“Mabuti naman at nagbalik ka,” nangingiting wika ni Thunder kay Austin na kapapasok lamang ng opisina niya. Nakatayo siya malapit sa bintana. “So, may desisyon ka na ba? Pumapayag ka na ba sa alok ko?” tanong pa nito. Ngumiti nang maliit si Austin. Tumango-tango siya “Yes, Sir. Nasabi niyo na kay kuya saka ayos lang raw naman sa kanya ang request niyo,” wika niya pa. Napangiti si Thunder. “Good,” aniya. Naglakad ito patungo sa office desk nito at naupo sa swivel chair nito. Nakasunod naman ang tingin sa kanya ni Austin na nananatiling nakatayo sa harapan ng mesa ni Thunder. Tiningnan ng diretso ni Thunder si Austin. Pinagpatong pa nito ang dalawang kamay. “Ngayong pumayag ka ng maging secretary ko, bago ko ibigay ang unang trabahong dapat mong gawin para sa akin ay ang ayusin ang mga ga