"NAY, kumusta na po kayo?" sabik na bati ni Tyron sa ina nang makausap niya ito sa telepono.
"Mabuti naman ako anak, ikaw? Kumusta ka na diyan?" ramdam niya rin ang galak sa tinig ng ina.
"Okay naman po, may ibabalita pala ako sa inyo, Nay."
"Ano 'yon?"
"Malapit na po akong umuwi, confirmed na po 'yong flight ko." abot hanggang tainga ang ngiti niya habang sinasabi niya iyon.
Alam niyang matagal na rin iyong hinihintay ng ina.
"Talaga ba, anak? Mabuti naman kung ganon... miss na miss na kita, anak."
Ramdam niya ang pananabik ng ina sapagkat iyon din ang nararamdaman niya. "Ako din po, miss na miss ko na po kayo."
"Ikaw naman kasi, anak... pwede ka naman palang umuwi, nagpalipas ka pa ng ilang taon."
"Nay, sorry na po... napag-usapan na po natin iyan 'di ba? Ang importante po, pauwi na ako at magkikita na tayo." aniya sa malambing na tinig.
"Salamat naman, anak." masaya pa ring sagot ito. "Ako din, may ibabalita sa iyo."
Mariin niyang ipinikitang nga mata. Humigit kumulang ay alam niya na ang sasabihin nito.
At ayaw niyang marinig 'yon.
"Nay, kung tungkol na naman po kya Anicka, huwag na lang po."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ina. "Anak, hindi ka pa ba nakakalimot sa nangyari noon? Pinagbayaran na niya ang mga nagawa niya, sobra-sobra pa ang siningil ng tadhana sa kanya. kalimutan mo na iyon, anak."
"Nay, ayoko na ho sanang pag-usapan."
"Patawarin mo na siya, anak... para na rin sa ikagagaan ng kalooban mo." bakas na bakas ang pakiusap sa himig ng ina.
Na ikinatiim-bagang niya. Bakit kailangan pa ng ina niyang makiusap para sa babeng iyon na naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay.
"Nagkabaligtad na ang sitwasyon ngayon, ikaw na ang nasa itaas, at siya na ang nasa ibaba... hindi pa ba sapat na iginanti ka na ng tadhana?"
"Nay, kinalimutan ko na po siya, huwag na po kayong mag-alala."
Muli ay bumuntong-hininga ang kanyang ina at iniba na lamang ang usapan.
"Maiba ako, ikaw ba eh... wala pang ipakikilala sa akin? Wala ka pa bang balak na mag-asawa?Aba, gusto ko nang magkaroon ng apo ah..."
Sa pagkakataong iyon ay malakas siyang natawa sa tanong ng ina. "Nay, apo lang pala ang gusto nyo eh, madali ho nating magawan ng paraan yan."
"Bakit? mag-aasawa ka na ba? Kaya ka ba uuwi para ipakilala sa akin ang mapapangasawa mo?"
Muli siyang tumawa bago sumagot. "Nay pwede ho kayong magka-apo kahit hindi ako mag asawa... wala na ho akong balak mag-asawa."
"Susmaryosep kang bata ka... puro ka talaga kalokohan!" tila nahindik naman ang nanay niya sa sinabi niya.
"Nay, seryoso po ako.. ilang apo po ba ang gusto nyo?" bagaman abot tainga ang ngisi niya.
"Heh! Ako nga ay tigil-tigilan mo, ha. Anong akala mo sa magiging apo ko? kape? Pwedeng instant?"
Kung magkaharap lamang sila nito ay siguradong may batok na siya rito.
"Noodles po, nay, may instant din." binuntutan niya iyon ng tawa. "Sabi ko naman sa inyo huwag kayong nagdidikit kay Bench eh... nahahawa tuloy kayo sa mga banat niya."
"Heh! Huwag mong ibahin ang usapan."
"Nay, wala na po akong balak mag-asawa..."tumatawa pa ring wika niya. "Sakit lang po iyon sa ulo, masaya po ako sa buhay kong malaya..."
"Hay nako... ewan ko ba sa iyo, sana lang ay mabago ng hinaharap ang mga katwiran mo na iyan." napapabuntong-hiningang tila sumuko na lamang ito, katulad ng dati. "Sige na, anak, alam kong gabi na diyan... magpahinga ka na. Balitaan mo ako agad kung kailan ang eksaktong dating mo, ha."
"Sige po. I love you po, Nay."
"Mahal din kita, anak. Mag-iingat ka palagi ha."
"Opo. Kayo din po."
PAGKABABA niya ng cellphone sa nightstand ay nahiga na agad si Tyron, ngunit hindi naman siya makatulog.
Nakatitig lamang siya sa kisame. Iniisip ang sinabi ng ina.
Ano na naman kayang kamalasan ang nangyari sa buhay ni Anicka?
Mula nang umalis siya ng San Martin ay hindi niya na ginusto pang makibalita ng kahit na anong may kinalaman kay Anicka.
Ang nanay niya lang ang mapilit na binabalitaan siya paminsan-minsan.
Dating alkalde ang ama ni Anicka sa bayan ng San Martin. Kaya't sikat ito sa kanila.
San Martin's Princess.
Iyon ang bansag dito sa kanilang lugar.
Walang hindi nakakakilala at yumuyukod kay Anicka Tiffany Escudero.
Bukod sa mayaman at maimpluwensiya ang magulang, ay napaganda nito.
Masasabing ito ang pinakamaganda sa lugar nila.
Maraming nangangahas na manligaw dito, ngunit hindi na bumabalik pa.
Usap-usapang tinatakot ng alkalde ang mga lalaking nagbabalak na manligaw sa anak.
Napakabata pa naman kasi nito nang mga panahong iyon, kaya't hindi pa pinahihintulutang magnobyo.
Isa siya sa mga binatang naghahangad na tapunan man lamang nito ng tingin.
Ngunit katulad ng iba, ay hindi iyon maaari.
Walang maaaring makalapit sa prinsesa.
Hanggang sa isang araw.....
Napapikit siya ng mariin nang maalala ang masakit na nakalipas.
Hindi totoong nakalimot na siya, katulad ng sinabi niya sa ina.
Gusto lamang niyang mapanatag ang kalooban nito.
Kailangan niyang makaganti.
Sa kanya ito nagkasala at hindi sa tadhana.
Kaya marahil ay makatarungan lamang na sa kanya ito magbayad at hindi sa tadhana.
Iyon lamang ang makapagpapa-tahimik sa kalooban niya.
Ang balita ng ina niya ay hindi na raw nanalo sa eleksyon ang ama ni Anicka sapagkat nabisto ang mga anomalyang ginagawa nito.
Binawi umano ng gobyerno ang lahat ng ari-arian ng mga ito, sapagkat sinasabing nakaw daw iyon sa kaban ng bayan.
Ang tanging naiwan ay ang malaking mansyon ng mga ito sapagkat minana pa iyon umano ng dating alkalde sa mga ninuno nito.
Sa ngayon ay nagtatrabaho raw umano si Anicka bilang cashier sa malaking tindahan ng school supplies sa bayan, upang suportahan ang mga pangangailagan nilang mag-ama.
Ang ina nito umano ay inatake sa puso dahil sa kahihiyan, nang araw mismo umanong bawiin ng gobyerno ang lahat ng ari-arian nila.
Sa isang iglap ay nawala kay Anicka ang lahat.
Mga materyal na bagay.
Kasikatan.
Ang mga taong nakapaligid dito, na akala nito ay mga totoong kaibigan, ngunit agad siyang iniwan nang wala na sa kanya ang atensyon ng lahat.
At isa pang magulang.
May ilan pa rin umanong mga kabinataan na nagpapakita ng interes dito.
Ngunit hindi umano nito pinapansin ang mga iyon, abala ito sa paghahanap-buhay para sa kanilang mag-ama.
Sapagkat nawala man ang lahat sa kanya, isa lang ang hindi nawala.
Ang kanyang taglay na kagandahan.
Kagandahang minsan ding bumihag sa kanya.
Kagandahang panlabas lamang.
Kagandahang naging sanhi ng pinaka-masakit na pangyayari sa buhay niya.
Kagandahang naging sanhi ng pagkakalayo nilang mag-ina.
Mapanlinlang na kagandahan.
At ngayong kinakasihan siya ng tadhana, hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakaganti.
Wala na ang dating Tyron.
Wala na ang dating Tyron na yumuyukod sa kagandahan nito.
Wala na ang dating Tyron na handang gawin ang lahat para lamang masilayan ang mga ngiti nito.
Wala na ang dating Tyron na handang magpaka-gago mapagbigyan lamang ang kapritso nito at ng mga matapobreng kaibigan nito.
Wala na ang dating Tyron na mahal na mahal ito.
At siya ang may kagagawan niyon.
NASA ganoon siyang kaisipan nang bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si Rachel.
Napatingin siya rito habang lumalapit ito.
Isa-isa na nitong tinatanggal ang mga kasuotan.
Nang makarating ito sa gilid ng kama ay tanging kakarampot na kasuotan na lamang ang nasa katawan nito.
"Hi, babe. Wanna have some fun?" mapanukso ang ngiti nitong nakatingin aa kanya.
Maya-maya pa ay sumampa na ito sa kama, sa paanan niya, at gumapang patungo sa kanya.
Namalayan niya na lang na nahubad na pala nito ang lahat ng kasuotan niya.
Hindi niya kinakailangang kumilos, ito na ang gumagawa para sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit nanatili itong bigo na mabuhay ang pagnanasa niya.
Inis na bumangon ito at naupo sa tabi niya at nagsindi ng sigarilyo.
Hindi man lamang pinagka-abalahang takpan ang kahubdan nito.
