MAXI's POV
Niyakap ko ng mahigpit ang kaibigan kong si Aris bago ito tuluyang umalis ng apartment na pinaghatiran nito sa akin. Tinulungan nito akong mag-ayos ng mga gamit ko sa isa sa mga kwarto ng apartment na magiging bahay ko for I don't know how many days, weeks or months. Or maybe years? But I'm still grateful na may natutuluyan ako ngayon. Thanks to my Kuya David at sa kakilala niya na nakahanap agad ng apartment.
Actually, maayos naman ang apartment. Wala akong nakikitang nababakbak na pintura ng dingding. Maayos din ang sahig pati ang mga bintana at ang mga pinto. Wala ring butas ang kisame. Gumagana naman ang mga gripo at walang pundidong ilaw.
"Grabe naman 'yon. Nagyayakapan sa harapan ng bata. Hindi na nahiya."
Napatigil ang paggagala-gala ng mga mata ko sa buong kabahayan nang marinig ko iyon. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa living room, may kinakalikot ito na kung ano sa hawak na cellphone. May katabi siyang batang babae na nakatingin sa akin. May curiosity sa mga mata ng bata nang tumingin ito sa akin.
Sigurado akong ako ang pinariringgan ng lalaking ito. Natatandaan kong Jake ang pangalan niya according to Aling Ludy at maaaring ang katabi niyang batang babae ang kapatid niya na sinasabi ni Aling Ludy na Gigi ang pangalan.
Akma na akong magsasalita nang bigla na namang humirit 'yong Jake.
Jake: Gigi, ano nga ulit 'yong ayaw kong kasama sa apartment na 'to?
Nakita kong medyo nalito ang bata at maya-maya ay biglang nagsalita.
Gigi: 'Yong maingay po.
Mahina lang ang tono ng boses ni Gigi, pero naririnig ko pa rin mula sa kinatatayuan ko malapit sa main door ng apartment.
Jake: Very good!
Parang proud na proud ang Jake na ito na nasagot ng tama ng kapatid ang kanyang tanong. Tuloy pa rin si Jake sa kung anong kinakalikot niya sa hawak na phone.
Napaisip ako. Hindi naman ako maingay. Pero with friends, talagang napapalakas ang boses minsan. Eh, panigurado namang hindi sila pupunta rito sa apartment na ito kaya hindi maririnig nitong Jake ang ingay namin.
Jake: Pero mayroon pa, 'di ba, Gigi? Ano pa nga 'yong isa?
Aba! May isa pa.
Nakita kong kumunot ang noo ni Gigi at maya-maya ay sumagot din.
Gigi: 'Yong madaldal po.
Jake: Tama ulit!
Nakita kong hinaplos pa ni Jake ang buhok ng kapatid na ikinatawa ng mahina nito.
Napaisip akong muli. Madaldal? Well, hindi naman ako madaldal. Kapag may ikukwento lang. Mas madaldal pa nga ang kaibigan kong si Ruby.
Maya-maya ay nagsalita na naman itong Jake.
Jake: Naku, Gigi. Nakalimutan ko. May isa pang ayaw ang Kuya Jake mo na kasama rito sa apartment.
Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ng bata. Mukhang pinipilit nitong alalahanin kung ano ang tinutukoy ng Kuya Jake nito.
Jake: Ano nga ulit iyon?
Napataas ang isang kilay ko. Talaga ba? May isa pa?
Biglang napapitik sa hangin ang batang si Gigi.
Gigi: Aha! Ayaw niyo po sa maarte, Kuya Jake.
Dalawang kilay ko na ang nakataas. Maarte? Niyuko ko ang aking sarili. Hindi ako maarte. Maalaga lang sa katawan.
Nakita kong umangat ang ulo ni Jake mula sa pagkakayuko sa kinakalikot niyang cellphone at humarap sa kapatid. Nakita kong itinaas niya ang kanang kamay na nakabukas ang palad at nakipag-high five siya sa kapatid.
Jake: Napakagaling talaga ng baby sister ko! Manang-mana sa Kuya Jake niya!
Tuwang-tuwa naman si Gigi rahil sa papuri ng Kuya Jake nito. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Bigla kong naisip ang Kuya David ko. Close din kaming magkapatid. Protective siya pagdating sa akin. At ngayon medyo matagal kaming hindi magkikita. Parang gusto ko tuloy mag-emote.
Maya-maya ay may narinig akong tumikhim. Nakatulala na pala akong nakatayo malapit sa main door. Biglang nagsalita 'yong Jake.
Jake: Anong tinitingin-tingin mo? May problema ka ba sa akin?
Magkasalubong ang mga kilay niya. Parang kanina nang pagbuksan niya kami nila Aris ng pinto.
