Vince
Kanina lamang ay hindi ako magkanda ugaga sa pag-iisip ng paraan para hindi ito makaalis sa puder ko.
Nang makita ko ang cctv ay inaasahan ko na ang magiging reaksyon nito.
Alam ko na mas gusgustuhin nitong umalis at bumalik sa mansyon.
I was just surprised when I felt a pinch inside my chest.
Ni hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng pamimigat ng dibdib at ang tila pinong kurot na iyon sa puso ko.
I was also alarmed when I heard her talking with tiya Salve.
Her strong desire to leave my penthouse and go back to the mansion.
Nakakatawa man at alam kong parang katangahan ay isang desperadong hakbang ang nagawa ko.
Kahit pa nga sabihin na unang araw pa lamang nya at halos wala pa nga siyang nagiging trabaho ay agad akong pumirma ng cheque.
At hindi lang 'yon, mas mataas na suweldo rin ang binigay ko rito.
Kung tutuusin ay 25k lamang ang pinapasahod ko sa dati kong maid.
Ngunit dahil sa pagka desperado ay dinoble ko ang sahod nito.
Isa pa, narinig kong nag me-maintenance ng gamot ang nanay nito at siya rin ang umaako sa pagpapa-aral ng mga kapatid nito.
Napakaliit na bagay lang naman ang 50k sa akin kung tutuusin.
Sinasamantala ko ba ang pagkakataon na nangangailangan ito ng pera?
Gano'n ba ang ginagawa ko para lamang hindi ito makaalis sa akin?
Shit! Ano ba 'tong mga pinag gagawa ko.
Sa ikling panahon pa lamang ay nagawa na nitong baliwin ako sa paraang halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko.
Damn men.
Napansin ko nang matulala ito sa akin habang iniaabot ko ang sobre rito.
Nakita ko ang bahagyang pag aalangan sa kanyang mga mata.
Naalarma ako at baka bigla pa itong tumanggi.
Kaya naman hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon.
Bago pa siya makatanggi sa akin ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay at inilagay sa palad nya ang sobre na naglalaman ng cheque.
Agad akong nagpaalam at nagkakanda kumahog akong nagtungo sa aking silid.
Nakahinga lamang ako ng maluwag pagkasara ko sa pintuan ng silid ko.
Agad akong nagderitso sa shower room.
Matagal tagal rin akong nanatili roon.
Nakatingala, habang dinadama ang buhos ng malamig na tubig sa aking katawan.
Ni hindi ko lubos maisip na makikita ang sarili ko na ganito ka desperado para lamang sa isang babae.
And she's my f*****g maid for pete sake.
Kadarating pa lamang nito sa penthouse ko at ilang sandali pa lamang ang nakakaraan na nakasama ko ito pero pakiramdam ko ay marami na itong nabago sa akin.
Pakiramdam ko ay masyado nang maraming nangyari sa araw na ito sa pagdating pa nga lang nya.
Ano pa kaya ang magagawa nito sa buhay ko kapag nagtagal ito sa akin?
At ang tanong, handa ba akong mabago ang mga nakasanayan ko?
Handa ba akong baguhin ng isang babae?
Oh men, masakit sa balls ito!
Pagka bihis ay agad kong dinampot ang cellphone ko para e-dial ang numero ni Kiel.
Pero naka ilang dial na ako ay hindi pa rin nito sinasagot.
'Yong putang*nang 'yon, nakapag asawa lang halos ayaw ng paistorbo at laging naka buntot sa asawa ang gagu.
Medyo madalang din sa ngayon itong magsasama sa amin dahil kakapanganak pa lamang ng asawa nito.
Si Matthew kaya?
Pero tulad ni Althea ay kakapanganak lang din ni Alexie.
Pero sumubok pa rin akong tawagan ito.
Pangalawang ring ay kinansel nito ang tawag ko.
Ang mga putang*na, may sari sarili nang mundo!
Napatingin ako sa screen ng cellphone.
Muli kong e-denial ang numero nito...
Tatlong ring ay sumagot na ito.
"Putang*na mo! Ano bang problema mo? Pag nagising talaga ang mag ina ko lagot ka sa 'kin!" ang agad na pagbabanta nitong bungad sa akin.
I heard him tsk in annoyance.
Napangisi ako.
"Ang aga aga pa e. Tulog na?" ang mangha kong tanong.
Narinig ko ang paghinga nito ng malalim.
"Laging puyat at pagod ang asawa ko dahil sa maliit namin na laging gising sa gabi." ang kontroladong boses nitong sabi sa 'kin.
Hindi ko mapigilang matawa ng mahina.
"Yong anak mo ba talaga pumupuyat sa asawa mo o, ikaw?" ang nakangisi kong tanong.
Narinig ko ang malutong na pagmumura nito.
"Putang*na mo! Kung ano man 'yang sasabihin mo sabihin mo na ngayon nang makabalik na ako sa mag ina ko." ang iritado nitong sabi na lalo kong kinatawa..
Tumikhim ako bago inumpisahang ikuwento sa kanya ang mga nangyari.
"Binigay ba talaga ng mommy mo o, pinilit mong kinuha sa mansyon nyo?" ang puno ng panghihinala ang tono nitong tanong.
Natigilan ako ngunit agad rin nakabawi.
"Gagu, binigay nga ni mommy! Parang tanga to." ang nasagot ko na lang.
Pero mukhang ako ang maiirita ngayon sa klase ng tawang naririnig ko mula rito sa kabilang linya.
"Binigay ni mommy mong mukha mo!" anito saka tumawa ulit.
"Bakit mo dyan pinatira?" ang pang huhuli pa rin nitong tanong.
Paulit ulit ko itong minumura sa isip ko dahil parang ayaw akong tantanan sa mga mapanghinala nitong tanong.
Pero s'yempre hindi ko talaga aaminin ang totoo.
Alam ko kasing hindi ako tatantanan ng mga gago pag nalaman nilang lahat ang kinababaliwan ko ngayon.
"Nakiusap kase si mommy dahil malapit dito 'yong school na papasukan nya," ang nawawalan ko ng pasensyang sagot.
Ako naman ngayon ang nakakaramdam ng iritasyon dahil imbes na makarinig ako ng mga advices mula rito tulad ng hinihingi ko sa kanya nang tanungin ko ito kung ano ang magandang kong gawin para hindi mailang sa akin si Via.
Para hindi na nito maisipang umalis sa puder ko e, heto ang gagu at kung ano ano ang tinatanong pa sa akin at pinag tatawanan pa ako.
"Tang ina mo! may masasabi ka bang solusyon o tatawanan mo na lang ako?" ang asar ko ng tanong sa kanya.
Dinig kong napa buga ulit ito ng tawa, pero kalauna'y tumigil na rin ito at tumikhim.
Narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim bago nagsalita.
"Kumilos ka kase ng normal. Baka naman kase para kang sira ulong manyakis na laging nakatitig sa kanya? Malamang hindi siya magiging komportable nun. Iwasan mo siyang titigan palagi na parang naglalaway na asong ulol!" gusto ko sanang murahin ulit ito pero nagpigil ako at mataman na lamang nakinig sa kanya.
Parang ang hirap yatang gawin ng mga sinasabi nito.
Dahil ang mga mata ko ay tila may sariling isip at ang gusto lamang nito ay titigan si Via lalo na pag nasa paligid lamang ito.
"Kung gusto mong makuha ang loob nya. At maging panatag ang pagtira nya sa puder mo. Make her feel secured, na tipong ligtas siya talaga sa puder mo.Hindi 'yong pinaparamdam mong ikaw pa 'yong sasakmal at lalapa sa kanya!"
Napabuntong hininga ako, pero wala rin sa loob na napatango tango na akala mo'y nasa harapan ko lamang siya.
"Kaibiganin mo siya pero hayaan mong ituring ka nyang employer at ituring mo rin siya bilang employee para hindi siya mailang. Makipag communicate ka sa kanya sa paraang magaan lang. Make a joke sometimes or paminsan minsan tanungin mo siya ng tungkol sa buhay nya pero iwasan mong makipag usap sa kanya na para bang may ibang kahulugan palagi ang mga sinasabi mo.Iwasan mo rin siyang titigan ng matiim. Hindi 'yan magiging komportable kung panay titig mo." ang mahaba nitong pangangaral sa akin.
Buntong hininga lamang ang tanging naisasagot ko sa mga sinabi nito.