"Huhulaan ko, nagka-usap naman kayo ng nanay mo, no?" inis na sabi nito at humitit ng sigarilyo at bihasang ibinuga ang usok paitaas.
Kunot ang noong nilinga niya ito bago pasimpleng tinakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan niya.
"Nawawala ka lang naman sa mood kapag naka-usap mo ang nanay mo at may ibinalita na naman sa iyo tungkol sa babaeng iyon, eh."
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.
Kilalang-kilala talaga siya ng dalaga.
"Yeah. Nagka-usap nga kami ni nanay, pero hindi tungkol sa kanya. Pinag-usapan namin ang nalalapit na pag-uwi ko sa Pilipinas." kaswal na sabi niyang hindi tumitingin dito.
"Urgh... I really hate the idea." anitong ainabayan ng paikot ng mga mata.
"This is your idea, remember?" naka-angat ang isang kilay na tumingin siya rito.
"Well, yeah. But... urgh! I don't know what to say."
"Babe, don't worry, as what you've said, "Go back there, and f**k her brains out, and move on". Am I correct." naka-ngising sabi niya at tila walang aumang nilamas ang nakabuyangyang na dibdib nito.
"Oh... Tyron," hindi mapigilang ungol nito at lalo pang iniliyad ang dibdib. Ngunit agad rin naman niya iyong binitiwan.
Lalo siyang napangisi sa reaksyon nito.
"I really think, that's all you need, to get over with her, then go back here, so we could move on with our lives, and get married." anito at pinatay ang sigarilyo sa ashtray na nasa sidetable, bago bumaling sa kanya at malambing na yumakap sa baywang niya.
Tumaas ang gilid ng labi niya sa sinabi nito.
Si Rachel ang pinaka-matagal niyang naka-relasyon mula nang umalis siya ng San Martin.
Hindi siya pumapayag na sumobra pa sa one night stand ang nagiging relasyon niya sa mga babae.
Para sa kanya ay hindi dapat sineseryoso ang mga babae.
Para sa kanya ay sakit at pagdurusa lamang ang idudulot ng mga ito sa kanya.
Alam niyang kailangan niya ng babae sa buhay niya, ngunit sinisiguro niyang kapag nakuha na niya ang kailangan niya sa mga ito, ay tapos na sa kanila ang lahat.
Well, hindi rin naman lugi ang mga ito sa kanya. Naibibigay niya rin naman ang pangangailangan ng mga ito.
Good s*x.
Hanggang doon lang.
Nang makilala niya si Rachel ay hindi na ito humiwalay sa kanya.
Not that, he didn't try to stay away from her.
But she's very persistent.
Naroon ito kung nasaan siya, when he needed some s*x.
Sa disimuladong paraan ay itinataboy nito ang mga babaeng lumalapit sa kanya.
Noong una ay naiinis siya sa ginagawa nito.
Ngunit nang lumaon ay hindi na rin siya kumibo.
Maganda na rin siguro iyon. Baka mamaya ay magkasakit pa siya kapag kung sino-sinong babae ang kinakasama niya sa kama.
Pero tiniyak niya rito na wala silang commitment.
Hindi ito maaaring mag-demand, at dapat lang makuntento sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay.
Alam nito ang rason kung bakit siya umiiwas sa mga babae.
At ang konklusyon nito kaya hindi niya pa rin makalimutan si Anicka ay dahil obsessed pa rin siya rito.
Dahil sa lahat ng babaeng ginusto niya, ito lamang ang hindi niya natikman.
Kaya isinuhestiyon nito na kailangan niyang maikama ito.
Baka pagkatapos niyon ay mawala na ang kinang nito sa paningin niya.
Noong una ay hindi siya naniniwala rito.
Ngunit bandang huli ay ikinonsidera na niya ang ideya.
Maaari.
Baka nga kung sakaling matikman niya ito ay mawala na ng obsesyon niya rito.
Sana.
Ngunit ang binanggit ni Rachel na kasal kanina lamang ay nakapagpatawa sa kanya.
Ngayon lamang ito bumanggit ng tungkol doon, at sa totoo lang ay hindi niya gusto ang ideya.
Inakala nito na dahil ito ang pinaka-matagal ay papayag na siyang magpatali rito.
Wala na siyang balak magpakasal.
Not with Rachel.
Not with anyone.
Well, pwede niya sigurong ikonsidera ang ideya na bigyan siya nito ng anak pagkatapos ng misyon niya.
Yaman din lamang at gusto na ng nanay niya na magka-apo.
Pag-iisipan niya ang bagay na iyon.
Sa ngayon, ay focus muna siya sa paghihiganti niya kay Anicka.
Sisiguraduhin niyang ito naman ang magmumukhang tanga.
Pagkatapos niyang pagsawaan ito ay iiwan niya na lamang na basta.
Sa pagkakataong ito ay sisiguruhin niyang siya naman ang liyamado.
Malapit na.
Makakaganti na siya sa prinsesa.