Chapter 11 "A-anong ginagawa mo dito?" isasara na sana ulit Alex ang gate ng biglang lumapit si Sam at sinabing siya ang nagpapunta rito. Tinitigan ng masama ni Jervis si Sam, alam kasi nito na hindi parin naalis ang inis nito rito. Pinapasok nito ang bisita sa loob ng bahay at muli nilang pinag-usapan ang tungkol sa kontrata, this time walang dalawang isip na pinirmahan ni Sam ang kontrata, habang tila nagdadalawang isip parin si Alex. "Akala ko ba..." hindi na pinatapos pa ni Alex si Sam sa sasabihin kaagad na niyang kinuha ang papel at pinirmahan ito. Hindi naman naiwasang hindi tignan ni Jervis si Alex na tila parang may malalim na iniisip. Pagkatapos pirmahan ni Alex ay kontrata ay bigla itong nagpaalam na may tatapusin pa sa loob ng kwarto nilang mag-asawa, at umalis na nang minut