KABANATA 8

2192 Words
MAXI's POV Oh gosh! Like oh my gosh! I'm with Ferdie now. Kasama ko so Ferdie sa mall dahil after ko siyang makita sa harapan ng apartment kung saan ako nangungupahan ay nagyaya siyang lumabas kami para mamasyal. Of course I didn't decline Ferdie's invitation. Si Ferdie na ang nagyaya, so wala na akong lakas ng loob para tumanggi pa. You see, Ferdie has been a crush of mine since the first time my eyes laid on him. Best friend ng aking Kuya David si Ferdie. At isa si Ferdie sa mga dahilan kaya nakumpirma ko ang aking pagkatao. I blushed when Ferdie smiled at me the moment my Kuya David introduced his best friend to me. And I will never forget kung paanong parang sinundot ang aking pang-upo nang makipagkamay sa akin si Ferdie. At, grabe, sobrang bango ni Ferdie kahit buong maghapon silang nag-basketball ni Kuya David. Bangong nakapanlalambot ng mga tuhod. At tuluyan na ngang lumambot ang lahat sa akin nang panahong iyon. Lagi kong tinatanong ang aking Kuya David kung magkikita ba sila ni Ferdie, kung maglalaro ba sila ng basketball, kung may hangout ba sila. Mga bagay na hindi naman pinagdudahan ni Kuya David noon. Nagbiro pa nga ang aking Kuya David noon na baka mas gusto ko pang maging kapatid si Ferdie. Syempre sinakyan ko na lang ang biro ng aking Kuya David dahil hindi pa naman ako naglaladlad before. Hanggang sa mag-aral ako sa High School ay si Ferdie pa rin ang lalaking aking lihim na hinahangaan. Nagseselos ako sa tuwing aking nababalitaan mula kay Kuya David na may pinopormahang babae si Ferdie. Syempre hindi naman ako pwedeng maglupasay sa harapan ni Kuya David noon, kaya tumatango na lang ako kapag nagkukwento ito tungkol sa mga nagiging girlfriend ni Ferdie. Ngunit unti-unting nawala sa aking isipan si Ferdie noong makilala ko ang aking ex-boyfriend na si Lyndon. Ang manloloko at taksil na si Lyndon. Bumabalik na naman sa aking sistema ang sakit na dulot ng pangangaliwa ng aking talipandas na ex-boyfriend at ng pagtatraydor sa akin ng babaeng kasama ni Lyndon sa panloloko sa akin, ang aking ex-friend na si Pauline. Kagabi ay parang tuluyan nang nawala ang sakit at galit na aking nararamdaman dahil sa ginawa nina Lyndon at Pauline sa akin, pero ngayon ay parang may kirot na naman sa aking dibdib dahil saglit na namang dumaan sa aking alaala sina Lyndon at Pauline. Parang tuluyang nawala ang sakit at galit sa aking puso nang masilayan ko ang malamang pang-upo ng aking masungit na roommate na si Jake kagabi. Shocks! Kung kanina ay parang may kumikirot sa aking dibdib, ngayon naman ay para akong kinakabahan. Feeling ko pa ay parang namumula ang aking magkabilang pisngi. Grabe. Apektado pa rin ako sa aking nakitang hubad na maumbok na pang-upo ni Jake kagabi. Ang mabilog na pang-upo ni Jake na parang kaysarap hampasin. OMG! Saan galing iyon? Tirik na tirik ang araw ay pinagpapantasyahan ko ang pang-upo ng aking masungit na roommate. Umayos ka, Maxi! Hindi ka manyakis! Ano ba naman ito? Hindi naman pwedeng sa bawat pagkakataong maaalala ko sina Lyndon at Pauline ay kailangang isipin ko agad ang pang-upo ni Jake para lang mawala ang sakit at galit sa aking puso. Hindi tama 'yon. Ano iyon? Pang-upo therapy? Nagulat