Chapter Two
Vaseline pov's
Welcome to my new home. New neighbor and new location.
Never forget. Be kind to animals, no animals so be kind to neighbor.
Hindi ko nga alam kay Andrea kung bakit dito niya naisipan na kumuha ako ng bahay sa village na ito. Sabagay, hindi lang mayaman ang mga nakatira dito kung di. Tahimik pa, Peaceful at sariwa ang malalanghap na hangin dahil sa mga puno sa likod.
Si Andrea ang bestfriend ko, nakilala ko siya since high school. Mayaman, sexy at maganda. Marami pang nagkakagustong mga guwapong lalaki.
While me,
Sinipat ko ang sarili sa salamin.
Dahil sa kulot kong buhok ay palagi akong inaasar ng mga kaklase ko noon. Kulot salot. Which is hindi naman totoo dahil, ang swerte-swerte ko nga sa family ko.
Hindi ko sila totoong pamilya pero minahal nila ako ng sobra. Iyon nga lang hindi na sila nagtagal sa mundo kaya lahat ng kanilang kayamanan ay sa akin naiwan.
Pangalawang araw ko pa lang dito kaya wala pa akong masyadong kakilala.
Nakakaintriga lang kasi ang ka misteryoso ng bahay na katabi ko, palaging walang tao at palaging nakapatay ang ilaw. Hindi kaya multo na nakatira sa bahay na iyan.
Pasado alas dyes na nang umaga kaya dito ako tumambay sa rooftop. Masyadong maganda ang sikat ng araw para sa balat ko. More nutrients to collect.
Kinuha ko ang telescope na nakatambay sa mesa para mag hunting ng gwapo.
Pero tila ata walang gwapo sa lugar na ito.
Nakaka bored.
Napunta ang atensyon ko sa kotse na nag park sa tabi ng bahay ko. Ang bahay na kahapon pa patay ang ilaw ay himalang nagkaroon ng tao, ngayong araw na 'to.
Bumaba doon ang isang lalaking naka shades.
Wow, ha! Mukhang yummy.
Itinutok ko ang paningin sa lalaking nagbukas ng pinto ng kotse at lumabas naman doon ang isang babaeng halos lumuwa ang dede.
Dede pa ba 'yon?
Mukha kasing foam na sa sobrang laki.
Hindi na rin nagtagal sa labas ang mga ito at pumasok na rin sa loob kaya naman hindi ko na nakita pa ang mukha ng lalaking mukhang yummy.
Naisipan kong ibaba ang telescope pero sakto naman na lumabas ang dalawang mag syuta at nagtungo sa rooftop.
Kaya naman halos matitigan ko na ang mukha ng lalaking kanina lang ay hindi ko masyado makita ang mukha.
Hindi lang pala siya yummy, kundi sobrang yummy sa ayos ng kaniyang buhok na sobrang linis at dagdag pa ang makinis nitong balat at matangos na ilong. Sa tangkad nito ay halos hanggang dibdib lang nito ang babaeng kasama niya na kung makapulupot sa bewang nito ay parang inaagawan na ng ulam.
At kapag ngumiti ay halos malaglag ang mata ko sa sobrang kagwapuhan niya. Idagdag pa ang mata niyang kumg ngumiti ay ngumingiti na rin. Idagdag pa ang mga ngipin nito na kay puti at pantay-pantay
Ipagpapasalamat ko kay Andrea ang pagkakataong ito.
Nang dahil sa kaniya ay mukhang mabubusog ang mga mata ko sa ganda ng tanawin ko araw-araw.
Kung ganito lang din kaguwapo ang multong kapitbahay ko ay hindi na ako lilipat pa sa iba. Forever na akong dito sa village na ito.
Bigla ko na lang itinaas ang mga kamay ko dahil dito sila nakatingin sa aking kinaroroonan.
"Hi!" bati ko nang malakas, yung maririnig nilang talaga. Habang nag-wave ang aking mga kamay.
Siguro mga ilang metro lang din ang layo ng pagitan ng rooftop namin.
Ngiting ngiti pa ako pero deadma lang nila ako.
Kumunot naman ang pagmumukha ng babaeng kung makapulupot kay pogi ay parang may forever. Ang alam ko walang forever.
"Let's go inside. Let's start our fuckable day, baby." halos lakasan ng babae ang kaniyang boses habang nakatingin sa kinaroroonan ko. Nagpapainggit kaya 'to?
Makikita mo
Makukuha ko rin iyang pinagmamayabang mong gaga ka.
Kinuha ko ang telescope pagkatapos nilang pumasok sa loob. May kung anong bagay na naglaro sa isip ko.
Pero kahit anong silip ko ay hindi ko na sila makikita pa.
THE NEXT DAY...
Sinadya ko talagang magluto ng masarap na ulam para sa gwapo kong kapitbahay.
Ipinagluto ko siya ng specialty kong dinuguan. Sabi nila ang sarap ko daw magluto ng dinuguan. Ang hindi nila alam mas masarap ako sa dinuguan.
Napansin ko ang awang ng gate kaya sinamantala ko ang pagkakataon na naroon siya sa bahay na iyon.
Himala nga at hindi pa siya umaalis. Kaya may time akong bigyan siya ng specialty kong hindi niya makakalimutan.
This is it...
Sana tanggapin niya.
Mukha kasing snobero ang gwapong ito.
Pero araw-araw iba iba ang babaeng dinadala diyan sa bahay niya.
Tuloy-tuloy na akong pumasok sa gate na naka-open.
Nag-doorbell na ako, walang paligoy-ligoy kong pinindot iyong bell button.
Naka ilang press na ako pero wala pa rin naman lumalabas.
Bingi ba ang lalaking ito?
Pinili kong isuot ang red na dress ko na mula hita. Iyong luluwa ang mata niya kapag unang kita niya sa akin. Nakalugay din ang buhok kong kulot.
Sabi nga nila asset ko daw itong kulot.
Ilang press pa ang ginawa ko. Mukhang mapapanis ang ulam na dala ko sa lalaking 'to. Ayaw buksan.
Snob talaga ang beauty ko. Makikipag-friend lang naman ako. Hindi naman masama kong maging friendly, lalong lalo na at magkapitbahay kami.
Ang kapitbahay dapat minamahal lalo na kapag kasing gwapo niya.
Pero kapag kasing snob ng gwapong ito. Dapat walang kapitbahay ang ugok na 'to eh.
Konting konti na lang mauubos na pasensya ko. Sisisrain ko pinto nito.
Isang press pa ang ginawa ko.
He finally opened the door.
Tumambad sa aking harapan ang lalaking suot lamang ay isang manipis na towel sa kaniyang bewang. Halos pagpawisan ako at sunod sunod na paglunok ang ginawa ko.
Sino ba naman ang hindi lumunok ng singkatirbang laway kung ganito ang tatambad sa harapan mo.
Bumaba ang paningin ko sa nakaumbok niya sa ibaba na natatakpan lamang ng manipis na towel.
May mga butil na tubig pa ang naglalaglagan sa kaniyang katawan mula sa kaniyang buhok. Halatang kakatapos lang nito maligo.
Kaya hindi niya agad ako pinagbuksan.
Kumunot ang kaniyang noo at pinasadahan ako ng tingin. Alam kong sa hita ko siya nakatingin. Umakyat ang paningin niya sa buhok ko.
Sinasabi ko na nga ba nagustuhan niya ang kulot kong buhok. Asset ko talaga 'to eh.
"What do you need?" masungit niyang tanong.
Ang sungit naman nito. Kahapon lang ang lambing lambing niya sa babae niya. Pero pagdating sa mabait niyang neighbor ni ngiti wala akong matanggap sa kaniya.
"Gusto ko lang kasi sabihin sa'yo, na magkapitbahay na tayo. Welcome to me.!" parang baliw kong ngiti sa kaniya.
Ayaw niya akong batiin, ako na lang babati sa sarili ko.
"Then?" nakakunot pa rin niyang tanong sa akin.
Ay, ngumiti ako nang maayos pero sasalubungan niya lang ako ng kilay. Marunong kaya ngumiti ang kumag na 'to?
"Baka kasi, kailangan mo nang makakausap o 'di kaya ng shoulder to lean on. Puwede ako." presinta ko.
Kumunot lalo ang kaniyang noo.
"Nagmamagandang loob lang talaga ako, promise!" Itinaas ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa.
Paano ko kaya mapapangiti ito. Napakasuplado naman nito. May regla kaya 'to ngayon?
"Wala akong oras makipag-usap o mag welcome sa'yo." masungit pa rin nitong sabi sa akin.
"Ako nga pala si Vaseline. Seline for short" nakipagkamay naman ako sa kaniya at halos mapunit na ata ang labi ko sa pagngiti sa kaniya.
"Vaseline ang pangalan mo, pero kulot ang buhok mo." nakakunot noo na sabi niya.
At nilait pa talaga niya ang pangalan ko.
"Ah, oo, asset ko 'to. Itong buhok ko. Maganda ba?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi." agad niyang sagot.
Grabe ang lalaking 'to. No filter. Uso naman sabihing
Ang ganda mo.
Pero wala eh, masungit talaga siya. Sino kaya nanay nito at ipapakulong ko.
Napakasungit naman. Ang tipid pa kung sumagot. Ipalamon ko na lang sa kaniya itong specialty kong dinuguan para naman mawala ang bitterness niya.
Ngumiti ulit ako na halos wala ng tigil ang ngiti ko. Ngitian niya lang ako pabalik pero walang ngiti na sumilay sa kanya.
"Ah, eh... ito nga pala specialty kong niluto, para sa'yo. Hep hep. Nagmamagandang loob lang talaga ako, promise!" muli ay nagpanatang makabayan ako sa kaniyang harapan.
"Anong specialty 'yan?" sa wakas ay mukhang nakuha ko ang loob niya. Mukhang madadala ko siya sa pagbigay bigay ng ulam.
"Dinuguan, special. My specialty. Everyday. Para tiyan mo ay laging okay, kumain ka ng dinuguan ko." nakangiti kong sagot. Nagmumukha na akong tanga sa harapan nito.
Palipat lipat naman ang tingin ko sa kaniya. Minsan napapasulyap sa ibaba na bumubukol at minsan naman ay sa kaniyang abs na parang kumakaway sa akin.
"Hindi ako kumakain niyan." agad niyang tanggi.
Pero mapilit ako. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong doon ang naka box na ulam.
"Huwag ka nang mahiya, promise masarap 'yan. Ako nagluto niyan. At sa sobrang sarap niyan baka paulit ulit mong aamuyin 'yan." sunod-sunod na sabi ko.
Kumunot lalo ang kaniyang noo.
"What the?" inis niyang sambit. Habang hawak hawak niya ang ibinigay kong ulam sa kaniya. May magagawa pa ba siya eh, nasa kamay na niya.
"Anyway, anong pangalan mo?" Tanong ko.
"And, why should i tell you?" inis nanaman niyang tanong.
"Kung wala ka nang sasabihi, puwede ka nang umalis, bukas ang gate ko para sa'yo."
Pinapalayas na niya ako sa kaniyang harapan. Napasulyap naman ako sa kaniyang gate na kanina pa naghihintay sa paglabas ko. Kanina pa nga 'yan nakaawang.
Hindi ba siya nadadala sa asset ko? Ang ganda ko kaya, para deadmahin lang niya.
"Pero, promise. Masarap iyan dinuguan ko." muli ay sabi ko.
"I'm not interested," walang gana niyang sagot at biglang sinarado ang pinto.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Napaka walang modo. Ako na nagmamagandang loob ako pa sinusungitan niya. Pinagsaraduhan pa niya ako ng pinto.
"Hoy!" kalabog ko sa kaniyang pinto. Wala akong pakialam kung magagalit ito.
"Hoy!" sigaw ko ulit sabay kalabog sa kaniyang pinto.
"Napaka walang modo mo!" sigaw ko ulit.
Sa wakas, he opened the door again.
"Hindi ka ba titigil? or i will call the guard to drag you out of my gate?" suot suot nito ang sungit na kaniyang awra.
Kalaunan ay sinarado nito ulit ang pinto.
"Tubuan ka sana ng pigsa sa puwet!" sigaw ko bago tuluyan na naglakad palabas ng gate.
Suot suot ko ang busangot kong pagmumukha bago tuluyan na pumasok sa bahay.
Hindi lang ako makapaniwala na sa taglay niyang kakisigan at kaguwapuhan ay ganun pala siya kasungit.
Daig pa ata ang babaeng may regla.
Pero infainess, ang sarap ng abs niya. Dagdag pa iyong ibaba niya.
Kung ano ano tuloy pumapasok sa isip ko. Iniling iling ko na lamang ang aking ulo sa mga naiisip ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko ang motor kong naka park sa likod.
Marunong kasi ako mag motor. Mas feel ko iyon kaysa sa kotse. May usapan kasi kami ni Andrea na magkikita kami. Sinabi ko na sa kaniya na kapag gusto niyang pumunta sa bahay pumunta lang siya pero wala atang balak na pumunta sa bahay ang babaeng 'yon. Parang may tinataguan na kung ano. At ayaw niya daw pumunta sa bahay.
Ano ba kinakatakot niya?
Bakit ayaw niya pumunta sa bahay?
Hindi kaya may tinataguan soyang tao sa lugar kung saan siya ang pumili para sa akin.
To be continue...