MHD 3

1211 Words
Maghapon na laging nababanggit ang Daddy diumano nito. Nahihirapan na siyang maghanap ng palusot tanong kasi ng tanong kung ano ang favorite ng Daddy nito. Aba malay ba niya maski ang anino nito ay di pa niya nakikita e. Nang pagabi na ay nakita niya ang anak na malungkot na nakatingin sa papalubog na araw. Naawa siya dito alam niyang iniisip na naman nito na bukas ay aalis na naman siya upang bumalik sa kanyang trabaho. Kinakailangan na niyang bumalik upang mag asekaso sa nalalapit na enrollment ng mga bagong set ng kanyang mga estudyante. Dahan dahan siyang lumapit sa anak at niyakap ito. Tila gusto niyang maiyak ng maramdaman ang lambot at ang manipis nitong balat sa kanyang katawan. Alam niyang di niya ito nayayakap sa tuwing may nararamdaman ito. Alam niyang kailangan nito ng pag alaga ng isang ina. "Sad na naman ang baby namin?" Malambing kung tanong dito. "Aalis kana naman po Mommy e, but I understand naman po. You need to work for my future." Sabi nito. "That's my girl! Can you give Mommy a hug?" Tanong ko dito. Tumayo ito at yumakap sa kanya. It breaks her heart seeing her child sad if only she is rich enough to stay at home with her daughter she will stay with her. She love taking care of her even she is naughty sometimes. "Mommy, please be home on my birthday!" Sabi nito na ikinatawa niya. Nung nakaraan kasi ay di siya nakaabot sa mismong birthday nito dahil nabaril si Trina. "Yes of course baby, Mommy and your Tita's will be here on your birthday!" Sabi ko dito. Kita niya ang pagkinang ng mga mata nito sa tuwa malamang. Malapit ang loob nito sa kanyang mga kaibigan lalo na kay Gayle na panay kalokohan ang itinuturo sa anak niya. Kinabukasan ay maaga palang paalis na siya. "Farrah, ikaw na ang bahala kay Mesha a. Ingat kayo dito gaya ng bilin ko may baril sa gilid niyan oras na may pumasok na masasamang loob barilin mo agad!" Bilin ko dito. Na train na namin si farrah sa pagbaril bago namin kinuhanan ng lisensya. Lalo at dalawa lang sila sa bahay at puro pa silang babae. "Oo Yums, ingat ka din. Ikumusta mo nalang ako sa mga pangit!" Natatawang sabi nito. Laging magkachat ito at si Gayle lalo at laging nananakot ang gaga niyang kaibigan. Minsan pinasahan lang naman ng horror movie si Farrah. "Sige tutuloy na ako!" Sabi ko dito. Sa biyahe ay dun na siya umidlip lalo at medyo malayo din naman. Nang dumating siya sa apartment ay wala na ang mga kaibigan. Malamang ay nasa tindahan na nila ang mga ito kaya dali dali siyang naligo at naghanda na din paalis. "So wala jetlag?" Biro ni Trina sa akin. "Inantok pa nga ako e." Sabi ko bago pasalampak na umupo sa may upoan na para sa kanilang customer. Hanggang ngayon kahit nasa trabaho siya ay dala niya parin ang problema sa anak, feeling niya kasi ay nagiging mas malungkotin ang kanyang anak lately. At yun ang bumabagabag sa kanya nahalata naman ito ng kaibigang si Gayle. Bale apat sila si Trina, Gayle at si Allyson. "Oh ba't ang aga aga eh daig pa ang byernes santo lang? e tapos na kaya ang byernes santo." sabi nito at napatingin naman ang dalawang pangit choos. Magaganda kaming lahat pinakamaganda si Trina. Dahil nga bombayin ang hitsura nito na pinarisan ng tila morena na balat. Samantalang ako nasa level lang na pwede na at nagmumukha akong chimaaa pag tinabi sa isang Katrina Villigas. But if you ask them ako ang pinakamaganda sa amin kaya lang po talaga dapat humble lang ano