THIRD PERSON POV
Nagulat si Minda nang makitang sumungaw sa pintuan ng study room ang kanyang kapatid na si Frida.
Hindi inaasahan ni Minda ang pagbisitang iyon ng kanyang kapatid. Katunayan ay mabibilang lamang sa isang daliri ang beses ng pagdalaw nito sa malaking bahay nila ng kanyang asawang si Arnulfo kada taon.
Isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Frida habang unti-unting niluluwangan ang pagkakabukas ng pintuan ng study room at papasukin nito ang sarili sa loob.
Frida: Hi, Ate Minda. I hope I'm not disturbing you or anything.
Tumalikod si Frida para marahang isara ang pinto.
Pagkatapos ay muling humarap si Frida kay Minda at naglakad palapit sa kanya. Nakipagbeso-beso si Frida sa panganay na kapatid.
Si Minda ay inalok na umupo si Frida sa upuang nasa harapan ng wooden table at pagkatapos ay naglakad siya papunta sa high-back executive chair na nasa likod ng wooden table at umupo roon.
Minda: Frida, napadalaw ka. After what, eight months, I guess?
Nahihimigan ni Frida ang sarcasm sa tinig ng boses ni Minda pero binalewala nito iyon.
Frida: Oh, Ate Minda. You're exaggerating. Seven months lang naman.
Sinundan pa ng marahang tawa ni Frida ang sinabi.
Frida: Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ang aking nag-iisang kapatid?
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Frida.
Malalim na nagbuntung-hininga si Minda.
Minda: Oh, please cut the crap, Frida. We both know that we aren't that close since we were kids.
Ngumiti rin si Minda pero hindi umabot sa kanyang mga mata.
Bigla namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Frida at napalitan ng kalungkutan ang ekspresyon na nasa mukha nito.
Frida: That was years ago, Ate Minda. These past few years ay okay naman na tayo. Hindi na tayo nagtatalo nang tulad nang dati.
Tumuwid ng upo si Minda sa executive chair.
Minda: That's because we rarely see each other, Frida. Kaya naman hindi na tayo masyadong nagtatalo nitong mga nakaraang taon.
Isang sarcastic smile ang iginawad ni Minda kay Frida.
Minda: Tingnan mo, if we live under one roof ay paniguradong mapupuno na naman ng bangayan ang buong bahay.
Isang mapang-asar na tawa ang pinakawalan ni Minda na naging sanhi para mainis si Frida.
Ngunit hindi ipinahalata ni Frida na naiinis ito.
Pagkatapos tumawa ni Minda ay humarap siya kay Frida na may nakakainsultong ngiti sa kanyang mga labi.
Minda: Don't tell me, kaya ka naparito ngayon ay para humingi na naman ng pera sa akin. Kasi 'yon ang madalas na dahilan sa tuwing dinadalaw mo ako.
Isang nagtitimping ngiti ang isinukli ni Frida sa mapang-insultong ngiti ni Minda.
Frida: That was before, Ate Minda. Bago ko makilala si Vladimir. Have you already forgotten?
Pigil na pigil si Frida na huwag umigkas ang kanang palad para hindi masampal si Minda rahil sa nakikita nitong nakakainsultong titig ng kapatid.
Isang mapang-asar na tawa na naman mula kay Minda ang pumailanlang sa loob ng study room na iyon.
Minda: Oh, yeah. Right. You married an old, rich man para masustentuhan ang mga kapritso mo. Thank you for reminding me how clever you are, my little sister.
Isang nakakainsultong ngiti na naman ang nakapaskil sa mga labi ni Minda para sa kanyang kapatid na si Frida.
Malalim na nagbuntung-hininga si Frida para pakalmahin ang sarili.
Isang pilit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Frida bago nagsalita.
Frida: Ate Minda, I don't think it's right that we're talking about my deceased husband. Let's respect his soul. I'm pretty sure you know the exact definition of the word respect.
Sandaling natigilan si Minda sa sinabi ni Frida rahil nakita niya sa mga mata nito ang panandaliang pagdaan ng lungkot.
Marahil ay hindi pa rin nakakapag-move on si Frida sa pagkamatay ng asawa nito.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Minda.
Minda: My apology, Frida. I admit that I crossed a line there. Hindi ko sinasadya.
Tumingala si Frida sa kisame ng study room at napabuga ng hangin.
Muling humarap si Frida kay Minda.
Frida: Don't worry about it, Ate Minda. Alam kong marami kang iniisip ngayon.
Sa sinabing iyon ni Frida ay napakunot ang noo ni Minda.
Minda: What exactly did you mean by that?
Napangiti si Frida sa isipan nang mahimigan ang pagbabanta sa tinig ng boses ni Minda.
Sinigurado ni Frida na makikita ang pag-aalala sa mukha nito nang muling magsalita.
Frida: I've heard about what happened to Maximiliano, Ate Minda. I mean to Maxi. I'm so sorry.