na lamang ako nang biglang tapikin ni Ferdie ang aking kaliwang balikat. Muntik ko pa siyang mahampas ng aking bitbit na paper bag. Malakas na tumawa si Ferdie na iniwasan ang paghampas ng paper bag sa kanyang katawan. Ferdie: O, Maxi. Relax ka lang. May itinatanong kasi ako pero nakatulala ka lang. Is everything all right? Namumula ang iyong magkabilang pisngi. Shocks! Namumula ang aking mga pisngi rahil sa pang-upo ni Jake. Bakit ba ginugulo ng pang-upo ni Jake ang aking isipan? Maxi: Ah, oo. Okay lang ko. Ang dami kasing tao rito sa mall ngayon. Baka naiinitan ako? A-ano ba iyong itinatanong mo, Ferdie? Ngumiti pa ako ng matamis kay Ferdie. Kailangang ituon ko ang aking focus kay Ferdie. Ngayon na lang ulit kami nagkasama rahil naging busy kami sa kanya-kanya naming personal na buhay. Ako nga ay sa talipandas kong ex-boyfriend at sa aking pag-aaral at si Ferdie ay sa kanyang trabaho at sa kanyang fiancée na si Vanessa. Ang fiancée ni Ferdie na si Vanessa. Si Vanessa na hindi ko feel ang presence. May ginawa ba sa akin si Vanessa para hindi ko ito ma-feel? Ang sagot ay wala. Hindi ko lang talaga feel si Vanessa. Period. Naging girlfriend ni Ferdie si Vanessa bago ko pa man makilala si Lyndon. Noong una ang akala ko ay matutulad lang ito sa dating girlfriends ni Ferdie na hindi tatagal nang dalawang buwan. But I was wrong. I was very, very wrong. Tumagal ang relasyon nina Ferdie at Vanessa hanggang sa maging fiancée na nga ni Ferdie ang hindi ko feel na si Vanessa. Noong nakarelasyon ko si Lyndon ay pansamantala kong nakalimutan ang tungkol kina Ferdie at Vanessa. Kumusta na kaya ang relasyon nina Ferdie at Vanessa? Wala naman akong nababalitaang naghiwalay sila, so paniguradong sila pa rin. Bakit nga ba kasi hindi ko naitanong kay Ferdie nang magkwentuhan kami kanina sa loob ng kanyang kotse? Well, kahit hindi ko feel si Vanessa ay masaya ako for Ferdie. Kasi alam kong masaya siya sa kanyang love life. Hindi katulad ko. Bigo. Hay naku. Enough of Lyndon na. Hindi ko gustong masira ang araw na ito rahil lang sa talipandas na iyon. Nakita kong naaaliw na ngumiti sa akin si Ferdie. Ferdie: Well, I was just asking kung nagugutom ka na. Gusto mo na bang kumain? Kumain. Naalala ko na naman ang nangyari kanina nang hindi ko pinapasok sa loob ng aming apartment ni Jake si Ferdie. Hindi ko man lang siya naalok na kumain. Naglalakad na ako ngayon pabalik ng apartment galing sa school kung saan inihatid namin ng aking roommate na si Jake ang kapatid nitong si Gigi. Malapit na ako sa aming apartment ni Jake nang may mapansin akong lalaking nakatayo sa harapan ng pinto ng aming apartment. Mukhang may hinihintay ito. Shocks! Parang familiar 'yong bulto ng lalaki. Naglakad pa ako nang naglakad hanggang makarating na ako sa tapat ng apartment namin ni Jake. Tumikhim muna ako para maagaw ang atensyon ng lalaking nakaharap sa pintuan ng apartment. Unti-unting humarap ang nakatayong lalaki hanggang sa magkaharap na kami. OMG! Si Ferdie. Ngumiti si Ferdie pagkakita sa akin. Oh my. Ang gwapo talaga niya. Ferdie: Hi, Maxi. Kumusta ka na? Bakit ganoon? Kinikilig ako! Maxi: H-hi, Ferdie. A-ayos lang ako. Pa-paano mo pala nalaman na rito ako nakatira