Abot abot ang aking kaba nang huminto na ang minamaneho na sasakyan ni Sir Ismael sa tapat ng aming hindi kalakihan na bahay. Pasimple na sinilip ko rin muna ang katapat nitong tindahan para alamin kung naroroon ba ang mga chismosa naming kapitbahay. Mabuti na lamang ay maaga na nakauwi ang mga ito sa kani-kanilang tahanan kaya hindi nila makikita ang pag-uwi ko kasama sina Sir Ismael. Mukhang makakaligtas ang pangalan ko bilang paksa ng mga chismis nila bukas ng umaga. Pagkatapos na masiguro ay humugot muna ako ng malalim na hininga saka malakas na pinakawalan ito. Sana lang ay maging maganda ang paghaharap namin na ito kina papa. Naramdaman ko naman ang paghawak sa aking kanang kamay ni Sir Ismael para pakalmahin ako. "Relax," malambing na bulong niya, "Huwag ka mag-alala dahil ako