28 - Cuddle

2412 Words

HINDI na umuwi sa mansion si Ndrew John para mananghalian. Sa kubo sa plantasyon na siya kumain kasabay ng mga tauhan niya. Plano niyang kausapin ang mga ito kaugnay sa nalalapit na basketball league roon sa loob mismo ng hacienda at para pumili na rin ng magiging ka-team niya. Kung gaano katahimik at kaseryoso sa oras ng trabaho ang mga ito ay ganoon naman kaingay at kasaya ang mga ito sa oras ng panananghalian. Tila ba sa mga sandaling iyan ay nakalimutan ang pagiging istrikto niya pagdating sa trabaho ng mga ito. Kahit hindi man siya ngumingiti, sa loob niya ay natutuwa siya dahil hindi naman pala siya pinangingilagan ng mga ito kagaya ng inaakala niya. Hindi naman talaga niya gustong mangyari ang pangilagan siya ng mga ito, sapagkat ang nais lang niya ay mapanatili ang kaayusan sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD