Sinamantala ni Chestine na wala sina Johan Jonas sa rest house dahil kasalukuyan nasa beach ang mag-ama kasama si Kayden kaya naman ipinatawag niya agad si Eunice sa silid nila ni Johan upang pribado niya itong maka-usap nang sila lang dalawa. "Tanda mo pa ba 'yung rules na sinabi ko sa 'yo? Yung don't break my trust and don't be a threat?" may pagpapaalang tanong ni Chestine kay Eunice habang may hawak siyang wine glass. "Y-Yes Ma'am, natatandaan ko po," sagot ni Eunice na tila kinakabahan. "Then, why did you break my two rules?" seryosong tanong ni Chestine. "Po?" maangmaangang reaksyon ni Eunice. "You are now playing the dumb card," sabi ni Chestine sa blangko niyang eskpresyon. "Hindi ko po kayo maintindihan Ma'am," kunwari ay naguguluhang sabi ni Eunice. "May ilang araw ka na n