MHD 6

1143 Words
Sa edad nito ay marunong na itong maligo na mag isa. Marunong na din itong magmmix and match ng mga damit nito. Kung sa gawaing bahay naman ay paunti unti na niyang tinuturoan ito. Minsan ay nagkukusa na din itong mag aral na magluto. Tinuturoan niya ito sa gawaing bahay hindi upang alilain o kung ano kundi upang matuto siyang maging independent lalo at di naman habang buhay ay buhay ako o si Yumi. Habang bata pa ay maigi na may alam ito sa mga gawaing bahay. Hindi alam ni Yumi ngunit may ipon ako para sa future ni Mesha. Gusto kung maging maayos ang buhay nito paglaki may binibigay na pera din kasi si Trina. Ang kaibigan nila minsan nagugulat nalang siya na malaki ang laman ng bank accounts niya. Malaking bagay iyon sa kanila mas malaki ang kanyang naitatabi para sa savings niya at ni Mesha. Gusto niyang i focus ang kanyang isip kay Mesha nalang di na mahalaga pa sa kanya ang ibang bagay lalo na ang pakikipag relasyon. Makalipas ang ilang sandali ay nasa harap ko na ito at iniumang ang suklay. "Mama, help me comb my hair please!" Pakiusap nito na ikinangiti ko, nakaka proud na siya ang nagpalaki ng kanyang apo sa pamangkin. Lumaki itong mabait at magalang na bata. Napakagandang bata nito maputi, makinis, may biloy ito sa magkabilang pisngi, katamtamang tangos ng ilong at malalaking kulot na may pagkablond na buhok. Minsan napagkakamalan pa siyang Yaya nito pag gumala sila. Will Yaya naman talaga siya although medyo hawig daw sila ng bata lalo sa kanyang mata. Normal lang naman yata kasi magkadugo naman sila kahit pa sabihin na medyo malayo na. Parang manika ang bata may hawig naman kay Yumi yung buhok lang. Maganda si Yumi kaya di nakapagtataka na maganda din ang anak nito. "Ready na po ako Mama."sabi pa nito mamaya maya matapos niyang suklayin ang buhok nito. Bakas sa mukha nito ang magkahalong saya at pananabik. Siya man ay ganun din ang nadarama. "Ano po ang gagawin ko Mama?" Tanong nito. "Ok ganito ang gagawin mo sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa Daddy mo." sabi ko pa dito. Tumango naman ang bata. Itinapat ko ang cellphone ko sa kanya, maganda ito sa camera lalo kung nakangiti alam niyang maaring maging mapanganib para sa bata ang mailagay sa mga social media. Lalo kung may mga mapagsamantala na makakita o makapanood ngunit wala siyang ibang maisip na maaring makapag link sa kanila ng kinaroroonan ng Daddy nito. "Anak pag thumbs up ko start kana huh. Lahat ng gusto mong sabihin ay sabihin mo okay?" Paalala ko dito, tumango naman ang bata. "Opo Mama!" Sabi nito. Ni ready ko na ang camera ng cellphone ko. "Ready kana in one two three rolling!" Pagbibigay hudyat ko dito. "Dad if you are watching this video pakicontact naman po ako. I always wanted to meet and hug you since then Mommy can't answer me even whats your name? I am also wondering why you left mommy she's so pretty and sexy,but you left her, please please meet me,I'm Mesha thank you." pinatay ko na ang camera. Maiksi lang ang sinabi ng bata pero umaasa siyang mapanood ito ng Daddy ng bata. "Ok na to."sabi ko pa, napakalapit niya sa bata palibhasa ay siya ang madalas na kasama nito, kaysa sa ina nitong si Yumi. "Mapapanood po kaya iyan ni Daddy Mama?" Tanong nito. "Sana nga baby, para naman magkita na kayo. Sige na iligpit mo ang mga toys mo ha. Sa labas tayo para makikita kita habang naglalaba." Sabi ko dito. "Opo Mama." Sabi nito. Agad na tumakbo ito papunta sa mga laruan na nakakalapag sa sala. Inaupload ko na kaagad ang video sa Peysbook account ko na naka public wala pang thirty minutes ay naka thirty likes at five shares na agad ng post ko. Pinatay ko na muna ang cellphone ko at kailangan ko na tapusin ang paglalaba ko dahil mamaya maya lamang ay oras na naman ng syesta nito. "Im done na po Mama." Sabi nito. "Tawagin mo muna si Meme diyan sa kabila Mesh, para may kasama ka na maglaro sa labas." Sabi ko dito. Magkaagapay kaming naglakad palabas ng bahay. Dun kasi sa labas nakalagay ang washing machine deritso na sampay. "Sa may kabila lang ako Mama. Nandiyan naman po si Manang Bebang." Paalam nito, nang makita niyang may makakasama naman na matanda ang mga ito ay hinayaan na niyang tumakbo ito papunta sa kabilang bakod. "Basta wag mag tatakbo takbo at umakyat sa puno a. " Paalala ko pa dito. "Opo Mama, dito lang po ako. We will just play Piko po and jackstone. " Sabi nito kaya naman ay mabilis na inumpisahan na niya ang kanyang ginagawang paglalaba. Binabad na naman niya ang mga puti kaya naman ay madali nalang ang kanyang paglalaba. Mas mahirap lang sa pagbabanlaw at masakit sa kanyang likod. Isinalang niya muna ang mga puti sa washing machine bago niya napagpasyahan na siliping muli ang kanyang cellphone na nasa may bulsa niya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya ng makitang five hundred sixty eight na ang view at may forty four shares na ang post nila. Di naman nakakapagtaka ang ganun kasi mabilis naman talaga kumalat ang mga nilalagay sa social media. Ika nga e easy access na masyado kaya minsan naabuso na din. "Mesha, wag ka sa initan umupo!" Sigaw ko. Magkakalayo naman ang mga bahay bahay kaya okay lang kahit magsigaw sigaw ng slight. Bukod pa sa pawang mababait naman ang kanilang mga kapitbahay. Di siya natatakot na sila lang dalawa ni Mesha sa bahay may baril naman kasi na iniwan si Trina para sa kanya. May permit to carry pa kaya ayos lang na sila lang dalawa ni Mesha. "Opo Mama!" Sagot nito bumalik na siya sa kanyang ginagawang paglalaba. Ilang sandali pa ay natapos din niya ang kanyang paglalaba. Nang silipin niya si Mesha sa may kabilang bakod ay nakahiga ito sa may papag papag na nasa ilalim ng puno. Nag kakatuwaan ang dalawa panatag naman siya kasi regular na pinuputol ang mga lumang sanga kaya safe ang tumambay sa ilalim ng puno. "Mesha uwi na baby, tulog na tayo. Mamaya na uli kayo maglaro ni Meme." Tawag ko s bata ng matapos ako na magsampay. "Opo Mama, Me uwe na muna ako tawag na ako ni Mama. Lets play later okay." Sabi nito bago dali daling tumakbo papasok. "Im home Mama!" Sabi nito na hinawakan ako sa kamay. "Sino ang nanalo sa inyong dalawa? " Untag ko dito. "Wala naman Mama winner. Di naman kasi kami experts diba po winners lang po pag experts." Sabi nito. "Sabi nino? " Taka kung tanong dito. "Si Tita Digna nung nakaraan kasi expert daw si Kuya Levi." Di nalang ako nag comment pa. Kailangan makatulog ito para good mood ito hanggang mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD