KABANATA 12

2245 Words
MAXI's POV Kitang-kita ko ang mga babaeng customer dito sa loob ng isang fine-dining restaurant na pasimpleng nagnanakaw ng sulyap sa lalaking kasama ko ngayon. Ang lalaking kilalang-kilala ko mula noong mga bata pa kami. Si Aris. Dito sa isang fine-dining restaurant ako dinala ni Aris para kumain kami ng lunch. According to my friend Aris ay isa raw itong date. Well, pwede naman. Basta friendly date lang. Hindi ito pwedeng maging romantic date because I don't have any romantic feelings for Aris. Para sa akin ay platonic lamang ang aming relationship ni Aris. Ngunit itong si Aris at hindi nagsasawang ulit-ulitin sa akin kung gaano niya ako kagusto at ayon pa sa kanya ay nakikita niya ang kanyang sarili na kasama ako forever. At kahit kami na ni Lyndon noon ay hindi pa rin tumigil si Aris sa kanyang pagpapahaging kung gaano niya ako kagusto. Actually, Aris can get anyone he likes kung gugustuhin niya. Gwapo si Aris, matangkad, sexy ang athletic body, olive-skinned, at para sa akin ang pinaka-attractive sa kanya ay ang kanyang man bun. Aris looks so manly dahil sa man bun niya, well, at least for me. But seeing these girls around us, I knew it. Gwapong-gwapo sila kay Aris dahil sa kanyang man bun. Mabait din si Aris at masayang kasama. Hindi nauubusan ng kwento sa buhay at masasabi kong marunong makisama sa iba't ibang uri ng tao. Ngunit sadyang hindi ko mahal si Aris. Well, mahal ko si Aris but not as someone who I can fall in love with. I love Aris as a friend. Napalingon ako kay Aris nang marinig kong tumikhim-tikhim siya. Aris: Ahem, ahem, ahem. Umangat ang aking dalawang kilay dahil sa exaggerated na pagtikhim ni Aris. Inabot ko ang isang basong tubig na s-in-erve ng waiter sa amin kanina kasama ng isang iced tea habang hinihintay namin ni Aris ang aming order na pagkain. In-offer ko ang isang basong tubig kay Aris. Maxi: Tubig? Nakita kong pinapungay ni Aris ang kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Mukhang balak pa akong akitin ni Aris sa pamamagitan ng kanyang mapupungay na mga mata. Umiling sa akin si Aris habang mapungay pa rin ang kanyang mga matang nakatuon sa akin. Maxi: Ang OA kasi ng pagtikhim mo. Akala ko ay nasamid ka na. Wala pa man din tayong kinakain. Dahan-dahan kong inilapag pabalik sa ibabaw ng mesa ang isang basong tubig at nang iangat ko ang aking tingin ay muntik pa akong bumunghalit ng tawa nang makita kong mapungay pa rin ang mga mata ni Aris habang kagat-labi siyang nakatitig sa akin. Maxi: Sabi ko na nga ba at gutom ka na. Pati labi mo ay naisipan mo nang kainin. Sinundan ko pa ng marahang tawa ang aking sinabi. Nang matapos akong tumawa ay nakita kong nakabusangot na ang mukha ni Aris sa akin. Maxi: O, bakit ganyan ang mukha mo? Kanina ay parang nang-aakit ka pa. Naningkit ang mga mata ni Aris sa akin. Bata pa lamang kami ni Aris ay kilala ko na siya kaya alam kong hindi siya galit kapag ganitong naniningkit ang kanyang mga mata sa akin. Aris: Bakit ka ganyan sa akin, Maxi? Hindi ka man lang ba naapektuhan sa aking seductive face? Seductive face? So inaakit nga ako ni Aris kanina. Oh well. Epic fail siya. Aris: Hindi mo ba alam na sa 'yo ko lang pinapungay ang aking mga mata at ikaw lang ang tinitigan ko nang nakakagat-labi pa ako. Tapos parang