CHAPTER 03

1375 Words
CHAPTER 03 THIRD PERSON’s POV ”What?!”Agad na saad nang panganay na anak nang matandang lalaki nang marinig nito ang tungkol sa naging desisyon nito sa magmamana ng buong kompanya. Dahil doon kaya napatingin ang matanda at si Zianna kay Yilmaz. Hindi naman mapigilan ng binata na hindi itago ang hindi niya pagsang-ayon sa ama pati na rin ang pagtaas ng boses niya nang muli siyang magsalita. “Bakit si Zianna? I took all the resposibilities of the E Empire, I am the CFO, If anyone has the right to be CEO, it’s me Dad. How come Zianna is the one you chose?” Napaisip naman si Zianna sa sinabi ng kaniyang kapatid. May punto ito dahil kahit siya ay nagulat din nang sabihin ng kaniyang ama na siya ang magmamana ng buong kompanya lalo na at kahit kailan ay hindi man lang siya tumulong sa pagpapatakbo noon. At dahil doon kaya hinarap naman niya ang matanda at nagsalita. “Kuya is right Dad. He has all the rights to be the next CEO of Empress Empire. At saka, wala rin naman akong balak na—“ “I have the reason why I want you to take over the CEO position Zianna.”Agad na putol nang matandang lalaki sa sinasabi ng kaniyang babaeng anak habang diretso lang siya na nakatingin dito. Napatahimik naman si Zianna lalo na nang muling magsalita na ang kaniyang ama. “Yilmaz has a gambling issue.”At binatuhan naman nito ang kaniyang panganay na anak kung saan nagkasalubong ang mga mata nila. “Akala mo ba hindi ko malalaman na pinatalo mo lang ang limang milyong piso sa isang laro mo lang na dapat ay mapupunta sa mga branded na tela na kukunin ng kompanya sa isang bansa? I can’t believe that you do that Yilmaz!”Bakas ang pagka dismaya sa tono nang pananalita nito. Agad naman na napatingin si Zianna sa kapatid dahil hindi niya alam ang tungkol sa isyu na ‘yun. “But it happened once Dad, naibalik ko naman ‘yung pera di ba?”Panlalaban pa rin na sagot ni Yilmaz. “Once or twice, it doesn’t matter! The fact that you did it, merong posibilidad na magagawa mo pa rin 'yun in the future. Hindi lang isang kompanya ang tinutukoy ko dito Yilmaz, Empress Empire is a big company! A big RESPONSIBILITY! Once na bumagsak ang empire, babagsak ang lahat, kaya kung meron man na mas karapat-dapat na maging CEO... ang kapatid mo ‘yun.” Maawtoridad na wika nang matanda. “So please Zianna, just accept my offer.” Hindi naman maiwasan ni Zianna na mapatigil at mapaisip. Minsan lang kasi makiusap ang kaniyang ama at saka na-realized niya na tama ang sinabi nito... malaki ang Empress Empire kaya kung ang papalit na bagong pinuno nito ay inuubos lang ang pera sa wala, hindi malabong dumating ang panahon na bumagsak ‘yun. Hindi naman siya sa kompanya nag aalala kundi sa maraming tao na nagtatrabaho sa iba’t-ibang business na nakapaloob doon, nag aalala siya na baka nga dumating ang panahon na ‘yun at mawalan nang trabaho ang libo-libong empleyado na umaasa doon. At dahil sa mga naisip niya kaya naman unti-unti niya nang binatuhan nang tingin ang ama kung saan naghihintay na ito sa isasagot niya saka siya nagsalita. “Okay Dad, I accept your offer.”Sagot niya. Natuwa ang matanda sa kaniyang pag payag pero kabaligtaran naman 'yun nang nararamdaman ni Yilmaz. Kahit na taliwas pa rin siya sa naging desisyon ng kaniyang ama ay pinili na lang niya na manahimik at makinig sa sumunod pang naging pag uusap. . . “I’m sorry kuya, hindi ko naman tinanggap ang pagiging CEO dahil sa kapakanan ng kompanya kundi sa kapakanan ng mga tao na nagtatrabaho doon. Sana maintindihan mo ko.”Mahinang wika ni Zianna sa kaniyang kapatid habang kasalukuyan lang sila na nasa may garden ng bahay. Nakiusap kasi si Zianna sa kapatid na kung maaari ay makausap niya ito bago siya umuwi sa kaniyang bahay at pumayag naman si Yilmaz. “No, it’s fine. Dad is right... at mukhang tama naman ang pinili niya na papalit sa kaniya. I’m still the CFO, mukhang maiilang lang ako nang konti kapag nagsimula ka na rin na magtrabaho sa kompanya dahil-- my new boss, is my younger sibling.”Walang emosyon na wika ni Yilmaz. Napatawa naman si Zianna sa kaniyang narinig. “Ano ka ba naman kuya, actually baka ikaw rin ang lapitan ko dahil alam naman nating pareho na mas knowledgable ka when it comes to Empress Empire. By the way, sa Monday na ang mangyayaring meeting para mailipat na sa akin ang posisyon.” “Sa Monday?”Kunot-noo na tanong ni Yilmaz at sunod-sunod naman ang ginawang pagtango ni Zianna saka siya sumagot. “Yeah. Nag-resign na raw kasi si Dad as CEO kaya hindi pwedeng matagalan na walang nakaupo sa posisyon,”sagot ni Zianna. Hindi na lang umimik si Yilmaz dahil mas nadagdagan lang ang inis at galit na nararamdaman niya nang marinig niya ‘yun. Wala kasi siyang alam na nag-resign na pala ang ama sa pagiging CEO kahit na halos araw-araw naman silang magkasama sa kompanya. Naisip niya na mukhang plinano talaga nang matanda na 'wag ipaalam sa kaniya ang tungkol doon para wala na siyang magawa kapag nalaman niya na kay Zianna pala nito ipapamana ang buong Empire. . . “Anak, bakit naman ang aga mo dumalaw?”Tanong ng isang may katandaan na babae sa kaniyang anak na lalaki habang nakahiga siya sa hospital bed ng libreng ospital sa bayan nila. Ngumiti naman ang binata sa kaniyang ina bago siya umupo sa tabi ng kama nito. “Dinalhan po kita ng almusal Ma,”simpleng sagot niya kahit ang totoo ay hindi pa talaga siya natutulog sa buong magdamag dahil abala siya sa paghahanap ng pera para sa nalalapit na pagpapa-dialysis ng ina at para sa mga gamot na rin nito na kailangan niyang bilhin. Kahit libre kasi ang ospital na ‘yun ay sobrang mahal naman ng mga gamot na kakailanganin kaya ginagawa ng binata ang lahat. Siya nga pala si Rich Del Mundo, bente-syete taong gulang. Tall, dark, and handsome...ganyan siya ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kaniya. Kung biniyayaan man siya ng gwapong mukha, hindi naman siya biniyayaan nang masaganang buhay dahil mahirap lang sila kasama ang kaniyang nag-iisang kasama — ang kaniyang ina. Simple lang ang pamumuhay nila, mananahi ang kaniyang ina samantalang siya ay pa-extra extra nang trabaho kung saan-saan. Sakto naman sana ang kinikita nilang dalawa dahil iisang anak lang din naman siya at matagal nang sumakabilang-bahay ang kaniyang ama, ngunit nagkaroon nang sakit sa bato (kidney) ang kaniyang ina kaya kailangan niya itong ipagamot at ipa-dialysis kaya kailangan niya talaga nang maraming pera. Habang naglalakad siya palabas ng ospital matapos niyang mag paalam na sa kaniyang ina ay saktong tumunog ang cellphone niya kaya mabilis niya itong kinuha sa bulsa ng kaniyang suot na simpleng gray short. Nang makita niya sa caller ID ang pangalan ng kaniyang kaibigan na si Waldz ay sinagot niya ‘yun agad. Naalala niya kasi na pinakiusapan niya ito na hanapan siya ng trabaho kaya baka may balita na ito tungkol doon. “Hello, ano? May alam ka bang trabaho na pwede kong pasukan? Kailangang-kailangan ko na talaga ng pera eh. Malapit nang magpa-dialysis si Mama.” “Meron pre! Malaki ang bayad pare, higit pa sa inaakala mo. Kaya lang— kaya mo ba? O ang tanong, tatanggapin mo ba?”Sagot ng kaniyang kaibigan sa kabilang linya. “Pare, sa sobrang gipit ko ngayon... kahit ano, tatanggapin ko.”Sagot niya dahil para sa kaniyang ina ay handa siyang gawin ang lahat. “May kailangan ka lang na kidnappin na babae pare. Ilalayo mo lang siya dito sa siyudad sabi nu'ng boss ko tapos makukuha mo na yung—“ “Kidnappin? Gago! Hindi ako nakikipagbiruan Waldz!”Naiinis na sagot ni Rich. “Hindi ‘to joke Rich, kapalit nang malaking halaga... kailangan mong kidnappin yung babae na nag ngangalang Zianna Empress.” At doon na nga natigilan si Rich dahil mukhang seryoso nga ang kaniyang kaibigan sa kabilang linya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD