SUMAPIT ang bukang liwayway at patuloy sa panaghoy ang babaeng tila lantang gulay habang yakap ang maliit na damit na yumao niyang anak. Anim na buwan nang inilibing ang kanyang anak pero ang sakit sa dibdib ay parang kahapon lang. Walang kasing-sakit ang mamatayan ng anak para bang nahati ang pagkatao niya.
“Anong iniiyak-iyak mo riyan? bumangon kana at ipaghanda ako ng malalamon!”
Nagulantang pa siya nang tadyakan siya ng asawa. Masakit pa ang balakang niya dahil ilang beses nagparaos ang asawa kagabi. Kapag nakakainom pa naman ito ay para itong asong ulol daig pa nga ang nagdo-droga.
Pinunasan niya ang mga mata at lumabas ng bahay. Napapikit siya nang humampas ang malakas na hangin sa kanyang mukha. Papalubog na ang buwan at paisa-isa na rin tumitilaok ang mga manok.
Minabuti niyang magtungo na lang sa kusina upang makapaghanda na ng almusal para sa asawa niya.
Gamit ang posporo at gas nakagawa siya ng apoy at nilagyan niya ng mga kahoy sa paligid. Inuna niyang mag-init ng tubig at saka sinunod ang kanin at prinitong tortang talong. Tapos nilagay niya sa lamesa at tinakpan niya lang ng bilao saka na siya gumayak para maglaba sa batis.
Medyo may kalayuan dito sa bahay nila mabuti nga at wala siyang kasabayan maglaba dahil tiyak makikita na naman ang mga pasa niya katawan at ang labi niyang pumuputok gawa ng mabigat na kamay ng asawa.
MASAKIT na sa balat ang sikat ng araw. Naisampay niya na sa maliit na kawayan ang mga kumot at dalawang banig. Itong kinukusot niya ay mga hinubad na lang nila mag-asawa.
“Anak?”
Napalingon siya sa likod. Ang nanay niyang may dalang labahin rin. Umiwas siya agad ng tingin dahil nahihiya siya sa hitsura niya. Pero sadyang malakas ang pakiramdam ng isang ina kaya ang sakit na nadarama niya ay konektado sa puso nito.
“Sinasabi ko na nga ba. Kaya sumasakit ang dede ko kagabi pa ay dahil sinaktan ka na naman ng asawa mo.”
“I—Inay… hirap na hirap na po ako. Parang gusto ko na lang magpaanod at hayaan kung saan man ako tangayin ng ilog dahil para rin akong naka-sakay sa bangkang salungat sa pag-agos.”
Niyakap siya ng ina at humagolhol siya sa dibdib nito. Kung ano man ang hirap na nararamdaman niya ay doble ang paghihirap ng isang ina.
“Sinabi ko naman sa ‘yo, tumakas ka na lang dito sa tribu natin. Hindi ito ang buhay na nababagay para sa iyo, anak.”
Makailang ulit siyang pinayuhan ng nanay niya na tumakas. Pero nag-aalala siya para sa kaligtasan nito.
“Hindi inay, kung tatakas man ako kailangan kasama kita. Baka sa pagkakataong ito ay buhay mo na ang kapalit.”
“Mas gugustuhin kong mamatay na katumbas ang kalayaan mo, anak. Kaysa ang mamatay na wala man lang akong nagawang tama para sa iyo.”
“Inay—”
“Salvacion? nariyan ka lang palang putangina ka!”
Napakalas silang mag-ina nang dumagondong ang sigaw ng ama niya. Kaagad niyang itinago ang ina niya sa likod mula sa ama niya. Pero bago pa makalapit sa kanila si Mang Romulo ay mabilis ang nanay niyang sinalubong ang asawa at katulad niya ay sinampal na naman ng ama niya ang nanay niya. Wala siyang magawa kundi ang magyuko na lang ng ulo tanda ng kanyang pagsuko. Pinagpatuloy niya na lang ang pagbabanlaw.
*****
“Amaya, Amaya!”
Malakas ang sigaw ni Sara kaya muli siyang napatayo. Hingal na hingal si Sara nang makalapit.
“Dumating na sina Kapitana isang truck ang mga ayuda. Bilisan mo para makakuha tayo.”
Sa kanyang narinig mabilis pa sa alas kuwatrong kumilos si Amaya. Nilagay niya lang ang plangana sa malaking bato upang hindi tangayin ng tubig.
“Magbihis ka muna.”
“Huwag na, Sara. Baka maubusan tayo bilisan na natin!”
Lakad takbo ang ginawa nilang dalawa pabalik sa kanilang bahay. Lahat ng ka-tribu niya ay narito. Hinahanap niya ang asawa pero hindi niya mahagilap kaagad silang pumila ni Sara sa pinakahuli.
Natanaw niya ang ama niyang kausap si kapitana tapos tinuro ni kapitana ang isang lalaking kalbo na malaki ang tiyan. Tumango-tango ang ama niya at nakangiti pa ito.
“Amaya, ano kaya ang nangyayari? baka ibebenta na ng tatay mo itong lupa natin?” bulong sa kaniya ni Sara.
“Hindi ko alam, Sara. Pero sana ay hindi ‘yan mangyari dahil kapag nagkataon baka gawin tayong alila ng lalaking kalbo.” Pabulong niyang sagot.
“Nakakatakot naman, Amaya. Kung mangyari man ‘yon tatakas na ako rito. Luluwas ako ng Maynila sumama ka sa akin.”
Hindi niya sinagot ang sinabi ng kaibigan sapagkat galing na siya ng Maynila at pinagsisihan niya lamang ang araw na ‘yon. Sinusumpa niyang hindi na siya babalik sa syudad.
“Hala! tingnan mo, Amaya, may dalawang tumatakbo, ‘yong isa itim, ‘yong isa naman puti!”
Sinundan niya ang tingin ni Sara at maging siya ay nagulat. Minsan na siyang nakakita ng sasakyan sa Maynila pero ang pinagtataka niya kung bakit may sasakyan na nakapasok rito sa tribu nila?
“Teyka, si Eno ba ‘yon?”
Kumunot ang noo ni Amaya nang makita ang asawa niyang lumabas mula roon sa likod ng puting van.
Hanggang sa nagsilabasan na rin ang mga tao sa loob. May mga gamit silang dala. Tatlong babae at isang lalake ang magkakasabay na lumabas.
“Ang gagara ng mga kasuotan nila, Amaya. Pero mukhang mababait, ano kaya ang mga dala nila? ano kaya ang gagawin nila sa atin?”
Magkakasunod na tanong ni Sara at hindi siya nakakibo dahil maging siya ay walang ideya kung anong nangyayari.
“Ayan, Amaya, namimigay na ng mga ayuda. Ano kaya ang laman?”
Narinig pa niya ang sinabi ni Sara pero hindi siya nakagalaw dahil nakatingin siya sa itim na sasakyan nang bumukas ang pinto no’n. Akala niya ay apat na tao ang laman ng itim na sasakyan pero may isa pa palang naiwan.
Una niyang nakita ay ang sapatos nito tapos ang kamay niya at nang tuluyan lumabas ang stranghero ay lumakas rin ang kabog ng kanyang dibdib. Nilapitan ito ng asawa niya at nilagyan ng garlan sa leeg tanda na ng pag-welcome sa kanya. Nakangiti ang binata sa mga taong naroon lalo na kay kapitana at sa tiyohin nitong si Romulo na tumatakbo bilang alkalde ng lungsod.
Hanggang sa napatingin sa kaniya ang binata at sa hindi inaasahan ay tila magnet ang kanilang mga matang nakatutok sa isa’t isa.
Napahawak sa dibdib si Amaya dahil mas lalong lumakas ang t***k ng puso niya. Ni hindi siya nakagalaw kahit pa tinatawag na siya ni Sara dahil siya na lang ang naiwan sa dulo. Ngunit iwan niya ba’t hindi niya magawang pumiyok, wala siyang naririnig para kasing tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo.
“Hoy, Amaya!”
