Chapter 7 "Anong balak mo?" magkasam sina Klyde at Jervis sa bar ni Klyde. Pinag-uusapan nila ang biglang pag-urong ni Sam sa kanilang usapan. "Pipilitin ko parin si Sam," "Jerv, alam ko ang iniisip mo. Jusko, tapos na ang chapter niyo ni Alex, that was long time ago!" "Klyde! Walang natapos, kasi wala closure na naganap!" inis na sabi ni Jervis sa kaibigan. "Kilala kita, alam kong hindi closure ang kailangan mo." "Trust me, kaibigan ko si Sam at ayaw kong masaktan ni isa sa mga kaibigan ko." "Bahala ka," Klyde left him behind. At napag-isa na lang si Jervis. Sa totoo lang marami ang gumugulo sa isip niya simula no'ng muli niyang nakita si Alex. Ang daming mga magagandang ala-ala ang bumalik, iyong mga panahon na wala siyang iniisip kundi siya lamang at wala ng iba. Kinain niya an