Chapter 9 "Honey!" masayang Sam ang pumasok sa loob ng kanilang tahanan. "Oh? Bakit parang ang putla ng mukha mo?" biglang nag-alala si Sam sa asawa. "Kumain ka na ba? May dala akong pagkain oh?" tinignan niya ang pagkain, alam niyang hindi ito galing sa karinderya, alam niyang galing ito sa babae niya. Galing ito kay Melody. "Busog ako," walang ganang sagot ni Alex. "Okay, uhm pumunta ka raw ng office bakit?" "Nakalimutan mo kasi iyong folder na report mo, dinala ko siya sa opisina ni Melody," "Huh?" tila parang naligo sa malamig na tubig si Sam at nanlaki ang mga mata sa narinig sa kabiyak. "Pumunta ka sa opisina ni Melody?" "Oo, kaso walang tao e. kaya iniwan ko na lang sa desk nito," do'n na siya nakahinga sa sunod na sinabi nito. Napansin naman ni Alex ang pagkabalisa ng kan