33.1 - Dance Party

2141 Words

SINIPAT ni Elaina ang kaniyang sarili sa full-lenght mirror sa walk-in closet ng silid ni Adrian. Gandang-ganda siya sa kaniyang sarili sa suot niyang short pleated skirt na kulay army green na tinernuhan niya ng khaki na blouse na sakto lamang ang haba at lapat sa kaniyang katawan. At ang sa mga paa niya ay ang puting sneakers. Maganda talaga siya kaya lamang ay nagmukha siyang teenager sa suot niya. Tuluyang naikubli ng mga kasuotang iyan ang medyo maumbok na niyang puson. Naglagay siya ng pulbos at nagpahid ng pink juicy lipstick sa kaniyang labi. Hinayaan niyang nakalugay lamang ang kaniyang mahaba at magandang buhok. Nagwisik din siya ng paborito niyang cologne na manamis-namis ang amoy. Isang ikot pa ang ginawa niya sa harap ng salamin bago nakuntento sa itsura niya. Ready na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD