"Ate! Buksan mo ang pinto!" Umungol ako at tinakpan 'yung mukha ko ng unan. Kanina pa katok nang katok 'yung kapatid ko pero ayoko pang bumangon. 2 AM na ako nakatulog kagabi dahil sa assignment na ginawa ko. Saturday ngayon, deserve kong gumising nang tanghali. Hindi ko siya sinagot at bumalik sa pagkaidlip. Pagkatapos nun ay natahimik na din siya. Thank God! Mas lalong sumasakit ulo ko sa sigaw niya. Alam ni Mama na napuyat ako kagabi, bakit hindi niya sinabihan si Brianna na huwag akong disturbuhin. Suddenly, I heard the door knob clicked. Before I knew it, the door swung open and Brianna jumped over me. "Ate!" sigaw niya. "Ano ba Brianna? Natutulog pa ako!" sita ko at tumalikod sa kanya. She pulled my blanket and then opened the window. I hissed at the sunlight blinding my eyes.