Kinatok ni Aling Ludy ang pinto ng tutuluyan ko. Matagal bago may nagbukas ng pinto at talaga namang napanganga ako sa kagwapuhan ng lalaking nagbukas ng pinto.
Ludy: Jake, nandito na si Maxi. Siya 'yong makakahati mo sa upa.
Lumingon sa akin 'yong Jake at para akong nanigas sa aking kinatatayuan nang titigan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik ng aking mukha.
Nakatulala pa rin ako sa kanya at parang tumutulo pa ang laway ko. Nabigla na lang ako nang bigla siyang magsalita na maangas ang dating.
Jake: Problema mo, ha?
Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya at medyo kinabahan ako. Sasapakin ba niya ako?
Tumikhim si Aling Ludy.
Ludy: Papasukin mo na si Maxi at ang kasama niya, Jake, para makapag-ayos na sila ng gamit.
Niluwangan ni Jake ang pagkakabukas ng pinto at unang pumasok si Aling Ludy kasunod ako at si Aris na hinaharot pa rin ni Trixie. Itinuro sa akin ni Aling Ludy kung saan ang magiging kwarto ko at habang nakikinig ako sa iba pang sinasabi nito ay parang nararamdaman kong may mga matang nakatitig sa akin. Lumingon ako at nagtama ang mga mata namin ng lalaking mataman akong pinagmamasdan. Si Jake.
Ang sungit pa rin ng mukha niya, pero hindi maitatago ng kasungitan niya ang kanyang kagwapuhan. Ipinilig ko ang aking ulo. Nagka-crush ba ako sa masungit na lalaking ito?
Parang nailang ako sa mga titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin at nag-focus sa mga sinasabi ni Aling Ludy. Hanggang makalabas ng apartment sina Aling Ludy at Trixie ay hindi ko na sinubukan pang tingnan si Jake.
Ngayon na lang ulit.
Maxi: Ako? May problema? Naku, wala. Nakangiti nga ako.
Itinuro ko pa ang magkabilang gilid ng labi kong nakangiti.
Maxi: Mukha bang may problema 'to?
Lalo ko pang nilakihan ang ngiti ko.
Nakita kong kumunot ang noo ni Jake.
Maxi: Naalala ko lang sa inyong dalawa ng kapatid mo kaming dalawa ng Kuya ko. Close din kami niyon.
Nakita kong ngumiti si Gigi at nakita ko ring sumama ang timpla ng mukha ni Jake. Tumayo ito at lumapit sa akin. Nakita kong bitbit pa rin niya ang cellphone na binubutingting.
Jake: Idinadahilan mo pa ang Kuya mo para lang makatitig sa akin. Sa susunod, ayaw kong tinititigan mo ko. Maliwanag?
Ang lapit-lapit ng mukha ni Jake sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Bakit ganito? Nangangatog ang mga tuhod ko?
Jake: Tinatanong kita. Maliwanag ba?
Parang hindi ko pa rin kakayaning magsalita habang napapatingin ako sa mapupula niyang labi na sobrang lapit sa mukha ko. O tukso, layuan mo ako!
Napatango na lang ako kay Jake dahil hindi ko maibuka ang aking bibig sa sobrang pagkataranta. Dahil sa pagkataranta ko ay hindi ko napansing wala na pala sina Jake at Gigi sa harapan ko.
Lupa, lamunin niyo ako!
Bakit ba ako nagkakaganito? Kanina pa ako napapatulala sa harap ni Jake? Grabe. Crush ko ba siya? Eh kasi naman ang gwapo niya. Pero hindi pwede. May boyfriend na ako.
Yes, may boyfriend ako. You read it right. Si Lyndon. One of the reasons kung bakit hindi ko maibigay sa kaibigan kong si Aris ang pakikipagrelasyon na gusto nito mula sa akin. Maliban sa friend lang ang tingin ko rito ay taken by Lyndon na ako.
Speaking of, hindi ko pa pala ito nasasabihan na may bago na akong tinitirhan. Kukumustahin ko na rin ito. Dinukot ko mula sa bulsa ng pantalong suot ko ang phone na ibinigay sa akin ni Kuya David. Tatawagan ko si Lyndon.
Nakailang ring na bago sinagot ni Lyndon ang tawag ko. Parang hinihingal pa ito. Baka nag-e-exercise? O kaya nasa gym?
Lyndon: Babe?
Maxi: Ah, babe. Nasa gym ka ba? Parang hinihingal ka.
Lyndon: Ha? Ah, eh, oo, babe. Nasa gym ako.
Parang lumalalim ang paghinga ni Lyndon sa kabilang linya. Maya-maya ay umungol ito kasunod ng paghalinghing ng isang babae.
Nabitiwan ko ang phone na hawak ko.
No. Hindi pwede ito.
Niloloko ba ako ni Lyndon?
----------
itutuloy...