Chapter 3
Vaseline POV
Tamang-tama lang ang pagdating ko sa usapan namin ni Andrea. Sa lakas ng pagpapatakbo ko sa scooter ko ay halos magkanda-buhol-buhol na ang buhok ko. Mas lalo pa tuloy ito kumulot.
Ni-park ko lang iyon at isinabit ang helmet ko sa manibela ng scooter ko.
Ilang taon na sa akin ang scooter ko, regalo pa sa akin iyon ng mommy ko.
Nang matapos ako sa high school. Iyon ang pinaka paborito kong regalo sa akin ni mommy.
Simula kasi nang inampon nila ako at kinuha sa kumbento ay hindi nila ako tinuring na ampon lang. Tinuri nila akong tunay na anak.
Malayo pa lang ay kumakaway na sa akin si Andrea.
Ang ganda talaga ng babaeng 'to.
Kaya inggit na inggit ako sa kagandahan nito eh.
Sa haba at straight niyang buhok, at sa balingkinitan niya na katawan dagdag pa ang mala mestisa nitong balat.
Kakauwi lang nito mula ibang bansa. Kaya naman sobrang ganda ng babaeng 'to.
Tumayo ito at nakipag beso sa akin.
"Oh my god! How are you, my dear frenny?" excited niyang tanong sa akin. Hindi pa ako nakakaupo pero tinanong na niya kaagad ako.
Habang nakayakap pa rin sa akin. Bumitaw din naman siya kalaunan at umupo. Ganun din ako. Umupo na rin sa tapat niya.
May mga pagkain na, ibig sabihin ba nito kanina pa siya naghintay sa akin.
"Kanina mo pa ba ako hinihintay?" tanong ko dito.
"I waited for you for about fifty minutes." sagot niya na nakangiti sa akin..
"Hindi ka pa rin nagbabago. Sobrang ganda mo pa rin." hanga kong sabi sa kanya.
Ang sarap talaga manirahan sa ibang bansa, 'di tumatanda.
Mas lalo pa siyang gumanda kapag nasa malapitan. Kung maganda siya noon, mas lalo siyang gumanda ngayon. Nanliit tuloy ako sa aking sarili.
"The food is ready, when you have something to add. Just order, frenny."
Halos wala na rin naman akong idadagdag na kakainin, halos yata lahat ay nasa harapan ko na.
Nagsimula na kaming kumain.
Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kaniya.
"So, how is your new house?"
Sa sinabi niya natigilan ako sa pagkain. Yayayain ko nga siya sa bahay pero mukhang busy na naman ang babaeng ito. Wala yatang oras 'to dahil sa pagiging model niya.
"Thanks to you, nabubusog ang mga mata ko, araw-araw." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Huh! Nabubusog ang mata mo? Bakit naman?" alam kong magtataka talaga siya sa sinabi ko.
"Dahil sa kapitbahay kong ubod ng sungit. at ubod ng gwapo," habang patuloy pa rin ako sa pagkain.
"W-who?" she asked as if interested.
"Hindi ko nga kilala eh! Sa sobrang sungit. Baka 'yong pangalan niya, may bayad pa. Binigyan ko lang naman siya ng aking dinuguan. Pagkatapos siya pa galit at siya pa masungit. Hindi nga man lang nagpasalamat sa 'kin. Madali lang naman magsabi ng 'thankyou' 'di ba?" kwento ko kay Andrea.
"Ow, really!" medyo natawa siya pagkatapos. Natawa pa siya sa sinabi ko sa kaniya.
"Hindi mo pa rin nakakalimutan 'yan specialty mo. Everytime na nag-v-video call tayo, hindi nawawala 'yan dinuguan mo." natatawa niyang sabi.
Totoo, naman kasi. Sa tuwing nag-uusap kami sa social media at video call ay hindi nawawala ang dinuguan ko.
Tawa pa rin ito ng tawa.