Nanlaki ang mga mata ni Minda rahil sa kanyang narinig mula kay Frida.
Minda: And who told you that?
Pigil na pigil si Minda na magtaas ng tono ng boses sa kanyang kapatid.
Nagkibit-balikat si Frida.
Frida: I-I heard it through the grapevine, Ate Minda.
Biglang nagdilim ang mukha ni Minda.
Minda: Kanino mo nalaman, Frida?
Marahan ang pagkakasabi niyon ni Minda pero may talim sa tinig ng kanyang boses.
Nakita ni Minda ang pag-aalangan sa mukha ni Frida. Nag-iwas din ito ng tingin mula sa kanya.
Minda: Frida?
May pagbabanta sa tinig ng boses ni Minda.
Napilitang muling tumingin si Frida kay Minda.
Frida: C-can you promise me that you won't get mad once I told you whom I heard it from?
Tumingala si Minda sa kisame at humugot ng malalim na paghinga bago muling tumingin kay Frida at marahang tumango.
Minda: Who told you, Frida?
Lumunok muna ng laway si Frida bago sinagot ang tanong ni Minda.
Frida: From Arnulfo, your husband.
Wala sa loob na napakapit si Minda sa gilid ng wooden table sa kanyang harapan.
Hindi makapaniwala si Minda na ang sariling asawa pa ang magsasabi sa ibang tao ng tungkol sa kanilang anak na si Maxi.
Frida: But don't worry, Ate Minda. I haven't told anyone about it. I won't tell a soul, I promise. But, eventually, malalaman din naman ng mga kakilala natin. And I know you're aware of that.
Hindi makatingin ng diretso si Minda kay Frida.
Nahihimigan ni Minda ang awa sa tinig ng boses ni Frida.
At sino ang kinakaawaan ng kapatid ni Minda? Siya ba o ang kanyang anak na si Maxi?
Frida: I know what you're going through right now, Ate Minda. I'd been there. Hi-hindi madali ang magkaroon ng anak n-na someone l-like Maxi.
Sa puntong iyon ay tumitig na si Minda kay Frida at kung nakamamatay ang tinging ipinupukol ni Minda sa kapatid ay baka bumulagta na ito sa sahig ng study room.
Minda: Like what?
Sandaling natigilan si Frida sa nakikitang anyo ni Minda ngayon na parang anumang oras ay maaaring makapanakit ng tao.
Frida: Y-you know. Maxi isn't like us. H-he's not normal.
Marahas na napasinghap si Minda rahil sa sinabi ni Frida at bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa executive chair at madiing pinalo ang ibabaw ng wooden table gamit ang dalawang palad.
Minda: My son is perfectly fine, Frida. People who are closed-minded like you are the ones who shouldn't speak about what is normal and what isn't.
Nanlalaki ang mga mata ni Frida habang nakatingala kay Minda.
Kitang-kita ni Frida ang pagtiim ng mga bagang ni Minda habang nanlilisik ang mga matang nakatitig dito.
Frida: I-I didn't mean---
Hindi na natapos pa ni Frida ang sasabihin dahil biglang tinawag ni Minda ang mayordoma ng mansyon.
Minda: Manang Rosing! Manang Rosing!
Nabigla pa si Frida nang biglang bumukas ang pintuan ng study room at pumasok sa loob si Manang Rosing.
Minda: Manang Rosing, pakihatid na si Ma'am Frida ninyo sa labas ng gate. Overstaying na siya rito sa loob ng study room.
Mahinahon ang pagsasalita ni Minda ngunit makikita sa kanyang mukha ang nagbabadyang panganib kung hindi pa aalis si Frida.
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Frida si Minda at pagkatapos ay mahinahong tumayo mula sa pagkakaupo.
Frida: See you soon, my dearest sister.
Nanlilisik ang mga mata ni Minda kay Frida ngunit tahimik lamang na tumango si Frida bago tumalikod at naglakad palabas ng study room kasunod si Rosing.
Pagkasara ng pintuan ng study room ay isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Frida.
----------
Malakas na inihagis ni Vanessa ang mga hawak na wedding brochure sa ibabaw ng center table sa loob ng opisina ng fiancé na si Ferdie.
Vanessa: Ano ba, Ferdie? Mukhang hindi ka naman yata interesado sa pagpili ng venue para sa wedding natin.
Nakatayong humalukipkip si Vanessa habang nakatingin kay Ferdie na nakaupo sa settee sa loob ng opisinang iyon.
Marahang nagbuntung-hininga si Ferdie at tiningala ang kanyang fiancée.
Ferdie: I'm sorry, hon. Marami lang iniisip dahil sa trabaho.
Tumaas ang isang kilay ni Vanessa.
Vanessa: Trabaho? O nagdadalawang-isip ka nang pakasalan ako?
Kumunot ang noo ni Ferdie habang nakatingin pa rin kay Vanessa.
