๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Tulala akong bumalik sa unit ko habang bitbit ko 'yung cake na binigay ni Aubrey para kay Liam, inilapag ko 'to sa ibabaw ng mesa at tumulala saka nag-isip ng tamang gawin. Ano nga ba ang tama? Pigilan ko 'yung nararamamdaman ko para kay Liam at patuloy na magsinungaling sa kaniya o takasan ko na lang 'to at lumayo sa kaniya? May tama ba sa mga gagawin kong desisyon? Nahilamos ko na lang ang mukha ko at hindi na alam ang gagawin o iisipin, ang hirap ng sitwasyon ko ngayon at bakit ba sa dami ng pwedeng mangyari sa buhay ko ganito pa ang kinalabasan? Maya-maya lang na rinig ko na ang pagbukas ng pintuan ni Liam at agad siyang sumilip sa connected door sa unit naming dalawa. "Nakauwi na ko!" Bati niya sa'kin at parang isang ngiti niya lang na wala na laha