"Hindi ka hinatid ni Ethan?" tanong agad ni Mama nang makapasok ako sa bahay. Napansin niya siguro na pumasok ako ng bahay na walang sasakyan sa labas. Umiling ako. "Matatagal pa kasi siya, Ma. Hindi ko na siya mahintay." "Is something wrong?" she asked. "Mukha kang binagsakan ng langit at lupa. Nag-away ba kayo?" Umiling ako. "Hindi, Ma. Pagod lang po ako. Nagquiz po kami kanina." "How was it? Pasado ba future CPA Lawyer ko?" Pilit akong napangiti. The pressure again. Hindi ko talaga gusto kapag sabihin ni Mama yung salitang "Future CPA Lawyer." Hindi pa nga ako sigurdo kung g-graduate ba ako as Accountancy student, pagiging CPA Lawyer pa kaya? "Okay naman, ma," I forced a smile. "Sus! Pasado na 'yun panigurado. Ikaw pa!" kumpyansang sabi ni Mama. Masaya naman ako na may confidenc