"Subukan mo rin kaya dumaan sa bahay, ikaw 'yong naghanap no'n para sa 'kin, pero 'di mo ako madalaw-dalaw, 'yong totoo? May pinagtataguan ka ba sa lugar na 'yon?" bigla na rin naman siyang sumeryoso.
"Ofcourse, wala. Sino naman pagtataguan ko do'n." tanggi niya.
"E 'di dumalaw ka sa bahay minsan." yaya ko dito.
"Wala akong time." ano pa ba aasahan ko sa kaniya. Palagi naman busy ang babaeng 'to. Katulad ko ay kaisa- isa din siyang anak. At maraming negosyo ang dad niya kaya kahit naman huwag na siyang mag -model ay kering -keri naman.
Ang dahilan naman niya ay doon siya masaya sa pag-momodel.
Ako kaya?
Ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay.
Until now, 'di pa rin ako makapag desisyon kung anong magandang gawin sa buhay ko.
Pagkatapos kumain ay nanood kami ng sine kaya naman pagdating sa bahay.
Pagod na pagod akong pabagsak na humiga sa aking kama. Habang nakamasid sa kisame.
Nakatulugan ko ang pag-iisip.
Kinaumagahan, maaga akong nagising. Nagtimpla ng kape at tumambay ulit sa rooftop. Mukhang ang sarap ng simoy ng hangin.
Makakalanghap ng fresh air sa rooftop.
Sinilip ko ang sliding glass window ng kapitbahay kong masungit.
Mukhang wala na naman ito.
Wala tuloy akong mapaglipasan ng oras. Gusto ko lang sana siyang batiin ng 'good morning'
Humaba ang leeg ko nang may matandang babae na lumabas mula sa loob at nagpunta sa rooftop.
May mga dala- dala naman ito na hindi ko matukoy kung ano.
Tumayo ako at sinilip si ale.
Ngayon ko napansin na mga damit iyon at isinasampay niya iyon.
Bakit kailangan pa sa rooftop isampay di ba?
Hindi ko tuloy mapigilan na hindi magtanong.
"Manang!" sigaw ko.
Napalingon naman ito sa kinaroroonan ko.
Ngumiti ako dito ng pagkatamis tamis.
"Hi, po! Damit po ba 'yan ni sungit?" tanong ko dito.
"Sinong sungit, hija?" tanong niya sa akin pabalik.
Hindi ba niya halata kung sino ang tinutukoy ko.
"Iyong nakatira diyan! 'Yong masungit!" balik ko ng sigaw sa kanya.
Ngumiti naman ito at tumigil sa kaniyang ginagawa. Unti-unting humakbang palapit sa dulo malapit sa akin. Ngayon magkalapit na kami.
"Ah, si. . .Senyorito Ajacx ba sinasabi mo, Hija?" panigurado niya.
Ajacx? Pangalan ba 'yon. Ang bantot naman no'n.
Ang kapal niyang laiitin ang pangalan ko eh! Mas mabantot pa pala pangalan niya sa pangalan ko.
Ang kapal naman niya ha! Sabihin sa akin na shampoo ang pangalan ko, bakit kulot ang buhok ko?
Ano naman kaya siya?
Ajacx ang pangalan niya dapat nasa restroom siya 'di ba?
Medyo natawa ako.
Kaya nagtaka naman si Manang kung bakit natawa ako.
"Bakit ka natawa, hija!" tanong niya.
Pigil tawa pa rin ako. Hindi ko lang kasi maisip na sa likod ng kaguwapuhan niya ay nakatago pala siya sa pangalan na Ajacx.
Halos hugalpak na ang tawa ko, hindi ko mapigil ang tawa ko. Halos napahawak na ako sa aking dibdib.
"H...indi ko lang...kasi maisip na sa likod ng kaguwapuhan niya, nagtatago pala siya sa pangalan na Ajacx." habang tumatawa ko na sagot dito. Halos hindi maintindihan ang sinasabi ko.
Medyo natawa rin si Manang.
"Kung nakikita ka lang ngayon ni Senyorito na tinatawanan mo pangalan niya. Hahalikan ka no'n, lalo pa at maganda ka. Mahilig sa maganda 'yon." sumbong sa akin ni Manang. Kaya natigil ako sa pagtawa.
"T-talaga?"
"Pero kung lalaitin mo pangalan ni Senyorito. Magagalit iyon sa 'yo." dugtong pa ni Manang.
"Talaga, manang? Pero masungit ba talaga 'yon Manang?" interesado kong tanong dito. Gusto kong malaman kung sa akin lang ba siya masungit.
"Hindi naman masungit si Senyorito. Ayaw lang niya na tinatawag siya sa pangalan niya. Lalo na kung chix ang tatawag no'n sa kaniya."sumbong pa nito sa akin.
"Ano po ba dapat itawag sa kaniya, Manang?" tanong ko ulit.
"Hindi ko alam, pero ang tawag ko sa kaniya ay senyorito Jacx. Huwag mo lang lagyan ng A. pinakaayaw niya sa pangalan niya." patuloy na sabi ni Manang.
Ngayon alam ko na.
Ang lakas niya manglait pero kalait -lait naman pala pangalan niya.
"Sige, hija. Maiwan muna kita. Magsasampay lang ako ng mga damit ni Senyorito. Ang gusto niya kasi naiinitan ang mga damit niya. Ang dami kasing alam ang batang 'yon. Kapag kasi daw hindi naiinitan ang mga damit. Maaaring may mga bacteria pa na kumakapit dito kahit nilabahan na." patuloy na sabi sa akin ni Manang.
Wow! Ang dami niyang alam huh!
Bacteria?
"Palibhasa, doctor kasi. Kaya ganun na lang kahigpit sa mga damit niya." dugtong pa ni Manang.
Nanlaki naman taenga ko sa aking narinig.
Doctor?
Ang lalaking 'yon doctor?
Ngayon marami na akong alam sa kaniya.
"Talaga, manang? Doctor ang lalaking 'yon?" tanong ko ulit dito
"Cardiologist ang batang 'yon." halos pasigaw niya na sagot. Hindi na kasi kami masyadong nagkakarinigan dahil sa dumaan ng sasakyan sa ibaba.
Puwede kaya akong magpa-check up sa kanya? Ipa check ko lang heartbeat ko.
Halos maubos ko ang oras sa pagtatanong kay Manang. Bakit ba sobrang interesado ako sa lalaking 'yon.
Lumamig na ang kape ko, sa pagtatanong kay Manang.
Alam ko na rin kung saan na hospital siya.
Nalaman ko rin na siya rin pala ang may-ari ng hospital.
Hindi ko akalain 'yon ah,
Ang masungit na 'yon. Masyadong misteryoso.
Hindi ko akalain na doctor pala ang masungit na lalaking 'yon.
"Maiwan na kita hija! May gagawin pa kasi ako sa loob. " paalam ni Manang.
"Sige, po, Manang." ngiti ko dito.
Nasulyapan ko ang nakasampay na underwear sa sampayan.
Paniguradong brief niya 'yong nakasampay.
Medyo natawa ako sa naisipan ko.
Naglaro sa isip ko ang kapilyuhan na gagawin ko.
Kinuha ko ang panungkit sa loob.
Sumampa sa pader.
Nanakawin ko lang naman ang brief ni masungit.
Sinungkit ko 'yon sa sampayan, pero malas naman hindi maabot-abot
Sa wakas na abot ko iyon.
"Huli ka!" sigaw ko. Nakuha ko ang underwear niya na walang kahirap hirap. Thanks to my panungkit.
Medyo basa pa 'yon kaya inilagay ko sa aking bulsa at itinago iyon.
Dahil sa brief niya napapakanta ako ng
London brief is falling down, falling down, falling down. London brief is falling down, falling down. My brief baby.
To be continue...