Napaigtad siya nang hinila siya sa damit ni Sara. Pagtingin niya ay lima na lang silang nakapila. Kaagad siyang tumakbo patungo sa unahan.
“Ikaw rin ba?” bulong sa kanya ni Sara.
“Ang alin?”
“Yong naguwapohan do’n sa lalaki—”
“Huwag nang magdaldalan, Sara!” mariing turan ni Mang Pepeng ang ama ni Sara na katabi ng ama niya. Parehas silang napayuko.
Sunod-sunod na napahinga ng malalim si Amaya dahil ang binata kanina ay narito na sa unahan at inagaw nito sa ama niya ang pagbibigay ng ayuda.
Pinagpapawisan si Amaya habang palapit siya nang palapit sa lalake. Si Sara naman ay hindi mapakali palihim siyang kinukurot dahil ang kamay nito ay nasa likod nito.
“Maraming salamat po, sir. Napakaguwapo n’yo naman po. Kayo na yata ang pinakaguwapong lalaki na nasilayan ko sa tanang buhay ko.”
Rinig na rinig niya ang sinabi ni Sara. Siya itong nahihiya sa lantaran na pagpuri ng dalagita.
“Thank you, little girl.”
Maging ang boses nito ay nakakahanga. Lalaking-lalaki. Umalis na si Sara nang maabot nito ang malaking plastic.
“And you—”
Subalit hindi natuloy ng binata ang sasabihin nang makita niya nang malapitan ang babae.
“What happened to your face?” nagsalubong bigla ang kaninang masayang mukha nito.
Kaagad na napayuko si Amaya. Nakalimutan niya ang hitsura niya pumuputok pala ang labi niya at hindi pa rin magaling ang pasa niya sa mata dahil no’ng isang araw sinuntok siya ni Eno sa mukha kaya nagka-black-eye siya.
Hindi pa nakuntento ang binata at pinasadahan pa siya ng tingin at ang kanyang braso na bugbog ng kamao ng asawa ay hindi niya naitago sa binata.
“Yong para sa akin po, sir,” itinuro niya ang hawak nitong plastic. Gusto niya nang makaalis dahil hiyang-hiya siya sa hitsura niya.
“No. Hindi ko ‘to ibibigay sa iyo hanggat hindi mo sinasabi kung anong nangyari sa iyo!” mariin nitong turan. Pero hindi pa rin siya nakapagsalita.
“I’m Dr. Walter Montenegro. I’m here and my team for a free check-up. May mga gamot at vitamins kaming ipapamigay sa inyo dito. Huwag kang matakot tutulungan kita.” Bakas ang matinding pag-alalala sa mukha ng doktor.
“Mawalang galang na ho, doc. Asawa ko po si Amaya.”
Nabigla si Dr. Walter nang sumingit ang lalaking si Eno at kinabig nito ang babae. Mahigpit ang hawak ni Eno sa buhok ni Amaya at kinaladkad siya papasok sa kubo. Walang pakialam si Eno kahit sa harap ng maraming tao at mga bisita kung gusto nitong bugbugin si Amaya walang sinuman ang puwedeng komontra sa kanya.
“Hey—”
Susundan sana ni Dr. Walter ang babae pero mabilis siyang napigilan ng pinsang si Kalex.
“Remember the rules, Walter!” mariing bulong ni Kalex.
“I can’t bear to see a woman being abused!” mariin ring sagot ni Dr. Walter.
“I know, but it’s none of your business. Away mag-asawa ‘yon at nandito tayo para makatulong sa tribu para na rin sa pangangampanya ng uncle mo hindi para manghimasok ng buhay nang may buhay!”
“That’s bullshit!” napamura na lang sa galit si Dr. Walter at sinundan niya ang tingin ng likod ng babae. Bago pa ito makapasok sa bahay kubo ay lumingon pa ito sa kanya pero agad itong sinubsob ng asawa sa dingding. Tumalikod si Walter at napasubunot sa buhok hindi niya kayang makita sa ganoon tagpo ang babae. Sobrang lakas ng epekto ng babae sa kanya kaya ramdam niya ang matinding paghihirap nito.