"S'yempre para sa kanya nandyan siya para magtrabaho. Para sa kanya amo ka nya at maid mo siya. So sa ngayon hayaan mong ganun muna ang mamagitan sa inyo hanggang sa mapanatag ang loob nya." ang dagdag pa nito.
"Sa tingin mo uubra 'yan?" ang wala sa loob kong tanong kahit pa nga wala rin naman akong choice kun 'di sundin ang mga suhisyon nito.
Pero may punto rin naman lahat ng sinabi nya.
"Uubra 'yan ako pa. Kung ayaw umubra, at gusto mo talaga siya e, 'di gapangin mo na!" ang natatawang sabi ng gagu.
"Tang ina mo! Puro ka kagaguhan!"
"Curious na talaga ako dyan sa maid mo.
Siguradong maganda 'yan kesa sa mga modelo mo. Pinatira mo sa penthouse mo e."
Puno ng kuryosidad ang tono nito.
"Segi na gagu baka hinahanap ka na ni Alexie." ang agad kong sabi.
Hindi ko na hinintay pang sumagot ito at agad ko nang pinatayan ng linya.
AMBER VIA
Matapos ang ilang sandali na pagkatulala ay agad akong kumilos, isinuksok ko muna ang sobre sa aking bulsa at agad na naghanda ng mailuluto.
Huminga ako ng malalim at ipinilig ang ulo.
I have to clear my mind para makapagtrabaho ako ng maayos.
Unang araw ko pa naman, kailangan hindi ako magkamali at e-focus ko lamang ang buong atensyon sa pagtratrabaho.
Lalo na ngayon, magluluto na ako ng hapunan nito.
Mabuti na lamang at nasabi sa akin ni tita Salve ang mga paborito mga ulam at ibang pagkain ni sir Vince.
Ipinaghanda ko ngayon ito ng beef apritada para sa kanyang hapunan.
Tapos ko nang maihanda ang mesa ay hindi pa rin ito nababa kaya alanganin man ay pinuntahan ko na ito sa kanyang silid para tawagin.
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya kinatok ng tatlong beses.
Ilang sandali akong nanatili sa harapan ng kanyang pintuan bago nya ako pinagbuksan.
His scent immediately assaulted my nose just after he opened his door.
His hair was wet, he's wearing gray loosy pants and white sando.
Maaliwalas at preskong preko siyang tingnan sa kanyang ayos bukod sa bagong paligo talaga ito.
Napalunok ako nang mapatingin ang makasalanan kong mga mata sa malapad nyang dibdib.
Ngunit bigla akong parang natauhan at agad na nag init ang magkabila kong pisngi nang makita ko siyang tigtig na tigtig sa akin habang kagat ang ibabang labi.
He looked so amused.
Heto na naman ang dibdib ko.
Kinakabahan nanaman ako.
Lihim kong namura ang isip dahil pakiramdam ko pag ibinuka ko ang bibig at magsalita ako ay mauutal na naman ako.
Huminga ako ng malalim pero mukha yatang naging obvious 'yon sa kanya.
Nakita ko ang mesteryosong pigil na ngiti sa kanyang labi.
I collected all the strength I have just to open my mouth to talk.
Nagtagumpay naman ako pero pakiramdam ko, medyo nanginig pa yata ng kaunti ang boses ko.
Shit! Hindi pweding ganito na lang ako araw araw paano ako makapagtrabaho nito ng maayos kung apektadong apektado ako ng presensya nito?
"Sir nakahanda na po ang hapunan nyo."
"Okay. Sabay na tayong kumain." ang simple nitong sabi.
Nauuna itong naglakad pero hindi ako nito nilingon ng sabihin iyon at lihim kong ipinagpasalamat iyon dahil hindi nito natunghayan ang pagkabigla at pagkataranta sa mukha ko.
So, magsasabay kaming kakain?
Ayaw ko nga!
Pakiramdam ko hindi ako makakain kung kasabay ko siya.
Nataranta ako nang yayain na nya akong maupo sa haparan ng mesa.
"Sir, mamaya na lang po kaya ako kumain? Pagkatapos nyo na lang po." ang magalang kong tanggi.
Natigilan siya at tiningnan ako.
"A-ayaw kong kumain ng mag isa." Sa sinabi nyang iyon I wondered if his former maid also eating together with him.