po. "Si Mesha kasi e, nagtatanong na naman kasi ng tungkol sa tatay niya."sabi ko pa na nakapangalumbaba sa lamesa. "Di na naman bago yan Yumi, diba dati pa naman naghahanap?" Si Allyson na abala sa kakadotdot ng cellphone. Yun ang lagi nitong pinagkakaabalahan. "This time kasi she want a picture of his father, pero saan ako kukuha ng picture? e maski anino ng tatay niya di ko alam kung nasaang dimension na." nagpopokpok pa ako ng kamay sa mesa. "Anong silbi ng magazine?"si Gayle na pataas taas pa ng kilay tila ay proud na proud sa naisip. "Alam mo Gayle ang talino mo talaga."si Trina na ngumisi at tumingin kay Gayle na tila nang uuyam. "I told you, buti na realized mo Mare. Matagal na ang talino ko ngayon mo lang narealize ang existence!" ngingiti ngiti pa nitong sabi. "Ay tanga lang? syempre kabaliktaran ng matalino ang sinasabi ko. Aba hija mag isip ka naman po kahit bagong silang na bata marerealize na ginupit mo lang yun mula sa pahina ng isang magazine."si Trina. "Ang gifted naman masyado ng bagong silang na bata na iyan, saan ba makikita yan?" nanunuyang sabi ni Gayle. Kahit kailan talaga pag nagsama ang dalawang ito e nakakaloka. Di pupwedeng di nagtatalo ang mga ito na tila mga bata. "Gusto mong makilala? syempre bawal ang makipagkilala sayo ang mga baby, kasi baka mahawa ng pagka slow mo ang baby." Patutsada ni Trina sa kaibigan na ayaw di naman na magpatalo. "Psst tama na nga kayong dalawa away kayo ng away." awat ko sa dalawa kasi lalo pang hahaba ang bangayan ng mga ito kung hahayaan niya. Lalo at kapwa di marunong magpatalo ang dalawa at kapwa mapang asar pa. "Ewan ko ba diyan sa babaeng yan napasobra sa talino!" Nakangising parinig ni Gayle. "Tsss tulog ka kasi ng nag uulan ng katalinohan!"Sabat naman ng isa napangisi nalang si Allyson na abala naman sa cellphone. "Anong silbi ni pareng internet? di naman magkikita ang anak mo at yung nasa picture sa internet diba. So halika search tayo." suhestiyon ni Ally. Napaisip naman ako pwede naman siguro yun, sa laki at lawak ng mundo ay napaka imposible naman na magsanga ang landas nito at ng sinumang tao sa internet if that time come man na magkita sila. Then maybe masasabi na nila ang totoo sa bata dahil mas maiintindihan na nito ang sitwasyon. But for now it can be a remedy, kaya naman ay dali daling nag silapit kaming tatlo dito. Agad nitong nag type ng unang search nito, 'Men' ang daming lumabas na mga images iba ibang lahi, iba ibang laki ng katawan. May mga naka topless at may mga naka trunks lang, meron namang naka executive attire at marami pang iba. Sa dami nun e tila wala namang nakapukaw sa kanyang attention sa mga ito. "Ang galing ng search engine o, ang popogi ng lumalabas." si Gayle na nakangisi panu kasi puro n***o ang iba at karamihan ay ikinangiwi niya. There's nothing wrong with black men naman kaya lang di lang talaga niya type ang ganung physical features. Bukod pa sa alam niyang malalaki ang mga kinakaharap este hinaharap ng mga ito. Mestiza ang anak niya kaya naman ay di kapani paniwala kung picture ng n***o ang ipapakita nila. Muling nag tipa si Allyson di naman din nagtagal ay muling nag loading ang computer at sa muli may mga lalaki na lumabas na naman, medyo ayos na sa paningin niya. Ang gusto niyang piliin ay ang medyo may similarity naman sa anak niya nakapagtataka naman yun kung di nito kamukha ang anak niya diba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD