MAXI's POV
Galit.
Iyon ang una kong naramdaman matapos kong makita ang actual na pagtatalik ng aking kaibigan na ngayon ay ex-friend ko nang si Pauline at ng aking boyfriend na ngayon ay ex-boyfriend ko nang si Lyndon.
Bilang isang tao na laging nakikita ang kagandahan sa bawat sitwasyon ay iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ang aking sariling na sobrang nagalit.
Mga manloloko sila.
Pinagkatiwalaan ko silang pareho.
Isa si Pauline sa tatlo kong matatalik na kaibigan kasama sina Devon at Ruby. Through thick and thin ay kasama ko silang tatlo. Sila ang unang tatlong taong nakaalam na ako ay isang lalaki na may pusong-babae.
Si Pauline din ang pinaka-supportive sa relasyon namin ni Lyndon. Actually, among my three friends ay siya ang pinakapabor na sagutin ko si Lyndon.
Natatandaan ko pa ang isinagot ni Pauline sa akin noon nang tanungin ko silang tatlong matatalik na kaibigan ko kung tama bang sagutin ko na si Lyndon.
Pauline: Go na 'yan, bestie! Ang yummy kaya ni Papa Lyndon. Ang bango-bango pa!
Iyon pala ay gusto ni Pauline na sagutin ko na si Lyndon para may dahilan itong makipaglapit sa ex-boyfriend ko. Ang kapal!
Ayokong manumbat pero ang sakit talaga ng betrayal na ginawa sa akin ni Pauline. Sa akin ito madalas lumalapit noon sa tuwing nagkukulang ang pera ng pamilya nito para sa tuition fee nito. Ako rin ang nagbayad ng hospital bill ng ina nito nang mabundol ito ng sasakyan.
Nagdidilim talaga ang paningin ko. Kung talagang mapaghiganting tao lang ako ay baka singilin ko ito sa mga nagastos ko para rito, minus na lang siguro 'yong sa mother nito rahil tulong ko na lang iyon sa mother nito na para ko na ring ina.
At si Lyndon. Gusto ko talagang dukutin ang mga mata niya sa sobrang gigil ko sa kanya.
Minahal ko si Lyndon ng totoo at ganito lang ang igaganti niya sa akin. Matagal kong inalagaan ang puso ko na huwag masaktan at nang maisipan kong sumugal sa pag-ibig dahil sa kanya ay ganito pa ang magiging kapalit.
Hayop siya. Animal siya.
Taksil siya.
Wala naman akong naaalalang ginawang masama sa kanya para ganituhin niya ako. I was a loving and caring boyfriend to him. Halos ibigay ko na nga sa kanya ang lahat. Ako pa nga ang nagbabayad ng renta ng kanyang apartment.
Tumingala ako sa kisame ng apartment kung saan ako pansamantalang nakatira ngayon. Kahit nangingibabaw ang galit ko kina Lyndon at Pauline ay nandoon pa rin ang sakit. Hindi madali ang maloko ng dalawa sa mga taong pinagkakatiwalaan at minahal ko.
Naramdaman kong muli na namang namamasa ang aking mga mata. Shocks! Ayoko nang umiyak.
Naramdaman kong may humawak sa aking kanang kamay at pinisil iyon. Nang tingnan ko ang may-ari ng kamay na humawak sa akin ay nagulat pa ako nang makita ang isa sa mga matatalik kong kaibigan na si Devon. Maski ito ay nagulat nang magulat ako pagkakita rito.
Oo nga pala. Nandito nga pala sa apartment ko si Devon ngayon. Buti na lang at complete ang contact numbers ng lahat ng best friends ko sa ibinigay na phone sa akin ng aking Kuya David kaya hindi mahirap para sa akin ang ma-contact sila.
Si Devon ang una kong tinawagan matapos akong ipagtabuyan ni Lyndon palabas ng kanyang apartment kanina. Sinabi ko rito ang address ng apartment ko at dumating nga ito agad kanina. Ikinuwento ko rito ang nangyari at maski ito ay galit na galit sa ginawang panloloko sa akin nina Lyndon at Pauline.
Natatandaan ko pa ang sinabi ni Devon kanina matapos kong maikwento ang lahat ng nangyari.
Devon: Gosh, I can't believe it. All this time we have a snake friend in our group. You know I hate traitors, Maxi. And what Pauline had done to you is inexcusable and unforgivable. Patas akong tao, but when it comes to cheating, it's non-negotiable for me.
S-in-uggest pa ni Devon na maghiganti ako kina Lyndon at Pauline, pero binawi rin naman nito agad dahil alam naman nitong hindi ako ganoon. Hindi ako mapaghiganting tao.
Yes, I was hurt and am still hurting, pero hindi ako gaganti. I know that revenge won't do me any good.
Sa ngayon ay nanamnamin ko ang sakit na dulot ng cheating and betrayal na ginawa sa akin nina Lyndon at Pauline at gagamitin kong aral sa buhay ang karanasang ito. In time alam kong mawawala rin ang pain.
Alam kong eventually ay mawawala rin ang galit ko kina Lyndon at Pauline. Kung kailan ko sila mapapatawad, only time will tell.
And yes, hindi ako maghihiganti, but I won't forget everything that they had done to me. It will always serve as a life lesson for me.
Maya-maya ay narinig namin ni Devon na may kumakatok sa pinto ng apartment. Nag-volunteer ang kaibigan ko na siya na ang magbubukas ng pinto.
Pagkabukas ni Devon ng pinto ng apartment ay nakita namin ang kaibigan naming si Ruby. Ngumangata pa ito ng chocolate bar. Sumilip ito sa loob ng apartment. Nang makita ako nito ay nagtatakbong lumapit ito sa akin.
Nasagi pa ni Ruby si Devon nang patakbo itong pumasok sa loob ng apartment at yakapin ako. Dahan-dahang isinarado ni Devon ang pinto at lumapit sa aming dalawa ni Ruby. Nakayakap pa rin ito sa akin dito sa living room ng apartment.
Devon: Uy, Ruby. 'Yong chocolate bar na hawak mo ay didikit na sa suot na shirt ni Maxi.
Nanlaki ang aking mga mata at pasimpleng inilayo si Ruby mula sa pagkakayakap sa akin.
Maxi: Uy, bestie. Wait. Huwag mong dumihan ang suot ko. Kaunting damit lang ang dala ko. Pinaiwan ni Father Dear sa bahay 'yong mga damit kong hindi galing sa sarili kong pera.
Lumayo si Ruby mula sa pagkakayakap sa akin at nakangusong sumalampak sa sofa.
Devon: Wait nga lang, Ruby. Bakit ganoon ka makayakap kay Maxi? Ang higpit. Alam mo na ba ang nangyari?
Ngumangata ng chocolate si Ruby nang umiling ito. Pagkatapos lunukin ang kinakain ay saka nagsalita.
Ruby: Hindi pa. Pero nagpapatawag lang naman ng meeting si Maxi kapag may problema siya at gusto niyang hingiin ang opinyon natin. At base sa nakikita kong hitsura niya, tingin ko ay need niya ng comfort.
Na-touch ako sa sinabi ni Ruby at ngumiti rito.
Maxi: Alam mo, bestie, kasing-sweet ka ng mga kinakain mong chocolates.
Ngumiti lang pabalik si Ruby at nagkibit-balikat.
Ruby: So, ano ba ang nangyari?
Bumuntung-hininga ako bago ko binalikan sa aking alaala ang nangyari kanina sa loob ng kwarto ng ex-boyfriend kong si Lyndon para ikwento kay Ruby. As I've said, naikwento ko na ang mga nangyari kay Devon. At ngayon ay muli kong babalikan ang sakit sa pagkakahuli ko sa aking ex-boyfriend at ex-friend na nagtatalik sa ibabaw ng kama ni Lyndon.
Gigil na gigil akong sumugod kina Lyndon at Pauline na magkapatong pa sa ibabaw ng kama ni Lyndon. Hahampasin ko na sana ang pawisang likod ni Lyndon ngunit mas mabilis siya kaysa akin at nahawakan agad niya ang aking dalawang bisig.
Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Lyndon sa aking mga bisig pero mas malakas siya. Hindi ko pinansin ang panlalambot ng aking mga tuhod habang nagpupumiglas ako. Unti-unti nang nagsi-sink in sa utak ko ang kataksilan nina Lyndon at Pauline at nasasaktan ang aking puso. Pero sa mga oras na ito ay mas gusto kong pairalin ang galit kaysa sa sakit.
Maxi: Bitiwan mo akong hayop ka! Ang kapal ng mukha mong lokohin ako matapos ang lahat ng ginawa ko para sa iyo!
Hawak pa rin ni Lyndon ang aking dalawang bisig nang dahan-dahan niyang hugutin mula sa loob ng yungib ni Pauline ang kanyang tirik na tirik na alaga. Hawak pa rin ni Lyndon ang mga bisig ko ng sobrang higpit nang dahan-dahan itong bumaba mula sa kama.
Maxi: Aray! Bitiwan mo ako!
Tuluy-tuloy din ang pagpupumiglas ko para makawala sa higpit ng pagkakahawak ni Lyndon sa aking mga bisig.
Napansin kong inabot ni Pauline ang kumot na nahulog sa sahig at ipinantakip sa hubad nitong katawan. Tinitigan ko ito ng masama.
Maxi: Traydor ka! Malandi!
Nahihiyang yumuko si Pauline habang humahagulgol. Ngayon umiiyak ito rahil nahuli ko na, pero todo-bigay kung makaungol kanina.
Nakatayo na ngayon si Lyndon sa tabi ng kama habang mahigpit na hawak pa rin ang aking mga bisig. Tumingala ako sa kanya at nagulat ako nang duraan niya ako sa aking mukha. Nanlaki ang aking mga mata.
Kasabay nang pagkagulat ko sa ginawang pagdura ni Lyndon sa aking mukha ay malakas niya akong ibinalya sa paanan ng pintuan ng kanyang kwarto.
Maxi: Ugh!
Damang-dama ko ang sakit ng aking pang-upo rahil sa hindi magandang pagbagsak ko sa sahig ng kwarto. Himas-himas ko ang aking pang-upo nang tumingala ako kay Lyndon. Nakangising-demonyo siya sa akin habang maangas siyang nakatayo sa gitna ng kwarto at ang kanyang alaga ay hindi man lang lumambot.
Lyndon: Subukan mo pang insultuhin ang girlfriend ko, may kalalagyan ka sa aking binabae ka!
Dinuro pa ako ni Lyndon habang sinasabi iyon.
Lyndon: Namnamin mo iyang laway ko sa pagmumukha mo! Iyan na ang huling beses na matatalsikan ka ng laway kong kinababaliwan mo!
Naniningkit ang mga mata ko sa pagkakatitig kay Lyndon. The nerve of this guy!
Dahan-dahan akong tumayo habang hinihimas pa rin ang aking nasaktang pang-upo.
Maxi: How dare you, Lyndon! Ang kapal ng mukha mong lokohin ako! At ipinagpalit mo pa talaga ako sa kaibigan ko!
Muli kong tiningnan ng masama si Pauline. Nakayuko pa rin ito at umiiyak.
Narinig kong painsultong tumawa si Lyndon.
Lyndon: Nagtaka ka pa kung bakit kita niloko? Ha, Maxi? Tingnan mo naman ang sarili mo at ikumpara mo kay Pauline. Walang-wala ka sa kanya! Buti na lang mapera ka kaya natitiis kita!
Tiningnan ako ni Lyndon mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pandidiri sa akin.
Bigla ay hinawakan ni Lyndon ang kanyang matigas na alaga gamit ang kanyang kanang kamay. Inihampas-hampas niya ang kanyang alaga sa kanyang kaliwang palad.
Lyndon: Tingin mo ba talaga ay hindi maghahanap itong alaga ko ng ibang kalaro? Mas magaling sa kama ang kaibigan mo at mas masarap! Tandaan mo 'yan, Maxi!
Malakas na humalakhak si Lyndon.
Nagdilim ang aking paningin matapos kong marinig ang sinabi ni Lyndon. Sinugod ko siya at akmang sasampalin ang kanyang pisngi nang mabilis niyang nasalag ang aking kamay. Nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Lyndon palabas ng kanyang kwarto at hilahin hanggang sa main entrance door ng kanyang apartment.
Lyndon: Bad trip kang binabae ka! Wrong timing ka pa! Kung kailan nagpapakasasa kami ni Pauline sa katawan ng isa't isa ay saka ka nang-iistorbo!
Matapos buksan ni Lyndon ang pinto ng kanyang apartment ay nagulat ako nang pabalya niya akong bitiwan sa labas ng apartment. Halos sumadsad ang aking mukha sa lupa.
Lyndon: Kung ayaw mong sinasampal ka ng katotohanan, next time magsasabi ka kung pupunta ka! Sige na! Umalis ka na! Hindi kita mae-entertain dahil mas gusto ko pang aliwin ang kaibigan mo!
Hindi man lang nahihiya si Lyndon na nakabuyangyang ang hubad niyang katawan dahil bukas na bukas ang pinto ng kanyang apartment.
Unti-unti nang lumalamang ang sakit sa aking puso kaya naman nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa aking mga mata.
Minura pa ako ni Lyndon bago niya tuluyang ibinagsak pasara ang pinto ng apartment sa aking pagmumukha. Doon na tuluyang sumabog ang aking mga luha at agad kong tinawagan ang aking kaibigan na si Devon dahil kailangan ko ng karamay at kausap sa mga oras na iyon.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako sa harapan ni Ruby habang ikinukwento rito ang nangyari kanina. Bigla na lang itong yumakap sa akin at sinubukan akong pakalmahin. Sumali na rin si Devon sa pagyayakapan namin ni Ruby.
Nagyayakapan kami nina Devon at Ruby nang marinig namin ang pagbukas ng pinto ng apartment. Hindi namin pinansin ito.
Bigla ay may narinig kaming tatlo nina Devon at Ruby na tumikhim sa aming likuran. Isang lalaki.
"Anong nangyayari rito?"
Nanlaki ang aking mga mata. Sigurado ako kung sino ang nagsalitang iyon.
Ang kasama ko sa apartment.
Ang masungit kong roommate.
Si Jake.
----------
itutuloy...