ngayon? Si-sinabi ba ni Kuya David sa iyo? Naaaliw na tumawa si Ferdie. Ferdie: Bakit ka nauutal, Maxi? Nahihiya ka na ba sa akin ngayon dahil ngayon lang ulit tayo nagkita makalipas ang matagal na panahon? Naging busy ka sa iyong pag-aaral sa College and naging busy naman ako sa aking work. Oh my. Pautal-utal kasi akong magsalita. Baka mahalata ni Ferdie na kinikilig ako sa kanyang presence? Ferdie: Anyway, staff ko 'yong naghanap ng apartment for you. David called me and he asked if I knew any apartments near my office. Wala akong alam, but may alam 'yong staff ko, so here you are. Nanlaki ang aking mga mata. Staff pala ni Ferdie ang naghanap ng apartment for me. Nakaka-touch naman ito. Maxi: Don't tell me, ikaw 'yong nagbayad ng renta for six months? Ngumiti lang si Ferdie sa aking tanong. Maxi: Naku, Ferdie. Promise, babayaran ko kapag kumita na kami ng friend ko sa aming online business. Muling naaaliw na tumawa si Ferdie. Ferdie: Don't worry about it, Maxi. David will take care of it. At hindi rin ako papayag na ikaw ang magbayad. Hayaan mo namang maglabas ng pera ang kuripot mong kapatid. Sinundan ng masiglang tawa ni Ferdie ang sinabi niyang iyon. OMG. Sobrang blessed ko talaga sa pagkakaroon ng mabait na kapatid sa katauhan ni Kuya David at ang swerte ko rin dahil mabait din ang kanyang best friend na si Ferdie. Nahihiyang ngumiti ako kay Ferdie. Maxi: Sa-salamat, Ferdie. Ngumiti ring pabalik si Ferdie sa akin. Aalukin ko na sana si Ferdie na pumasok sa loob ng apartment nang biglang maalala ko ang sinabi ni Jake nang maabutan ang aking mga kaibigan na sina Devon at Ruby sa loob ng aming apartment kagabi. Baka hindi rin matuwa si Jake kapag pinapasok ko si Ferdie sa loob ng aming apartment na hindi rin nito nalalaman? Bago pa ako makapagsalita ay biglang nagsalita si Ferdie. Ferdie: Busy ka ba, Maxi? Would you like to hang out with me? Let's go to the mall. Para makapag-catch up on things na rin. Alanganin akong ngumiti kay Ferdie. Maxi: N-no, problem, Ferdie. Pero okay lang ba na-na sa loob ng kotse mo na ikaw maghintay? Nakita ko ang nakaparadang kotse ni Ferdie sa gilid ng kalsada nang maglakad ako papalapit sa kanya kanina. Kumunot ang noo ni Ferdie. Maxi: A-ano kasi, huhugasan ko pa 'yong pinagkainan namin ng roommates ko, Ferdie. A-at saka mag-aayos pa rin ako. Ma-matatagalan ako. Nakakahiya namang pag-paghintayin ka rito sa labas. Tumaas ang dalawang kilay ni Ferdie. Ferdie: Ah, aren't you going to invite me to come inside, Maxi? Tumingin pa si Ferdie sa pinto ng aming apartment ni Jake. Napalunok ako. Maxi: Uhm, Ferdie, I want to. Pero kasi, 'yong roommate ko, i-istrikto siya pagdating sa pagpapapasok ng bisita sa loob ng aming apartment. Gusto niyang ipinaaalam ko muna. Ang problema ay wala pa akong number niya. A-ayoko sana--- Tumigil ako sa pagsasalita nang itaas ni Ferdie ang kanyang kanang kamay na parang pinahihinto ako sa pagsasalita. Ferdie: Okay, Maxi. I understand. Nawala sa isip ko na may roommates ka nga pala rito. Okay, I'll wait for you sa sasakyan. Sige na. Pasok ka na. Kumindat pa sa akin si Ferdie. Omigosh. Kinikilig na naman ako kahit medyo nahihiya ako kay Ferdie. Siya na nga ang nagbayad ng aking renta for six months ay hindi ko pa siya pinapasok sa loob ng apartment. Nahihiya akong ngumiti kay Ferdie habang pumapasok sa loob ng apartment. Siya naman ay nakangiti habang pinapanood ang aking pagpasok sa loob ng apartment. Habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan sa almusal namin ng aking roommates na sina Jake at Gigi ay naisip kong dapat naming pag-usapan ni Jake ang magiging house rules ngayong magkasama na kami sa iisang apartment. Napabuntung-hininga ako matapos alalahanin ang mga nangyari kanina. Sinabi ko kay Ferdie na nagugutom na ako at nag-offer siyang i-treat ako sa isang fast food restaurant. Naglalakad na kami ni Ferdie papunta sa isa sa mga kainan dito sa loob ng mall nang magpasalamat akong muli sa binili niyang sapatos para sa akin. Maxi: Salamat ulit dito sa shoes, Ferdie. Ang dami mo nang naitulong sa akin. Una ay 'yong renta ng apartment at ngayon naman ay itong sapatos. Itinaas ko pa ang aking bitbit na paper bag kung saan nakalagay ang box ng biniling shoes ni Ferdie para sa akin. Maxi: Need ko rin ito ngayon dahil kaunti lang ang mga dala kong gamit. Ang dala ko lang ay 'yong mga gamit na galing sa sarili kong pera. Nakangiting tumango si Ferdie. Ferdie: Don't worry, Maxi. Magiging okay din kayong muli ni Tito Arnulfo. Ngumiti ako kay Ferdie. Ferdie: I hope you're happier now. I'm happy for you, Maxi. Kinikilig ako sa ngiting iginagawad sa akin ni Ferdie. Maxi: Th-thank you, Ferdie. Mahinang tumawa si Ferdie. Ferdie: By the way, nakalimutan mo na bang madalas kitang regaluhan sa mga special occasion ng iyong buhay dati? Kaya 'yang sapatos ay isipin mong pambawi ko sa mga panahong matagal tayong hindi nagkita. Kumindat sa akin si Ferdie na ikinapula ng aking mukha. Ngayon ay narito na kami sa loob ng isang fast food restaurant. Hindi na ako nakatanggi kay Ferdie nang dito niya piniling kumain dahil sinabi niyang na-miss niya ang lugar na ito kung saan sila madalas kumain ni Kuya David noong mga estudyante pa sila. Marami rin akong masasayang alaala sa fast food restaurant na ito. Dito ko nakilala ang aking first love at ang aking first boyfriend na si Lyndon. Dito sa kainan na ito nagtrabaho si Lyndon bilang isang service crew noon. Nakahanap na ako ng table para sa amin ni Ferdie sa loob ng fast food restaurant na iyon habang nakapila siya sa counter para kunin ang aming order. Nakaupo na ako nang may mapansin akong dalawang pamilyar na mukha sa kabilang table. Nagsusubuan ng pagkain ang lalaki at ang babae habang nagtatawanan. Hindi ko alam kung paanong nakakatawa pa ang dalawang ito matapos nilang makapanakit ng isang tao. Nagulat ako nang biglang marinig ang tinig ng boses ni Ferdie. Ferdie: Maxi? Umangat ang aking paningin kay Ferdie. Nakita ko sa mga mata ni Ferdie ang pag-aalala. Nagtaka ako kung bakit ganoon makatingin sa akin si Ferdie. Nang bigla ay aking maramdaman ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Muli akong tumingin sa dalawang tao sa kabilang table. Apektado pa rin ako. Apektado pa rin ako sa dalawang taong masayang kumakain sa kabilang table. Ang aking ex-boyfriend na si Lyndon at ang aking ex-friend na si Pauline. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD