Pagka-pasok ni Chestine sa loob ng silid ni Jonas ay saktong kalalabas lang nina Johan at Eunice mula sa banyo at kasalukuyan na nilang inaayos ang mga gamit ni Jonas na parang walang nangyari. Nag-angat naman ng tingin sina Johan at Eunice nang marinig nila ang pagbukas ng pinto ng silid at bumungad sa kanila si Chestine na malawak ang pagkakangiti. "Love! Nandiyan ka na pala! Tapos ka na bang magluto? Nakangiting tanong ni Johan ngunit may lihim na kaba. Hindi napansin ni Chestine ang tila kabadong boses ni Johan at naglakad ito papalapit sa kanila kaya pahapyaw niyang sinulyapan si Eunice na hindi makatingin ng diretso kay Chestine. "Si Mama nasa kwarto niya si Kayden naman pinasasabi niya gusto ka raw niya makausap. Hinihintay ka niya ngayon sa labas," sagot ni Chestine ngunit nap