MHD 1

1207 Words
Pawis na pawis siya habang paulit ulit na sinusuntok ang punching bag. Kakatapos lang ng kanyang klase ng taekwondo sa mga bata. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya at isang malakas na sipa mula sa kanan bago na tumigil. She felt recharge after that, tila nabubuhay ang kanyang dugo sa pakikipaglaban maybe because yun ang buhay na nakasanayan niya. Niligpit niya ang mga gamit at ang mga kalat na naiwan ng kanyang mga batang estudyante. She is earning enough to feed her aunt and her daughter Mesha. Kahit papaano ay nairaraos niya ang kanilang araw araw na pangangailangan lalo at wala naman silang ibang aasahan kundi siya lang. "Ingat po kayo Miss Yumi!" Sabi ng gwardya. Kinakailangan niyang makaalis bago maabotan ng kasagsagan ng dagsa ng mga pasahero. Sa tuwing byernes ay karaniwang eksena na ang takbohan para makauwe lang. Sa mga kagaya niyang walang sasakyan ay kinakailangan niyang maaga na makaalis. "Yumi, bigay ni Trina pandagdag nyo daw ng panggastos. " Sabi ni Allyson na iniaabot ang iilang libohin na papel sa akin. "Sana di na siya nag abala! Kaya pa naman ng sahod,o." "Napag utosan lang! " Sabi nito. Natatawang iniabot ko nalang baka magtampo na naman ito pag di niya kinuha. "Sige salamat, tatawagan ko nalang siya later." Sabi ko dito. "Sige ingat ka sa biyahe! Pakihalik nalang ako kay Mesha!" Sabi nito. "Ingat sila sayo!" Si Gayle na nakasilip sa kwarto niya. "Kay Berting ba ikukumusta din kita?" Biro ko dito. Dati itong nakita ni Berting at mula nun bawat uwi niya ay hinahanap ng lalaki si Gayle. "Salamat nalang amiga!" Mariin nitong sabi na ikinatawa nila ni Allyson. "Choosy kapa a, baka sa bungi ka mapunta lagot ka!" Banta ko dito. "Never! Ewww ano kaba naman Yumi ano nalang hitsura ng mga magiging anak ko nun? Di baling tumandang dalaga nalang ako." Sabi nito na pumasok na sa loob ng silid. "Aalis na ako, may ipabibili ba kayo?" Tanong ko sa mga ito. "Alam mo na yan!" Nakangising sabay na sagot ng dalawa. Madalas magpabili ng kakanin dun sa palengke malapit sa kanila. Simula ng matikman ng mga ito ay palagi na itong nagpapabili sa kanya. "Sige, nasaan ang pambili nyo?" Sabi ko sa dalawa sabay lahad ng kamay sa dalawa. Mabilis na naglagay ng limandaang piso si Allyson. Kung si Gayle kasi ay sobrang kuripot nito. "Hoy yung sayo Madam? " Nakataas ang kilay na tanong ko kay Gayle. "Manghihingi nalang ako kay Ally!" Sabi nito. "Sige ihihingi nalang kita ng pambili kay Berting." Sabi ko dito. "O ito na!" Nakasimangot na iniabot nito ang buong dalawang daan. "Mabilis ka naman palang kausap eh. Ciao mga bruha ako ay lalayas na!" Paalam ko sa dalawa. "Hoy, Mayumi wag na wag mong kakalimutan ang pasalubong. No pasalubong, no entry!" Pasigaw na sabi ni Allyson. Natatawa naman akong lumingon sa dalawa. At kumaway sa ganitong araw ay masaya siya lalo at ilang sandali nalang ay makakasama na naman niya ang kanyang si Mesha. Ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay niya. Ito ang nagsisilbing liwanag sa madilim niyang mundo. Mula noon hanggang ngayon ay ito ang kanyang naging inspirasyon sa kanyang mga desisyon sa buhay. Sumakay siya ng jeep papuntang terminal ng bus pauwe ng Bulacan. Kung saan nandun ang anak niya may nabili silang bahay doon na maliit lang ngunit tamang tama lang sa kanilang tatlo. May maliit na gulayan sa likod bahay at doon kumukuha ng pagkain nila. Payak man ay maayos naman ang buhay nila nag aaral na din kasi si Mesha. Maluwag naman ang jeep na nasakyan niya, kaya malaya siyang nakakapag stretching ng mga paa niyang nangalay ata sa pagsipa niya kanina. Maya maya pa ay bumaba siya at muli siyang sumakay ng isa pang jeep. Medyo mahirap ang biyahe niya lalo at palipat lipat siya ng sasakyan dahil ilang sakay din ang gagawin niya bago makauwe. Minsan pag walang misyon si Trina ay inihahatid siya nito mabilis na at nakakatipid pa siya. Naisip na din niyang kumuha ng motor, marunong naman silang lahat magmaneho para mas convenient sa kanya. Sa ngayon kasi si Trina lang ang may motor sa kanila. Nang muling makababa ay sa terminal na medyo mahaba na ang pila. Pero may dumating na bus na kaya malamang ay makakasakay agad siya sa trip na iyon. At tama ang kanyang hula dahil nakaupo pa siya malapit sa may mismong driver. Naghintay lang ng ilang saglit ang driver at nagpasya ng umalis ang bus. Mahigit isang oras lang naman ang biyahe lalo kung maluwag naman ang kalsada at walang traffic. Nang makarating sa bahay ay tahimik na ang paligid. May mangilan ngilan silang kapitbahay na gising pa. Kaya naman ay bumili muna siya ng pupwedeng pampasalubong sa mga anak niya. "Farrah!" Mahina kung kinatok ang pinto. Sa una ay tila Ang walang kaluskos nakita ko ang pagbukas ng ilaw sa silid nila. "Pasok ka, kakadating mo lang?" Tanong nito na muling isinara ang pinto. Mukhang nakatolog na ito dahil nakapikit pa ang isang mata nito. "Kadarating ko lang din naman, tulog naba si Mesha?" Tanong ko dito. Naglakad ito papunta sa kusina at mabilis na naghain ng makakain ko. "Oo kanina pa siya tulog, di na nga natapos ang kanyang pinapanood na palabas."Sagot nito. "Ako na diyan Farrah, pahinga kana lang. Kumusta naman kayong dalawa dito?" Tanong ko sa kanya. "Sus hayaan mo na ako, ayos naman kaming dalawa dito sa bahay. May bunga na ang talong na tinanim nyo ni Mesha nung nakaraan." Masayang pag kukwento nito. "Naku masarap yan i torta bukas sa almusal. Mahaba naba?" Tanong ko dito. "Oo malalaki na pwede nang gulayin. Di ko pa pinitas dahil di naman namin makakain agad. Sayang lang kung malanta lang agad." Sabi nito. "May dala akong binhi ng pechay itanim natin bukas." Sabi ko dito. "Sige, maganda yan igisa." Sabi nito. "Saan galing ang bagoong niyo?" Tanong ko dito. "Bigay ni Aling Bebang diyan sa kabila. Umuwe kasi ng probinsya marami siyang dala na bagoong at mga tuyo." Sabi nito. "Yung ilaw ba na bill dumating na?" Tanong ko dito. "Oo, ang dami naman ng binili mong damit ko nung nakaraan." Sabi nito. Alam niyang mag rereklamo ito pero di ito maaring timanggi sa kanya dahil magtatampo siya pag di nito iyon tinanggap. "Bigay ni Trina ang iba doon. Nga pala di kaba pinahihirapan ni Mesha dito?" Tanong ko dito. "Di naman nalilibang nga ako sa kanya e." Sabi nito. "Maganda kung ganun, pasensya kana a kung ikaw ang nagbabantay sa kanya." Sabi ko dito. "Ano kaba alam mo naman na mas nakakabuti sa kanya yung nandito kaysa kung nasa Manila. Nga pala tinatanong na naman ako ni Mesha tungkol sa kanyang ama." Sabi nito napahinto naman siyang kumain. Mukhang mahaba habang paliwanagan na naman sa anak niya ito. "Akyat kana be, ako na ang magliligpit nito. Magpahinga kana!" Sabi ko dito. Alam kung pagod na pagod ito at antok na antok. Makailang beses na din itong naghikab kanina. "Sige, Inaantok na naman din ako. Good night!" Nakangiting sabi nito. Hinatid niya ng tanaw ang papalayong bulto nito. Malaki ang pasasalamat niya dahil inako nito ang pag aalaga kay Mesha. Mabait naman kasi ang anak ko kaya di ito nahirapan na alagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD