“Daddy! Let’s go to the park!” pag-aaya na ni Winter sabay hila sa kamay ni Thunder. Gustong-gusto na nitong lumabas ng bahay at pumunta sa park. Day-off niya ngayon kaya naman may time na siya para sa anak. Tiningnan ni Thunder si Winter. “Sandali na lang. May hinihintay pa tayo na sasama sa atin,” wika niya saka ningitian ang anak. Nakatayo sila sa labas ng gate ng bahay nila. Kumunot ang noo ni Winter. “Sino, Daddy?” nagtatakang tanong niya. Makikita sa kanyang inosenteng mukha ang labis na pagtataka. Ningitian ni Thunder si Winter. “You will know him in a while kaya konting hintay na lang,” aniya. Umiwas siya ng tingin kay Winter saka tumingin sa wrist watch na suot niya. ‘Nasaan ka na ba kasi? Nine-thurty ang calltime pero nine-fifty na wala ka pa rin,’ may pagkainip na wika niya p