Nagpaikot-ikot si Johan sa kanilang silid at tila hindi niya alam ang una niyang gagawin, kung paano ba niya puputulin ang ugnayan nilang dalawa ni Eunice. Dahil sa huling pagtatalo nilang dalawa ng kanyang asawa ay doon siya nakapag-isip-isip na hindi nga tama ang pinaggagawa niya kaya napasabunot siya dahil sa labis na frustration at ngayon nag-iisip siya kung paano niya ba sosolusyonan ang problemang pinasok niya hangga't kaya pang agapan. "Gising ka na pala, how's your sleep?" bungad na tanong ni Chestine na kagagaling lang sa pag-sa-shower suot pa bathrobe. Napalingon naman bigla si Johan nang marinig niya ang boses ng asawa kaya iwinaksi niya na muna ang pag-iisip. "Maayos, nakatulog naman," kiming sagot ni Johan. "Did you talk to her?" tanong ni Chestine na nagpabalik sa isipi