"Let's end this," walang emosyong sabi ni Johan na ikinagulat ni Eunice at hindi ito makapaniwalang tiningnan siya. "B-But Why? Matapos ng lahat ng nangyari sa 'tin pababayaan mo na lang ako ng ganu'n na lang?" may hinanakit na tanong ni Eunice pero hindi ito pinansin ni Johan. "I realized that this is wrong. Hindi ko maatim na ipagpatuloy ang pagtataksil ko sa asawa ko," sagot ni Johan na siyang ayaw paniwalaan ni Eunice. Ilang araw pa lang silang magkarelasyon ay iiwan na siya nito agad samantalang nangako pa nga ito na hindi siya nito pababayaan at siya ang bahala sa kanya. "Ganu'n na lang kadali sa 'yo? Paano naman ako?" tanong ni Eunice na may hinanakit sa boses. "I'm sorry, Eunice, pero ginamit lang kita," pag-amin ni Johan na tila naging isang patalim na sumaksak sa puso ni Eun