When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
HINDI alintana ni Ndrew ang panginginig pati na rin ang malakas at mabilis na t***k ng kaniyang puso habang karga pahiga sa mga bisig ang walang malay na si Elaina. Pakiwari niya ay sasabog na ang kaniyang puso sa labis na takot ngayong wala pa ring reaksiyon buhat kay Elaina sa bawat pagtawag niya sa pangalan nito habang nagmamadali siya sa paglakad palabas sa doorway. Nang sapitin nila ang sasakyan niya ay noon lamang niya naalala na wala pala siyang dalang susi ng kotse. "Buwisit!" mangiyak-ngiyak sa inis na wika niya. Natataranta siyang lumakad pabalik sa loob. Hindi niya alintana ang bigat ni Elaina, pakiwari nga niya ay wala itong naidudulot na bigat sa mga bisig niya. Nang makapasok sila sa doorway ay dire-diretso siya sa hagdanan upang magtungo sa kaniyang silid para