Dahil sa kwento ni tita Salve, maagang umaalis si sir Vince sa umaga at gabing gabi na rin kung umuwi.
Madalas pa nga raw ay dumeritso ito sa pag aari nitong disco bar.
Balita ko ay ilang bar ang pag-aari nito at doon inaabala madalas ang gabi nito.
Hindi nakakapagtakang napasali ito sa listahan ng mga batang Bilyonaryo dahil sa edad nitong 34 ay marami na itong sariling negosyo bukod pa sa mga negosyo ng pamilya nito.
Wala na akong nagawa pa kun 'di kumuha ng sariling plato at maupo na rin sa tapat nya.
"Lets eat!" ang masayang sabi nito.
Pero bago pa nito madampot nag serving spoon ay agad ko itong tinanong.
"Sir hindi pa po ba tayo magdarasal?" ang nahihiya kong tanong, nakita ko naman na napamaang ito sa aking sinabi.
"Okey." ang mahina nitong sagot kaya agad na akong nag sign of cross at ipinikit ang aking mga mata at umusal ng maikling panalangin at pasasalamat para bindisyonan ang nakahaing pagkain.
Pag mulat ng aking mga mata ay naabutan ko pa ang pag sign of cross din nya na para bang sumabay rin ito sa pag usal ng panalangin.
Napangiti ako ng masigla itong sumandok ng kanin, ipinagsandok nga rin ako nito e.
Ngunit nakakapagtakang nakatuon ang buong pansin nito at madalang na akong titigan.
Na siya naman pinagpasalamat ko dahil para bang naging magaan at naging natural lamang ang mga sandaling namamagitan sa amin sa hapag.
Panay papuri nito sa luto ko ngunit papuring hindi ako binigyan ng pagkailang, kun 'di ng kaluwagan sa dibdib.
Kaya rin naman pala nyang umakto ng tila natural lamang ang lahat.
Kaya rin pala nyang tumingin sa akin sa natural na pamamaraan, 'yong walang halong ibang kahulugan na siyang nagbibigay ng kaba sa dibdib ko.
**
Nang sumunod na araw ay may dumating kaming mga bisita.
Namangha pa ako nang makita ko ang mga kaibigan nitong tanging sa mga magazine ko lamang nakikita.
Malalawak ang mga ngiti nilang isa isang bumati sa akin.
Apat lamang sila at nakaramdam ako ng panghihinayang nang hindi ko makita ang isa sa kanila si sir Noah.
Hindi sila kompleto.
Nakaramdam ako ng kaunting panghihinayang.
Makikita ko rin siguro silang kompleto sa ibang pagkakataon.
Nagtaka ako ng makita ko ang amo kong salubong ang makakapal nitong kilay pagkakita sa mga kaibigan nya.
Parang hindi niya yata inaasahan ang pagdating ng mga kaibigan nito.
"What are you doin here fuckers?" nagulat ako sa salubong nitong tanong sa mga kaibigan.
So, hindi nga niya alam na darating ang mga ito.
Ano 'to, surprise visit?
Nakita kong puro mapang asar na ngisi lamang ang isinagot na mga ito.
Pinaghanda ko sila ng meryenda, hindi mapuknat ang tingin ko kay sir Kiel na siyang pinaka gusto ko sa kanilang lahat.
Dahil bukod sa asawa kase nito ang sikat na singer, guitarist na si Althea Olivarez ay gustong gusto ko ang personalidad nito.
Sa totoo lang ay gwapo naman silang lahat, kung itsura ang pag uusapan.
Wala kang itulak kabigin sa kanilang anim.
Si sir Matthew nga ay napangasawa rin nito ang sikat na international model, artist na si Alexie Balbuena.
Nasa high school ako noon nang una kong makita ang magkakaibigan sa isang magazine.
Si Matthew noon ang pinaka gusto ko ngunit nakaka dismaya na nali-link ito sa iba't ibang babae.
Kilala ito bilang numero unong babaero. Nakakatuwa nga lang na ngayon ay may asawa na ito at mukhang naging matured na rin.
Si Uno na anak ng senador ay gano'n rin. Nuknukan ng pagkababaero, may mga lumabas pang scandal videos nito noon.
Si sir Uno, Vince at Matthew ay pare-pareho ng aura, aura ng pagiging babaero.
Si sir Noah, Carl at Kiel naman ay parang husband material ang dating sa akin.
Lalo na si Sir Kiel, ewan ko ba pero talagang sa kanya ako nagwagwapuhan ng sobra sa kanilang anim.
Siguro dahil sa nakita kong mga recent pictures nito kasama ang asawa at ang bagong kapapanganak pa lamang na kambal.
Tatay na tatay talaga ang dating nito sa paningin ko.
A very husband material...
Kambal din ang anak ko.
How I wish na naranasan sana ng mga anak ko ang magkaroon ng ama.
Pero alam kong malabo na naman mangyari yon.
At kung mangyari man, hindi ako nakakasiguro kung tulad ng step dad ko ay matatanggap ng magiging asawa ko ang mga anak ko.
Naipilig ko ang ulo at niwagwag ang mga ideyang bigla na lang pumapasok sa utak ko.
Bakit biglang bigla ay pumapasok sa isip ko na posible pa akong makapag asawa, gayong pinangako ko na noon pang ipagbuntis ko ang aking mga anak na hindi na ako magmamahal pa.
Hindi na ako mag aasawa pa. Na tanging sa mga anak ko na lamang gugulin ang buong atensyon at pagmamahal ko habang buhay.
Buti na lang pala at nag baked ako ng cheese cake at inilagay sa ref kanina, tamang tama sa pagdating ng mga bisita namin.
Naghanda ako ng malamig na inumin at slices ng cake sa limang saucer plate.
"Sayang naman po at wala si sir Noah no." ang wala sa loob kong nasambit sa kanila habang isa isang iniaabot ang saucer na may slice ng cake sa kanila.
"Kilala mo si Noah?" ang manghang tanong ni sir Uno.
"Naku, sir Uno, kilala ko ho kayong lahat. Nasa high school po yata ako nun or unang taon sa kolehiyo nang unang makita ko po kayo sa magazine." ang nakangiting kwento ko.
"Talaga?" ang namamangha pa rin nitong tanong na sinagot ko ng sunod sunod na tango.
Sasalinan ko na sana isa isa ang mga baso nila ng malamig na orange juice nang sawayin ako ni sir Vince.
"Hoy mga gagu, may mga kamay kayo kaya pagsilbihan nyo ang mga sarili nyo." ang himig inis nitong sabi na kinangiwi ko.
"Sa aming anim sino ang pinaka gusto mo? Sino ang pinaka pogi?" Sir Uno playfully asked me again.
Nakita kong nakamata silang lahat sa akin na kinakaba ko.
Na tense ako bigla at parang may bumara sa lalamunan ko kaya napainom ako kaunti sa baso ng juice na hawak ko.
"Hindi naman ako mawawalan ng trabaho 'di ba? Tutal matagal na 'yon."
Sinulyapan ko pa si sir Vince na nakatingin sa hinihiwa nitong cake.
Natawa naman sila ng mahina.
"Kapag tinanggal ka ni Vince e, 'di eha-hire kita." ang natatawang ani sir Uno ulit.
Nakita kong nag-angat ng tingin si Sir Vince at tinapunan ng masamang tingin si sir Uno kaya lalo akong kinabahan.
"Sino ba?" ang nakangiting tanong ni sir Carl.
Napatingin ako kay sir Kiel...
"Si sir K-Kiel po." ang nahihiya kong sagot.
Kasunod ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
Napabuka naman ng labi si sir Kiel and then, napakamot sa batok.
"Bakit 'tong weirdong to ang nagustuhan mo?" ang manghang tanong muli ni sir Uno.
Mahina akong natawa sa kanila.
"Husband material kase 'yong awra ni sir Kiel. Tapos ikaw, si sir Matthew at sir Vince pang babaero ang aura nyo e." kita kong hindi naman sila na offend sa sinabi ko natawa pa nga si sir Carl at sir Kiel sa sagot ko.
Samantalang narinig kong napasipol si sir Matthew.
At huling huli ko nang tila sinulyapan nito si sir Vince ng makahulugan.
Napalunok ako nang makita kong naging seryoso ang mukha ng amo ko at parang pinanggigilan na nito ang cake sa klase ng paghiwa nito masyadong madiin kaya gumigitgit sa platito ang tunog ng tinidor nito gayong malambot naman ang cheese cake na gawa ko.