MHD 5

1172 Words
MARILAO BULACAN Isang bungalow na may katamtamang, mula sa labas ay may maliit na garden. Malamang ay apat na metrong pahaba at isang metro ang lapad nito. May katamtamang laki ng sala at dalawang silid sapat na upang magkasya ang isang pamilya. Nakatira ang mag anak ni Yumi ang anak na si Mesha at si Farrah na siyang nag aalaga sa bata. Magkasundo ang dalawa kaya naman ay panatag si Yumi na iwanan ang dalawa sa bahay. Farrah Pov Abala siya sa pagdidilig ng mga halaman at tanim na mga gulay ng mapansin niya ang matamlay na si Mesha na nakatingin sa kawalan. Alam niyang namimiss nito ang ina ngunit iba ang lungkot na mababanaag sa mukha ng bata. Napagpasyahan niyang lapitan ang bata kaya naman ay pinatay niya ang gripo at lumapit sa batang mukhang di man lang napansin ang kanyang paglapit. "Hey baby, what's wrong?" Untag ko dito. Saka palang lumingon ang bata sa kanya. "Mama farrah bakit po di pa nauwi si Daddy gusto ko pong makilala ang Daddy ko. Kailan po ba siya uuwe? Alam po ba niya ang bahay natin? Baka po naligaw na siya." sabi ng limang taong gulang na batang si Mesha. Alam niyang kailangan niyang kausapin si Yumi tungkol sa ama ni Mesha. Naaawa na siya sa bata lalo at binubully ito ng mga salbahe nitong kalaro. Minsan narinig niyang tinutukso na baka imbento lang daw ang Daddy nito, na ang totoo e putok ito sa buho. Masakit na makita ang ganun masyado pa itong bata para makaranas ng ganung treatment. Mayroong psychological effect sa bata naapektohan ang emotion ng bata. Minsan nakikita niyang umiiyak ito at paulit ulit na tinatanong sa kanya kung nasaan na ang ama nito. Hindi naman niya mabigyan ng kasagutan ang tanong nito dahil maski siya ay di naman niya alam kung sino at nasaan ang ama nito. Tanging si Yumi lang ang makakasagot sa kanila ngunit maging ito ay hindi din alam kung sino at kung nasaan ang ama ni Mesha. Napatingin sa maamong mukha ng bata si Farrah naaawa siya sa apo yes at the age of 27 may apo na ako. Bunso diumano ako at anak ng panganay kung kapatid si Yumi na sa ngayon 24 na. Di ko magawang maidetalye ang aming pagiging magkamag anak ni Yumi pagkat limitado lang ang naalala ko. Kalahati ng buhay ko ang di ko maalala. Ayon dito matagal din kami bago nagkita ng pamangkin ko isang taong gulang na si Mesha ng magkita sila, kaya di rin niya kilala ang ama ng bata. Ayaw niyang manghimasok sa kung ano ang suliranin ni Mesha at ni Yumi dahil alam niyang di pa handa si Yumi na maungkat ang mga nakaraan nito. "Baby Mesha, di ko pa kasi nakikita ang Daddy mo e. Kung nakita ko lang sana e di naipakilala na kita. Nasa abroad daw ang Daddy mo e ayun kay Mommy mo kaya kailangan mo lang na maghintay." sabi ko dito. Doon biglang pumatak ang luha ng bata at lalo naman siyang naawa. Alam niyang sabik na sabik ito sa kalinga at sa pagmamahal ng isang ama. Kaya nasasaktan siyang makita ang bata na naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng isang ama. "Bakit yung mga kaklase ko may daddy may mommy, tapos ako wala."himutok nito. "May Daddy ka naman kasi, hintayin mo lang at uuwe din yun. Tsaka sa ganda ba naman ng baby namin na yan e tiyak na uuwe yun sa inyo ni Mommy Yumi mo." Pag aalo ko sa bata. Niyakap ko ang munti nitong katawan at hinalikan ang ulo nito. How she wish she can give what she wants, kung sana ay madali lang ang hinihingi nito ay ibibigay niya para di na ito masaktan pa. Alam niyang naghahanap ito ng kalinga ng isang ama at ang problema nilang pareho ni Yumi ay pareho silang mga single. "Ang tagal tagal nya po kasi Mama. Malayo po ba ang America?" Mayamaya ay tanong nito. Napaisip ako ano kaya ang kinalaman ng America sa pinag uusapan nilang dalawa. "Oo malayong malayo, sa labas ng Pilipinas yun e." Sabi ko dito. "Kaya siguro di siya makauwe Mama kasi malayo ang America. O baka naman ay wala po siyang pamasahe pauwe, tama baka ganun nga. Dapat kasi pwede na ako mag work para mabigyan ko ng pamasahe si Daddy." Tila mas lumungkot pa ang bata. Tila nabibiyak ang puso niya sa inasal ng bata. Di niya maatim na makita na nahihirapan ito lalo at tila anak na niya kung ito ay ituring. "Baby pray kalang kay God na sana okay lang ang Daddy mo. Para makauwe pa siya sa inyo." Sabi ko dito. "Sige po Mama, pero mama di po kaya nagalit si Daddy kasi nag boyfriend si Mommy dati. Diba po dapat ang boyfriend ni Mommy ay ang Daddy ko lang po?" Inosenting tanong ng bata. Parang simple lang ang sinabi nito ngunit ikinangiwi niya. Bawal palang talaga mag nilandi pag nakikita ng anak mo. Lalo at mapagmasid at mapagmatyag na ang mga bata sa panahon ngayon. Nag iisip siya ng maipapalusot sa bata. Tila kasi naubosan siya ng isasagot dito. "Balang araw baby maiintidihan mo din ang lahat, ang sa Mommy mo at sa boyfriend niya ay walang kinalaman sa Daddy mo okay. Kahit iba na ang boyfriend ni Mommy mo uuwe at uuwi siya sayo kasi baby ka niya e. Di pa man ngayon pero balang araw magkikita at makakasama mo din si Daddy mo." Mahabang paliwanag ko dito. "Kailan ko pa po maiintindihan yun Mama? Pag big na ako pareho ni Ate Gwen?" Ang tinutukoy nitong Gwen ay ang sampung taong gulang na kapitbahay nila. "Oo pwede na pag ganun kana kalaki. Sa ngayon ay dapat masaya ka palagi bawal ang sad." Sabi ko dito. "Opo Mama, happy na po ako basta alam ko lang na love ako ni Daddy at alam kung uuwe sya." Nakangiti nitong sabi. "Oo naman lahat ng Daddy ay love ang kanilang mga baby." Sabi ko dito. "Yehey thank you Mama." Sabi nito na hinigpitan ang yakap sa akin. Nang kumalas sa yakap ko ay bumalik ito sa panonood ng tv. May naisip ako na maaring maging daan upang makilala ng Ama ni Mesha. Alam niyang maaring ikagalit ni Yumi ang gagawin niya pero para kay Mesha ay gagawin niya. "Baby halika video kita tapos i upload natin sa sss baka sakaling mapanood ng Daddy mo." sabi ko dito na tila nag isip din ito. Maya maya ay sumilay ang ngiti nito. "Talaga po Mama?! Mapapanood po kaya pag ganun? Paano po kung wala siyang cellphone o sss?" Tila nag aalinlangan pa na sabi nito. "Oo naman mapapanood sa boung mundo ang video mo. Halika na umpisahan na natin para ma upload na agad natin." Sabi ko dito. "Sige po Mama baka po pangit ako, ligo po muna ako."sabi nito na tumayo. "Sige ligo ka muna Baby, wait ka ni Mama dito." Dali dali itong tumakbo papunta sa silid nila upang kumuha ng tuwalya at maghanda marahil ng bihisan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD