๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Totoo ba 'to? Sobrang tahimik ng bahay kahit gabi na, walang nang gugulo sa'kin sa pagsusulat at walang panay ang tanong habang na nonood ng TV. Ito na 'yung time na iniintay ko, 'yung masolo ko ang unit ko tuwing gabi para makapagsulat nang tahimik at payapa pero bakit ni isang letra wala akong maisulat? Nakatitig lang ako sa harap ng laptop ko habang na bibinge sa katahimikan ng unit na 'to. Napalingon ako kay Teptep na ngayon ay nakatago sa bahay niya at hindi umiimik, wala bang kukulit sa'kin? Wala bang mag-aaya sa'kin para kumain o tumambay sa rooftop kasama si nanay Feps? Nahilamos ko ang mukha ko at hindi alam ang gagawin, bakit ganito? Hinahanap-hanap ko na ba ang pangungulit ng kolokoy na 'yun? Napatingin ako sa cellphone ko at wala ni isang noti