CHAPTER 02
ZIANNA EMPRESS’s POV
Papasok pa lang ang kotse ko sa mataas na gate ng bahay ni Dad ay hindi ko na maiwasan na mapatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. I used to lived here before but after my mom died, mas pinili ko na lang na bumukod at mas asikasuhin ang nagsisimula ko pa lang na business noon. Matagal-tagal na rin simula nu'ng huling uwi ko dito sa bahay, if I’m not mistaken, siguro mga pito o walong buwan na rin. Hindi naman kasi talaga kami close ni Dad dahil kadalasan ay wala siya sa bahay o minsan nag iibang bansa rin siya para asikasuhin ang kaniyang kompanya nu'ng bata pa ako, kaya si Mom o ang mga katulong talaga namin ang kasama ko habang lumalaki. Simula bata pa lang, alam ko na agad that I have a silver spoon at my mouth... mukhang hindi pa nga silver spoon kundi gold spoon dahil talagang mayaman ang pamilya ko.
My Dad owns the Empress Empire, iba’t-ibang uri ng business ang nakapaloob sa empire niya. May clothing business, food business, trading at kung ano-ano pa. Pero kahit na may pangalan na kami sa industriya, mas pinili ko pa rin na gumawa ng sarili kong pangalan, tutal ayoko na rin na makiagaw pa sa kuya ko lalo na at siya ang nagha-handle ng Empress Empire. Yes, I have an older brother... siya si Yilmaz Empress. Dalawa lang kami at tatlong taon ang pagitan namin sa isa’t-isa, hindi kami sobrang magkasundo dahil siya kasi yung tipo ng tao na laging seryoso sa lahat ng bagay. Competitive siya at kitang-kita ko naman 'yun dahil sa halos ilang taon na pagiging CFO niya sa Empress Empire ay talagang hindi nagpapahuli ang kompanya ni Dad, kung meron man akong isang bagay na hindi gusto kay kuya, siguro ‘yun ay yung pagkakaroon niya ng bisyo tulad na lang nang pagiging adik niya sa sugal, pero wala na akong masasabi pa tungkol doon dahil as long as na pera naman niya ang ginagamit niya ay mukhang wala na akong karapatan na mangialam pa doon. At saka wala pa rin naman siyang asawa kaya naman malaya siyang gawin ang mga gusto niya sa buhay niya.
Maya-maya pa ay pinagbuksan na ako ng pinto ni Manong Dino kaya tuluyan na rin akong bumaba.
“Ma’am, dito po ba kayo matutulog sa bahay ni Don Herbert?”Tanong ni Manong. Hinarap ko naman siya at saka ako sumagot.
“No Manong, uuwi ako. Mabilis lang ‘to.”Sagot ko sa kaniya at tumango na lang siya bilang sagot niya saka doon na ako pumasok sa loob ng bahay. Actually, hindi na bahay ang tawag dito sa bahay ni Dad, mansyon na ‘to— ‘yun ang laging sinasabi ng mga kaibigan ko noong college, madalas kasi na nago-over night kami dito sa bahay.
I have lots of girl friends, may mga sarili silang pinagkakaabalahan sa buhay tulad ko kaya madalang kaming magkita-kita. Pero lahat naman kami ay mga single pa kaya no pressure.
“Ay senyorita, nandito na po pala kayo. Ako na po ang magdadala ng bag niyo.”Agad na salubong sa akin ni Manang Fina, ang mayordoma dito sa bahay ni Dad. Simula ng bata pa ako hanggang ngayon ay siya na talaga ang katiwala dito sa bahay, matagal na siyang naninilbihan dito kaya naman halata na rin ang katandaan sa mukha niya. Masarap siyang magluto kaya lang madalang niyang gawin ‘yun dahil may sariling professional chef ang mansyon na ‘to.
Mabilis ko naman na inabot sa kaniya ang bag ko saka ngumiti.
“Thanks Manang.”Simpleng sagot ko. Sinadya ko muna na putulin ang mga salita ko para batuhan nang tingin ang dining area na abot-tanaw lang kung nasaan ako ngayon at nakita ko na wala pa doon si Dad o si kuya pero may ilang mga pagkain na ang nakahain doon kaya naman muli kong ibinalik ang tingin ko kay Manang saka nagsalita. “Nasaan po si Dad?”
“Bababa na rin ang Dad mo kaya mauna ka na doon sa lamesa, nasa kusina lang ang kuya mo at lalabas na rin ‘yun.”Nakangiting wika ni Manang. Simpleng pagtango na lang ang sinagot ko bago ako tuluyang naglakad na papunta sa dining area.
Nang aktong uupo na sana ako sa may kanang parte ng lamesa kung saan medyo malayo sa kabisera kung saan uupo si Dad mamaya ay saktong kalalabas pa lang ni kuya sa kusina. Hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo dahil napansin ko na pormal ang suot niyang damit ngayon kahit na nasa bahay lang siya at gabi na. Nakasuot kasi siya nang white polo at sa ibabaw noon ay ang itim niyang suit na nakabukas ang butones. Nakasuot din siya mamahaling relo pati na rin ang salamin niya, pormal na pormal at halatang may mataas siyang pinag-aralan. Pero hindi ko na lang pinansin ‘yun dahil naisip ko na baka kakauwi niya lang din galing sa trabaho.
“Hi kuya.”Simpleng pagbati ko sa kaniya nang magkasalubong ang mga mata namin nang lumabas siya sa may kusina. Naglakad naman siya papalapit dito sa may lamesa sa may kaliwang bahagi sa may gitna dahil doon talaga ang puwesto niya.
“Buti naman at nakarating ka.”Walang emosyon na wika niya pero hindi siya nakatingin sa akin dahil abala na siya sa pag upo sa bangko.
Dahan-dahan na rin naman akong umupo saka nagsalita para sumagot sa kaniya.
“Dad insisted,”simpleng sagot ko, akala ko ay magsasalita pa siya pero hindi na lang siya umimik kaya gano'n na lang din ang ginawa ko. Kagaya nang sinabi ko, hindi naman kami gano’n ka-close saka ito na talaga ang normal na pag-uusap naming dalawa.
.
.
“Pinatawag ko kayong dalawa dahil may mahalaga akong sasabihin.”Agad na wika ni Dad nang makaupo na siya sa kabisera ng lamesa. Hindi ko magawang galawin ang pagkain na nasa harapan ko na hinain ng mga katulong dito sa bahay dahil nagsimula na si Dad na magsalita. Si kuya naman ay mukhang wala talagang pakialam sa pagkain dahil seryoso lang siya ngayon na nakatingin kay Dad.
“You know that I am old and I need to give myself enough rest or let say enjoyment for the rest of my time here on earth. Kaya naman nagpasya na ako na sabihin sa inyo na nakausap ko na ang abogado ko para ipaalam sa kaniya ang naging desisyon ko kung kanino ko ipapamana ang buong Empress Empire.”May pagkapormal na dagdag na saad pa ni Dad kaya hindi ko mapigilan na mapakunot ng noo. Hindi ko alam na tungkol pala doon ang mangyayaring dinner na ‘to, or let say, family meeting.
Hindi ko alam kung ano ba ang magiging ambag ko dito lalo na at alam ko naman kung kanino mapupunta ang Empress Empire. Di ba kay kuya? At saka, hindi naman ako naghahabol sa kompaniya niya dahil may sarili akong kompanya na pinapatakbo pero kahit gano'n ay nanatili pa rin akong walang imik dito sa pinagkaka upuan ko at nakatingin kay Dad habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“And my decision is to entrust to you— Zianna, the Empress Empire.”