When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NOTE alarm ng cellphone ang gumising kay Elaina nang umagang iyon. Kinapa niya iyon sa bedside cabinet at pinilit buksan ang mga mata upang mabasa kung para saan iyon. Napabalikwas siya ng bangon nang makita na araw iyon ng pagbalik niya kay Dra. Angelina para sa kaniyang buwanang check up. Kaagad siyang nagtungo sa bathroom at nag-toothbrush, iyon lamang ang ginawa niya at kaagad nang lumabas ng silid para magtungo sa komedor. Nang sapitin niya ang hagdanan ay natigilan siya. Nasa ibaba ng hagdanan si Ndrew kasama ang lalaking kasama nito nang sunduin siya sa lungsod at kaharap ng mga ito si Savanna. Tila wala sa mga ito ang nakakapansin sa kaniya. Bagong ligo si Ndrew at kakaiba ang gayak nang araw na ito. Napaka-desente nito sa suot na slacks, sports coat, light blue button-up shi