“Ano? Truth ba ‘yang sinasabi mo? Nagbalik talaga siya?” gulat na gulat na tanong ni Eva kay Charmaine. Magkaharap silang nakaupo ngayon sa isang pandalawahang mesa na nasa dulong bahagi ng loob ng coffee shop kung saan nagkita sila ngayon. Inismiran ni Charmaine si Eva. “Paulit-ulit tayo? Kakasabi ko lang, ‘di ba? Saka anong akala mo sa akin? Nagsisinungaling?” pagtataray na mga tanong ni Charmaine sabay irap. Minsan talaga, hindi maiwasan nitong mainis sa kaibigan dahil medyo tanga. Napanguso naman si Eva. “Pasensya ka naman, Sister! Nagulat lang talaga ako,” maarteng wika niya. “Anyway, ano ng itsura niya ngayon? Mas gumwapo ba? Mas naging katakam-takam-” “Tumigil ka nga sa kalandian mo diyan Eva!” naiiritang singhal kaagad ni Charmaine sa kaibigan. Nangiti naman ng nakakaloko si Ev