ginagawa mo lang biro. Nakangiti akong umiling kay Aris. Maxi: Hay naku. Kung sa iba mo na lang kasi ibinabaling iyang sinasabi mong feelings mo para sa akin, sana ngayon ay may karelasyon ka na. Parang batang humalukipkip si Aris at sumimangot. Dahil nga kilalang-kilala ko na si Aris kaya alam kong umaarte lang siya na parang isang nagtatampong bata habang nakasimangot na nakahalukipkip. Aris: Hindi ko nga sila gusto. Ang gusto ko ay ang taong nasa aking harapan ngayon. Ang taong kilalang-kilala ko na buong buhay ko. Hay. Kung may feelings lang ako para kay Aris more than being friends ay baka naglupasay na ako rito sa gitna ng restaurant matapos marinig ang mga sinabi niyang iyon. Damang-dama ko ang sincerity ni Aris habang binabanggit ang mga katagang sinambit niya kanina. Ang kaso ay wala akong nararamdaman romantic feelings para sa aking kaibigang si Aris. Malalim akong nagbuntung-hininga. Maxi: Aris--- Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang itinaas ni Aris ang kanyang kanang hintuturo sa ere bilang isang hudyat na huwag ko nang ituloy ang anumang aking sasabihin. Aris: Oo na, Maxi. Gets ko naman ang sasabihin mo. Actually, kabisado ko na sa isipan ko ang linya mo. Parang biglang gusto kong yakapin si Aris dahil sa nahimigan kong pinipigil niyang lungkot sa tinig ng kanyang boses. Maxi: I'm sorry, Aris. Marahang umiling si Aris. Aris: Ano ka ba? Huwag kang mag-sorry. It's not your fault that I fell in love with you, Maxi. Ngayon ay nakangiti na si Aris na hindi naman umabot sa kanyang mga mata at tumitig sa akin. Aris: Pero hindi naman masamang umasa, hindi ba, Maxi? Hindi ko alam ang aking isasagot kay Aris nang mga sandaling iyon dahil ilang beses ko nang sinabi sa kanyang ibaling na lang sa iba ang atensyong ibinibigay niya para sa akin dahil wala siyang maaasahang anuman mula sa akin ngunit hindi naman niya ginagawa. Hindi ko gustong paasahin si Aris kaya nga never kong ipinaramdam sa kanya na magkakaroon ng chance na maging kami pero talagang umaasa si Aris na mai-in love ako sa kanya at magiging kami rin sa huli. Maxi: Pero, Aris, alam mo naman ang sagot ko riyan, hindi ba? Nakita kong lumungkot ang mukha ni Aris ngunit sandali lamang iyon at muling bumalik ang sigla sa kanyang mukha. Aris: Well, isa sa mga ipinagmamalaki kong katangian ay isa akong matiyagang tao. Kaya naman, Maxi, maghihintay ako kahit uugod-ugod na ako. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Aris na lalong nagpagwapo sa kanya. Aris: Basta huwag mo lang akong itataboy sa buhay mo at hayaan mo lang akong iparamdam kung gaano ka kahalaga sa akin. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata ni Aris habang binibigkas ang mga salitang kanyang binitiwan. Aris: Huwag kang mag-alala. Hindi ako manghihingi ng kapalit. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Aris ngunit sandali lamang iyon kaya maaaring gawa lamang iyon ng aking imahinasyon. Aris: Hindi ako maniningil. Napansin kong ang ngiti sa mga labi ni Aris ay unti-unting nagiging ngisi. Kaya alam kong papunta na sa kalokohan ang sasabihin ni Aris. Aris: Kahit alam kong mas marami kang pera sa akin. Sinasabi ko na nga ba. Matapos sabihin iyon ay biglang tumawa si Aris. Kitang-kita ko ang kagalakan sa mukha ni Aris nang mga sandaling iyon kaya naman hindi ko napigilan ang aking sariling sumabay sa kanyang pagtawa. Hay. Sadyang hindi patas ang buhay sa lahat ng tao sa iba't ibang aspeto. Katulad na lamang sa pag-ibig. Minsan kung sino pa ang nagmamahal sa atin ng totoo ay siya pang hindi natin kayang mahalin pabalik. Katulad na lamang ni Aris. Mahal ako ni Aris pero hanggang pagtinging kaibigan lamang ang kaya kong ibigay sa kanya. At kung sino pa ang minamahal natin ay siya pang nananakit sa atin ng sobra. Katulad na lamang ni Lyndon na aking ex-boyfriend. Minahal ko ng lubos si Lyndon pero sa huli ay pagtataksilan lamang ako nito. Hay naku. Bakit ba bigla na lamang sumagi sa aking isipan si Lyndon? Nandito ako ngayon sa loob ng isang restaurant at kasama ang aking kaibigang si Aris. Dapat ay mag-enjoy ako. Sa wakas ay nai-serve din ng waiter ang foods na in-order namin ni Aris. Habang kumakain kami ni Aris ay pasimple kong tiningnan ang aking kaibigan. Kung natuturuan lamang ang puso ay baka tinuruan ko na ang aking pusong mahalin si Aris sa paraang gusto niya. Hay. ---------- THIRD PERSON POV Seryosong-seryoso ang mukha ni Jake habang iniaabot sa isang babae ang ipinaayos nitong phone. Sa loob ng tatlong linggo ay limang beses nang nagpapabalik-balik ang babaeng ito sa pwesto ni Jake at ng kaibigan nito sa loob ng isang mall para magpaayos ng cellphone. Parang linggo-linggo ay nagkakaroon ng problema ang cellphone ng babae at sa bawat pagpunta ng babaeng ito sa cellphone repair shop ni Jake at ng kanyang kaibigang si Jonard ay walang mintis ito sa pakikipag-flirt sa kanya na hindi naman niya pinapansin. Mahigpit na kumapit sa kanang kamay ni Jake ang kanilang babaeng customer na nagngangalang Vanessa habang kinukuha nito mula sa kanyang kamay ang phone nito. Vanessa: Grabe. Ang haba ng mga daliri mo. Walang dudang marunong kang mangalikot. Mapang-akit na tumingin si Vanessa kay Jake na sinamahan pa nito ng pagkagat sa ibabang labi nito. Narinig ni Jake na sumipol-sipol ang kanyang kaibigang si Jonard habang nagda-diagnose ng cause ng problema ng isang cellphone sa table nito. Alam ni Jake na narinig ng kanyang kasamahang cellphone repair technician ang sinabi ni Vanessa at alam din ni Jake na tipo ng kanyang kaibigang si Jonard itong customer nilang si Vanessa. Hindi naman masisisi ni Jake si Jonard dahil kung pisikal na anyo ang pag-uusapan ay talagang maganda si Vanessa at maganda ang hubog ng katawan. Ngunit hindi si Vanessa ang tipo ni Jake. Pilit na ngumiti si Jake kay Vanessa kahit naiirita siya sa forwardness nito rahil kahit papaano ay customer pa rin nila ito. Jake: Kailangan po talaga sa trabaho namin ang magaling mangalikot, Ma'am. Maharot na tumawa si Vanessa na may kasama pang mahinang paghampas sa kanang bisig ni Jake. Vanessa: Parang others 'to. Huwag ka nang magsabi ng salitang "po" at "opo" kapag magkausap tayo. Mukhang same age lang naman tayo. Nag-hair flip pa si Vanessa matapos sabihin iyon. Vanessa: At saka huwag mo na akong tawaging "Ma'am". Vanessa na lang. Pero para sa iyo, you can call me Van for short. O kaya Van-Van. Ang cute, 'di ba? Halos nakangiwi na si Jake habang nakaharap kay Vanessa. Kanina pa gusto ni Jake na paalisin si Vanessa pero customer pa rin ito na kailangang respetuhin. Maya-maya ay may iniabot na maliit na papel si Vanessa kay Jake na ipinaloob nito sa kanang palad ni Jake. Vanessa: Ngayong ayos na ang phone ko, pwede mo na akong tawagan. Isang mapang-akit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Vanessa habang pinapungay ang mga mata nito sa harapan ni Jake. Pagkatapos ay tumalikod na si Vanessa para lumabas ng cellphone repair shop pero bago tuluyang lumabas ay lumingon muna kay Jake at inilapit ang kanang kamay nito na may hawak na cellphone sa kanang tainga nito at umaktong parang may kinakausap sa phone habang nakaharap kay Jake. Nag-mouth ng mga salitang "call me" si Vanessa sa harapan ni Jake na sinundan nito ng kindat. Naiinis na umiling si Jake nang tuluyan nang makalabas ng shop si Vanessa at padabog na inilapag sa ibabaw ng mesa ni Jonard ang maliit na papel na ibinigay ni Vanessa sa kanya kanina. Jake: Sa 'yo na lang 'yan. Nang tingnan ni Jonard kung ano ang inilapag ni Jake sa ibabaw ng mesa nito ay ganoon na lamang ang pagningning ng mga mata nito nang mabasa sa maliit na papel ang isang numero. Jonard: Hulog ka talaga ng langit sa akin, pare. Si Jake ay umiling-iling na lang habang naglalakad pabalik sa kanyang mesa. Hindi alam ni Jake pero bigla niyang naisip na kailangang may naka-save siyang numero ng kanyang roommate na si Maxi sa kanyang phone dahil roommates na sila ngayon. Sinabi na lamang ni Jake sa kanyang isipan na for emergency purposes ang gagawin niyang paghingi sa numero ni Maxi. ---------- Malakas na napasigaw si Maxi nang marinig niyang may nagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto habang siya ay nagbibihis. Mabilis na sumampa sa ibabaw ng kanyang kama si Maxi at binalot ng kumot ang kanyang katawan na ang tanging saplot nang mga sandaling iyon ay boxer shorts. Nanlaki ang mga mata ni Maxi nang makita si Jake sa labas ng kanyang kwarto at hinaharangan ng kanang kamay nito ang peripheral vision nito para hindi siya makita. Jake: Hi-hindi ko alam na nagbibihis ka. So-sorry. Parang naiiskandalong sinilip ni Maxi ang kanyang katawan sa ilalim ng kumot para i-check kung ano ang mga posibleng nakita ni Jake sa kanyang katawan kanina. Maxi: Ba-bakit ka nandito? Nakita ni Maxi na hindi pa rin tumitingin sa kanya si Jake at nakatalikod ito sa pintuan ng kanyang kwarto. Jake: Ku-kukunin ko lang sana ang numero mo rahil roommates natin ngayon. Hi-hihintayin na lang kita sa may sala. Ma-magbihis ka muna. Nakatalikod pa rin sa pintuan ng kwarto ni Maxi si Jake habang nagsasalita ito. Matapos magsalita ni Jake ay dahan-dahan nitong isinara ang pintuan ng kwarto ni Maxi at nang tuluyang lumapat pasara ang pinto ay isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Maxi. Muling naalala ni Maxi ang gabing hindi sinasadyang makita niya ang malamang pang-upo ni Jake. Biglang namula ang buong mukha ni Maxi nang maalala ang gabing iyon. Ngayon ay si Jake naman ang hindi sinasadyang masilipan si Maxi. Napalunok ng laway si Maxi. Hindi ma-imagine ni Maxi kung gaano kalaking parte ng kanyang hubad na katawan ang nasilayan ni Jake. Ngayon ay hindi na alam ni Maxi kung paano pakikiharapan si Jake matapos nitong makita ang kanyang katawan na tanging boxer shorts lang ang saplot. OA na kung OA pero ganoon ang aking nararamdaman! ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD