Mariing tinitigan ko si Sir Ismael dahil sa sinabi niya na siya na ang kusang iiwas ngayon kay Amanda. Para naman kasi napakadali ng sinabi niyang iyon. Nakalimutan yata niya na hindi ganoong kadali ang mundo ng business. Napaka-imposible na habang buhay na maiwasan niya si Amanda lalo na asawa ito ngayon ni Mr. Tuazon. Kung sakaling maiwasan niya sa pagkakataon na ito si Amanda pero darating ang araw na muling magtatagpo muli ang kanilang mga landas. Maaaring magkita muli sila sa katulad na convention na ito after five years o baka magkaroon ng joint business sina Sir Ismael at Mr. Tuazon pagkatapos nito. Saka idagdag pa ang kakaibang kilos ni Amanda kanina nang ipakilala niya ang kanyang sarili sa akin. Alam ko na hindi ito ang huling beses na lalapitan niya si Sir Ismael. Hindi ko