NAKASILIP si Amaya sa maliit na butas ng dingding at kuntento na siyang makita ang mga katribu niyang masayang nagdiriwang sa biyaya mula sa tubig at hangin. Katulad sa iba may sarili ring paniniwala ang tribu nila na mula sa pa sa panahon ng mga ninuno.
Maliwanag ang buwan at dagdagan pa ng mga apoy na siyang ginamit ng ama niya upang palamuti sa kanilang pamahiin. Natatanaw niya si Sara sumasayaw ito sa gitna at napakaganda nito. Nakasuot siya ng bahag pero wala siyang pantakip sa kanyang dibdib kaya sa tuwing umiindayog ang kanyang balakang ay sumasabay rin sa pagsayaw ang kanyang dibdib. Larawan ng isang birhen si Sara kung kaya’t ito ang nagbibigay aliw sa mga bisita sa pamamagitan ng kanyang pagsayaw.
Kinse anyos pa lang si Sara at dapat sa pag-edad nito ng dese sais kailangan ay mamulat na ito sa kamunduhan at makapagbigay ng mga supling sa kanilan tribu. Layunin ng kanilang pinuno na magpalaganap sila ng mga bata at ang pagkakaroon ng isang lalaking anak ay isang karangalan para sa kanilang tribu sapagkat ang mga lalaki ang siyang magsasalin’ lahi.
“Doktor, kung nais mong makahanap ng kapareha kahit na hindi ka namin kalahi ay pahihintulutan ko ngayong gabi. Pumili kayo sa mga nagagandahan naming dilag.”
Napamaang si Amaya sa malakas na tinig ng ama niya matapos ang pagsayaw ni Sara. Sinundan niya ang tingin ng ama niya saka niya lang napansin na naroon pala sa sulok ‘yong doktor at nanonood lang.
“Doktor, ito na lang ho si Sara ang aking anak. Siya ay malinis na babae at nawa’y ipagkaloob ng haring buwan, bibigyan ka niya ng maraming supling.”
Mas lalo pang idinikit ni Amaya ang kanyang mata sa maliit na butas kaya kitang-kita niya ang pagtayo ng doktor at si Sara ay hindi maalis-alis ang masayang ngiti. Hawak ni Mang Pepeng ang palad ni Sara at nilahad nito sa doktor na walang atubiling hinawakan ng dotor ang palad ni Sara.
Biglang nanikip ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Umalis ang dalawa at hindi na niya nasundan pa ang sumunod na nangyari dahil tinakpan niya ng palad ang butas ng dingding at saka siya tumalikod.
Yakap niya ang tuhod at magdamag na ininda ang mga pasa niyang nadagdagan pa kanina ng asawa.
*****
HILA-HILA ni Amaya ang sako na puno ng mga sirang kawayan mula pa sa batis. Gawa ito noong nagdaang bagyo kaya naputol ang mga kawayan at nabilad sa araw kaya puwede nang pangatong sa pagluluto.
“Amaya, hintay!”
Ang malakas na boses ni Sara. Natanaw niya ito kanina naliligo sa batis akala niya ay hindi siya mapapansin ng dalagita pero heto at tinawag pa siya.
Mabilis na tumakbo si Sara hawak ang sabonera at tabo. Napansin niya agad ang mabibilog nitong dibdib.
“Bakit hindi ka nagba-bra, Sara?” puna niya at napatingin si Sara sa sarili.
“Ikaw talaga Amaya napunta ka lang sa syudad ibang-iba kana. Dati pa naman hindi uso sa atin ang pantakip ‘diba? nagulat na lang ako marami ka nang nalalaman na kakaibang lenguwahe.”
“Kapag napunta ka sa Maynila malalaman mo na ang lahat na itinuturo ko sa iyo ay para rin sa kapakanan mo. Maiba ako, ano pala ang nangyari kagabi?”
“Ayos lang naman, Amaya. Alam mo ba nakipagkuwentohan sa akin si doktor kagabi. Napakabait niya, Amaya. Kung mararapatin ng haring tubig ikasal kami at dito na siya sa tribu natin titira. Magkakaroon na tayo ng magaling na mangagamot.” Humagikhik pa si Sara at tipid lang siyang ngumiti. Muli niyang hinila ang sako at sumabay sa kanyang paghakbang si Sara.
Pagkarating nila sa kubo ay naabutan niyang nagkakape sa payag ang ama niya habang mimasahe ito sa likod ng nanay niya.
“Hoy, Amaya, bakit hindi ka nagpapatingin sa mga pasa mo? paano ka mabubuntis kung mahina ang katawan mo?”
“Itay… si Eno po ang pagsabihan ninyong huwag akong bugbogin para makabuo siya. O baka siya itong may deperensya sa amin!” sagot niya. Dahilan para kumulo ag dugo ng ama niya at mabilis siyang nilapitan at agad na sinampal. Tumabingi ang mukha niya. Sasampalin pa sana siya nang may pumigil na kamay sa pulsohan ng ama niya.
“Huwag ninyong pinagbubuhatan ng kamay ang babae lalo na kung anak ninyo.”
Napaangat ng tingin si Amaya pero mas lalo siyang nahiya dahil ang doktor pala ‘yon.
“Wala kang alam sa pamamalakad ng tribu namin, doktor. Pero ito ay palalampasin ko dahil malaki ang naitulong mo sa amin. Pero sa susunod na kalabanin mo ako, itutuhog kita sa matulis na kawayan at leletsonin kita ng buhay!”
Pagbabanta ng ama niya at galit na umalis. Ang nanay niya naman ay agad na sumunod sa tatay niya. Tiningnan niya ang binata ni wala manlang itong reaksyon, hindi mo makikitaan ng takot. Bago pa nito mahuli na nakatitig siya agad siyang umiwas.
“Hi.”
Narinig niya ang pagbati ng doktor pero hindi niya ito pinansin. Nilagpasan niya ito at nilagay niya lang ang sako sa bakuran. Si Sara naman ay umuwi sa kubo nila para magbihis.
Pumasok siya sa loob ng kubo at isasara niya sana ang pinto pero mabilis ang paa ng doktor na naisingit sa pinto saka ito pumasok sa loob at mabilis nitong sinara at sumandal sa likod ng pintong gawa lang sa kawayan. Namilog ang kanyang mga mata sabayan pa ng sobrang kaba ng kanyang dibdib.
“Kumusta kana? hinahanap kita kahapon hanggang kagabi kaya hindi ako sumama sa team ko pauwi dahil nag-aalala ako sa ‘yo. Pero bakit hindi ka lumalabas?”
“A—Ano po ang ginagawa n’yo rito sa loob, doktor?”
“Gusto lang kitang kumustahin. Hindi ka na lumabas mula kahapon kumusta ang mga pasa mo? bakit parang mas lalong dumami?”
“Doktor, umalis na po kayo. Kapag naabutan kayo ng asawa ko baka—”
“Just calm down, sweetheart. Hindi ako natatakot, patpatin ang asawa mo isang kamao ko lang, talsik ‘yon sa bundok.”
Nang tumawa ang binata ay napatawa rin siya. Nai-imagine niyang tumalsik nga si Eno sa bundok. Ngunit mabilis niyang inalis ang ngiti niya dahil bawal sa kanilang tribu ang nakikipagtawanan sa ibang lalake. Kailangan ang mga ngiti niya ay para lang sa kanyang asawa.
“Seryoso po ako, doktor. Lumabas na ho kayo hanggat wala pang nakakapansin na narito kayo sa aming kubo.” Pagsusumamo niya sabay na yumuko.
Ngunit nanindig ang balahibo niya nang hinawakan ng binata ang kanyang mukha at inangat nito kung kaya’t muling nagtagpo ang kanilang mga mata.
Hinaplos ang puso ni Dr. Walter nang masilayan na niya sa malapitan si Amaya. Subalit kahit gaano kaganda ang mukha nito ay kabaliktaran naman sa sinasabi ng kanyang mga mata. Bakas ang sobrang paghihirap at matinding kalungkutan.
Sinukbit ni Walter ang ilang hibla ng buhok ni Amaya sa likod ng kanyang teynga. Ang kanyang labi ay marahang hinaplos ni Walter dahil nagkukulay ube iyon. Hindi dapat ganito ang normal na kulay ng labi ng isang tao.
“Halika, maupo ka, rito.”
Umupo si Amaya sa bangko tas may kinuhang maliit na flashlight ang binata sa bulsa nito saka tinutok sa mata niya.
“Ano po ang ginagawa ninyo?” umiwas agad si Amaya dahil nasisinagan siya.
“I need to check your eyes, medyo madilim kasi dito kaya hindi ko masyado makita. Don’t worry, this is minor check-up para makita ko may iba kang nararamdaman.”
“Para po saan ang pagcheck-up n’yo sa akin?” magalang niyang tanong.
“Ang mga mata ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pangkalahatang kalusugan ng pasyente, tulad ng pagkakaroon ng mga problema sa pagtunaw o mga impeksyon.” Masayang sagot ng doktor.
“Magaling po kayo, doktor. Pero wala po akong kakayahan magbayad ng serbisyo n’yo po.” Nahihiyang sagot ni Amaya. Binitiwan na ng binata ang mata niya at tumingin sa kanya.
“Huwag kang mag-aalala, Amaya. Nagtatrabaho kami sa Gobyerno at itong medical mission namin ay libre lang wala kayong babayaran kahit peso. Pagbalik ko sa Manila aasikasok—”
“Doktor may sakit po ba ako?” pinutol ni Amaya ang sasabihin pa ni Walter.
“Well, hindi ako puwedeng maghula lang or basi lang sa nakita ko. To determine if you're healthy or not, we need to undergo some tests, kailangan natin pumunta sa hospital.”
“Kung ganoon hindi rin po pala kayo sigurado. Nakadepende pa rin po pala sa mga pagsusuri. Bakit hindi na lang po kayo umuwi? sana sumama na kayo sa team ninyo. Hindi—”
“Bakit parang galit na galit ka sa mundo, Amaya? Or galit ka sa mga katulad kong tagalabas? Wala naman akong masamang ginagawa gusto ko lang makatulong.”
“Doktor gusto mo ba si Sara?”
Nagulat bigla si Walter sa tanong ni Amaya. Napakalayo sa topic nila.
“Bakit naman ‘yan ang tanong mo?” napatawa siya bigla.
“Hindi po ako nakikipagbiruan sa inyo, doktor. Kung gusto mo si Sara kailangan mong talikuran ang pamilya, kaibigan at buhay mo sa labas. Kailangan mong yakapin nang buo ang pamumuhay namin dito sa tribu. Kailangan mong mabinyagan para mapabilang ka sa amin. Ngayon kung ayaw mo naman kay Sara pakiusap umalis ka na lang kaysa ang paglaruan mo ang damdamin ng batang puso niya.”
“Whoa! Just calm down.” Hinawakan pa ni Walter balikat ni Amaya. Nagulat siya sa dire-diretso itong magsalita na tila hindi humihinga pero mas nagulat siya sa mga pinagsasabi nito.
“Okay, listen, wala akong gusto sa kaibigan mo at lalong hindi ko siya pinaglalaruan. Napakabata pa niya, saka, mas maganda ka sa kanya.” Biglang nasabi ni Walter. Natakot siya na baka madismaya si Amaya sa bigla-biglang namutawi sa bibig niya. Ngunit napangiti si Amaya at napayuko. Bilang isang magaling na doctor ay nabasa niya agad ang body language ni Amaya.
“Yes, you’re so beautiful, sweetheart. You deserve better, like a bird is meant to soar, not be caged. You don't fit in here.”
“W—Wala po akong naintindihan sa sinabi n’yo.”
Biglang tumawa si Dr. Walter, napailing siya sa sarili. Tinitigan niya si Amaya, tas sinukbit niya ang hibla ng buhok nito sa likod ng kanyang teynga.
“Napakaganda mo, Amaya.” Paghangang sambit niya.
“Maraming salamat po, doktor. Kayo pa lang po ang nagsabi sa akin niyan kahit si Ama at Ina ni minsan hindi nila ako pinuri.”
Ngumiti nang mas matamis si Amaya nagulat pa ang binata dahil may dimple pala si Amaya sa magkabilaan ng kanyang pisnge at mas lalo pang humanga si Walter sa kagandahan nitong taglay.