"A-Amanda?" gulat na gulat na bigkas pa ni Sir Ismael na tila ba nakikilala niya kung sino ang babaeng pinakasalan ni Mr. Tuazon. Kunot noo na napatitig naman ako sa naging reaksyon na iyon ni Sir Ismael. Alam ko na may kakaibang emosyon na malahalo sa kanyang boses nang bigkasin niya ang pangalan na iyon. Amanda. Tinawag niyang Amanda ang babae. Sa pagbigkas pa lang niya ng pangalan ay alam ko na may malalim na koneksyon siya sa kanya. Kaya biglang napakuyom ako ng aking mga kamay at bigla na lang pinagbigatan ng kalooban. Sa oras na ito ay tila ilang libong karayom ang tumutusok sa puso ko na siyang nagpapahirap sa akin na huminga. Mapait na napangiti ako at pilit na kinalma ang sarili. Alam ko naman mula pa lang ng simula na hindi ko kailangan makaramdam ng ganito. Dahil simula pa