Vanessa: Did you really expect I wouldn't notice how distracted you were these past few days? Huh, Ferdie? Ano? May ibang babae ka ba?
Sa puntong iyon ay mataas na ang tono ng boses ni Vanessa.
Agad na tumayo si Ferdie at nilapitan si Vanessa. Hinawakan sa magkabilang braso ang fiancée.
Ferdie: Hey. Lower down your voice, hon. Baka marinig ka ng mga tao ko?
Sandaling lumingon si Ferdie sa nakasaradong pintuan ng kanyang opisina.
Naiinis na binawi ni Vanessa ang mga braso nito mula sa pagkakahawak ni Ferdie.
Vanessa: Ah, ganoon? Concerned ka sa iisipin ng mga tao mo, pero sa iisipin ng fiancée mo ay wala kang pakialam.
Madiing hinampas ni Vanessa ang malapad na dibdib ni Ferdie.
Vanessa: Pinapunta-punta mo ako rito tapos hindi ka naman magko-concentrate sa pagplano ng kasal natin. Pinagloloko mo ba ako, Ferdie?
Nahahapong tumingala si Ferdie sa kisame ng kanyang opisina bago muling tiningnan ang nanggigigil sa inis na mukha ni Vanessa.
Ferdie: Okay, hon. I'm sorry. I'm sorry kung masyado akong distracted these past few days, pero marami lang talaga akong ginagawa rito sa office.
Inabot ni Ferdie ang dalawang kamay ni Vanessa at pinisil ang mga palad nito.
Ferdie: And, hon, wala akong ibang babae.
Tumaas ang isang kilay ni Vanessa at umirap kay Ferdie.
Binawi ni Vanessa ang dalawang kamay mula sa pagkakahawak ni Ferdie rito.
Vanessa: Siguraduhin mo lang, Ferdie. Dahil ako, kahit kailan ay hindi ako nag-cheat sa 'yo. Hindi ko deserve ang lokohin.
Inabot ni Vanessa ang handbag nito mula sa ibabaw ng center table.
Vanessa: Nawalan na ako ng mood na maghanap ng venue para sa kasal natin. Next time na lang natin pag-usapan. Kapag hindi ka na busy.
Matalim ang mga titig ni Vanessa kay Ferdie.
Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na si Vanessa at naglakad patungo sa pintuan ng opisina ni Ferdie.
Bago tuluyang lumabas ng opisina ni Ferdie ay lumingon muna si Vanessa kay Ferdie.
Vanessa: Sana next time ay nasa akin na ang buong atensyon mo, Ferdie.
Pagkalabas ni Vanessa ng opisina ni Ferdie ay nahahapong muling umupo si Ferdie sa settee na malapit sa kanya.
Totoo namang maraming iniisip si Ferdie ngayon na may kinalaman sa kanyang trabaho ngunit hindi niya rin maikakailang madalas pumasok sa kanyang isipan ang kapatid ng kanyang best friend na si David nitong mga nakaraang araw.
Si Maxi.
Kung bakit ay hindi sigurado si Ferdie.
----------
Pagkasakay sa kanyang kotse ay agad na kinuha ni Vanessa mula sa loob ng kanyang handbag ang kanyang cellphone.
Tinawagan ni Vanessa ang matalik na kaibigan ng kanyang fiancé. Si David.
David: Hello, sexy.
Agad na napakagat-labi si Vanessa nang marinig ang malalim na boses ni David mula sa kabilang linya.
Vanessa: Inaway ako ng best friend mo. Baka pwede mo naman akong pakalmahin ngayon?
Naglalambing ang tinig ng boses ni Vanessa.
David: Now? May naka-set kaming date ni Monica ngayon.
Nag-pout si Vanessa kahit hindi naman iyon nakikita ni David.
Vanessa: Ganoon? Mas importante pa pala ang girlfriend mo kaysa sa fiancée ng best friend mo?
Nahihimigan ni David ang pagtatampo sa tinig ng boses ni Vanessa kaya naman marahan itong tumawa.
David: Hindi na ba makapaghihintay si baby Kitty natin, babe?
Punung-puno ng kalandian ang tinig ng boses ni Vanessa nang muling magsalita.
Vanessa: Hindi na, eh. Miss na niya ang pag-aalaga ng Daddy David niya.
Malalim na tumawa si David.
David: Kung ganoon, sasabihin ko na lang kay Monica na nagka-emergency. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang aking anak sa fiancée ng aking best friend.
Sabay na malanding nagtawanan sina Vanessa at David.
David: Ihanda mo na si baby Kitty natin. Gusto kong naka-ready na siya pagkarating ko sa condominium unit mo mamaya. Maliwanag ba, Mommy Vanessa?
Isang maharot na tawa ang pumailanlang sa loob ng kotse ni Vanessa.
Vanessa: Yes, Daddy David.
----------
itutuloy...