LOVE 44

2064 Words

Pagkatapos na maibaba ni Sir Ismael ang tawag na iyon ay matalim na binalingan niya ako ng tingin. Pagkatapos ay namayani ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Siyempre dahil sa galit ako at galit din ngayon si Sir Ismael. Awkward na nga kaming dalawa dahil sa pag-eksena ni Amanda ay nadagdagan pa ito sa wala sa lugar na pagtawag ni Eric. Ewan ko rin sa lalaking iyon at napakaganda ng timing sa kanyang pagtawag. Hindi ko alam kung nanadya ba siya o ano. Pero dahil sa nangyari ay napatunayan ko na may kamalasan na dala sa buhay ko ang lalaking iyon. "Kailan pa siya nagsimulang tumawag sa iyo?" seryosong tanong sa akin ni Sir Ismael sa akin at kulang na lang ay ibato niya ang phone ko na hawak hawak pa rin niya. Kaya bago pa niya tuluyan na masira iyon ay agarang inagaw ko sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD