah Divina." He said before boss can finish his sentence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD