CHAPTER 15

2543 Words
THIRD PERSON POV Itinuon ni Celestina ang kanyang pamingin sa mga taong naroon sa isang sulok ng kanilang likod-bahay ng asawang si Brent. Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil kasama niya ngayon sa kanyang espesyal na araw ang dalawa sa mga taong mahahalaga sa kanyang buhay. Ilang linggo na ang lumipas mula nang matuklasan ni Celestina ang pagtataksil ng kanyang asawa. Ilang araw na ring sinusubukan nina Celestina at Brent ang ayusin ang kanilang nagkalamat na relasyon. Mula nang puntahan ni Celestina ang kanyang pinsang si Sophie sa bahay nito ay nakita niya ang unti-unting pagbabago sa kanyang mister na si Brent. Hindi na nag-o-overtime sa trabaho si Brent at hindi na rin ito pumapasok tuwing weekend. Nang minsang i-check ni Celestina ang cellphone ng kanyang asawa ay nakita niyang wala nang password iyon. Wala na ring naaamoy na pambabaeng perfume si Celestina sa mga long-sleeved polos ni Brent. Hindi na rin niya nakikita ang asawang pasimpleng lumalayo sa tuwing may tumatawag dito o kung may nagpapadala man ng mensahe. On time na kung umuwi si Brent ng kanilang malaking bahay ni Celestina at palagi na ito may oras para sa kanya at sa kanilang anak na si Abigail. Natutuwa si Celestina sa kanyang nakikitang efforts mula kay Brent. Pinatunayan nito ang ipinangako sa kanyang gagawin ang lahat para muling makuha ang kanyang tiwala. Brent: I promise you, hon. I will show you how much I love you. I will earn your trust again. Alam ni Celestina na hindi na dapat siya magtiwala pa kay Brent matapos nitong magtaksil sa kanya dahil lamang naakit ito ng isang babae and worst ay naudyukan pa itong magtaksil ng kanyang pinsan sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Maliban doon ay itinanggi pa ni Brent kay Celestina ang pagkakaroon nito ng higit sa isang babae. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang babaeng kausap ni Brent sa phone nito na sigurado siyang hindi ang naging babae nitong si Queenie. Sapat na ang mga bagay na iyon para hindi na muling pagkatiwalaan ni Celestina si Brent ngunit sa tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang tungkol sa kanilang anak ay hindi niya maiwasang alalahanin ang magiging buhay nito kung sakaling magdesisyon siyang hiwalayan ang ama ni Abigail. Sa totoo lang ay may mga oras na nahahati ang puso ni Celestina kung ano nga ba ang kanyang dapat na gawin para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kadalasan ay sinasabi niya sa kanyang isipan na ang manatili sa kanilang pagsasama ni Brent ang pinakatamang desisyon para sa kanyang anak dahil sa ganoong paraan ay mabibigyan niya ng isang buong pamilya si Abigail. Ngunit kung paiiralin ni Celestina ang kanyang pagiging high maintenance ay siguradong wala na roon sa kanilang malaking bahay ang kanyang asawang si Brent. Pero hindi na lamang tungkol kay Celestina ang bagay na iyon. May anak na siya at hindi pwedeng sarili lamang niya ang kanyang isipin pagdating sa usapin ng kanilang pagsasama ni Brent. Ngayong may pamilya na si Celestina ay malaki na ang nagbago sa kanya mula sa pagiging isang full-fledged high maintenance lady. Kaya naman malaking parte ng isipan ni Celestina ang mas gustong manatiling kasal kay Brent dahil iyon ang sa tingin niyang magpapasaya sa kanilang anak. Hindi na baleng magtiis si Celestina sa pakikisama sa lalaking minsan nang nagtaksil sa kanya, ang mahalaga ay hindi masira ang pamilya ng kanyang anak. Lalo na ngayong nakikita ni Celestina na ginagawa ni Brent ang lahat ng bagay para muling ibalik sa rati ang lahat kahit pa nga ba alam ni Celestina sa kanyang sarili na imposible nang mangyari iyon. Kahit pa hindi iniibig ni Celestina ang kanyang asawa ay alam niyang hindi na maibabalik ang buong tiwalang ipinagkaloob niya kay Brent noon. Kung muli man siyang magtiwala rito ng buong-buo ay panahon na lamang ang makapagsasabi. Ang hiling na lamang ni Celestina ay wala ng babaeng katulad ni Queenie ang manggulo sa pagsasama nilang mag-asawa. Ipinapalangin din ni Celestina na tumigil na si Sophie sa kagustuhan nitong sirain siya at ang kanyang pamilya. Umaasa pa rin siya na makikita ni Sophie ang katiwasayan sa puso nito. At ang huli sa lahat ay idinadalangin ni Celestina na sana ay hindi na muling magtagpo ang landas nilang dalawa ng kanyang dating kasintahang si Jay-R para hindi na muling magulo ang kanyang sistema. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari kung muli silang magkakatagpo ng lalaki gayong alam niya sa kanyang sarili na mahal pa rin niya ito. Dahan-dahang lumapit si Celestina sa kanyang mag-amang nagkukwentuhan sa isang mesang punung-puno ng mga pagkain habang naghihintay sa kanyang pagdating. Nanggaling pa si Celestina sa flower shop ng kanyang best friend na si Samantha kaya ngayon lamang siya nakauwi. Agad na tumayo mula sa pagkakaupo sina Brent at Abigail nang makita nila ang papalapit na si Celestina. Nakangiting sinalubong ni Abigail ang ina nito at niyakap. Abigail: Happy birthday, Mommy! Nakangiting niyuko ni Celestina ang kanyang anak at niyakap ito ng mahigpit. Celestina: Thank you, sweetie. Love na love ka ni Mommy. Ilang segundong nagyakapan ang mag-ina bago nila narinig ang eksaheradong pagtikhim ni Brent. Humahagikgik na humiwalay mula sa pagkakayakap kay Celestina si Abigail at nilingon nito ang ama. Abigail: Daddy was very excited to see you, Mommy. Ngumiti si Celestina sa kanyang anak bago ibinaling ang tingin sa kanyang asawa na nakangiting nakatayo sa kanyang harapan habang hawak nito sa isang kamay nito ang isang bouquet of flowers. Brent: You look so beautiful tonight, hon. My lovely wife. Tinitigan ni Celestina ang nakangiting mukha ni Brent at nang tumingin siya sa mga mata nito ay nakita niya roon ang kislap na kanyang nakita noong araw na ikasal silang dalawa. Celestina: Ngayon lang ba? Masayang ngumiti si Celestina kay Brent. Alam ni Celestina na itong ginawa ni Brent para sa kanyang kaarawan ay parte ng pagsusumikap nitong makuhang muli ang kanyang tiwala ngunit ang nakikita niyang pagmamahal sa mga mata nito ay alam niyang totoo. Ganoon ang kislap na nasilayan niya sa mga mata nito nang marinig nito mula sa kanya ang mga salitang "I do" sa araw ng kanilang kasal. Kitang-kita ni Celestina ang maputi at pantay-pantay na ngipin ni Brent habang nakangiti ito sa kanya. Brent: You're the most beautiful wife on earth, Celes. And I'm so lucky to have you in my life. Kung hindi lamang alam ni Celestina ang tungkol sa pagtataksil ni Brent sa kanya ay paniguradong magtatatalon na ang kanyang puso dahil sa mga papuring sinabi nito sa kanya. Brent: Happy birthday, my wife. Nakangiting inabot ni Celestina mula kay Brent ang bouquet of flowers at nagpasalamat dito. Celestina: Thank you for this wonderful surprise, hon. I really appreciate it. Napatingin sina Celestina at Brent kay Abigail nang marinig nila itong pumalakpak. Abigail: Yay! We're about to eat! Sabay na tumawa ang mag-asawa habang pinapanood ang pagtakbo ni Abigail pabalik sa mesang pinanggalingan nito kanina. Si Brent ay nilingon si Celestina at inilahad ang kanang kamay. Brent: Let me escort the beautiful birthday celebrant to the table prepared by yours truly. Yumukod pa si Brent matapos sabihin iyon na nagpatawa kay Celestina. Gamit ang kaliwang kamay ay nakangiting inabot ni Celestina ang nakalahad na kanang kamay ni Brent. Hindi niya napigilang sabayan ang kalokohan ng asawa. Kaarawan ni Celestina nang araw na iyon kaya naisip niyang hindi naman siguro masamang pansamantala muna niyang kalimutan ang kanilang mga problema ni Brent at mag-enjoy muna sa gabing iyon kasama ang kanyang mag-ama. At kung pag-uusapan ang kanyang pagiging high maintenance ay walang-dudang natutuwa siya sa atensyong ibinibigay sa kanya ng kanyang asawa nang mga sandaling iyon. Celestina: It's my pleasure to be escorted by a handsome husband, Señor. Ilang segundong matiim na tinitigan ni Brent si Celestina habang nakangiti bago nagsimulang maglakad ang mag-asawa patungo sa hapag-kainang inihanda ni Brent para sa kanyang sorpresa sa kaarawan ni Celestina. Ipinaghila muna ng upuan ni Brent si Celestina bago umupo sa katapat na upuan ng kinauupuan ng misis nito. Brent: Bon appétit, Madame. Napangiti na lamang si Celestina kay Brent at nang tingnan niya ang mga gourmet cuisines na nakahain sa mesa ay biglang naalala ni Celestina na kanina pa nga pala siya nagugutom. Abigail: Enjoy, Mommy. Daddy ordered these dishes from the famous Laguarte's La Famille Mange restaurant. Nakangiting tumango-tango si Celestina habang nakatingin sa kanyang anak at inayos ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nito. Celestina: And I'm gonna sample all of these. Pabirong kumindat si Celestina kay Abigail at pagkatapos ay nilingon si Brent na nakangiti palang nakamasid sa kanilang mag-ina. ---------- Sa labas ng gate ng malaking bahay ng mga Paleamor ay huminto ang kotse ni Samantha. Agad siyang bumaba mula sa kanyang sasakyan at lumakad patungo sa gate ng bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Celestina. Lumingon muna sa paligid si Samantha bago pinindot ang doorbell sa tabi ng gate. Tiningnan niya ang cellphone na nasa kanyang kaliwang kamay. ---------- Magtatatlumpung minuto nang kumakain ang pamilya Paleamor nang biglang tumunog ang cellphone ni Celestina sa loob ng kanyang handbag. Sabay pa silang napatingin ni Brent sa kanyang handbag. Nang akmang kukunin na ni Celestina mula sa loob ng kanyang handbag ang kanyang cellphone ay narinig niyang tumunog ang doorbell ng kanilang bahay. Nagkatinginan sina Celestina at Brent habang patuloy sa pagkain si Abigail. Brent: Ako na, hon. Kumunot ang noo ni Celestina kay Brent nang makita niyang tumatayo na ito mula sa pagkakaupo. Celestina: Wait. Wala ba si Nana Sarita sa loob? I thought she's here. Ngumiti si Brent sa asawa at umiling. Brent: Pinag-day off ko muna, hon. Gusto ko munang masolo ang aking mag-ina ngayong gabi. Sinundan ng mga mata ni Celestina si Brent nang pumasok na ito sa loob ng malaking bahay. Napapitlag pa si Celestina nang muli niyang marinig ang pagtunog ng kanyang phone. ---------- Sa di-kalayuan ng bahay ng mga Paleamor ay nakaparada ang isang itim na kotse. Sa loob niyon ay makikita si Sophie na nakatingin sa babaeng nasa labas ng malaking bahay ng kanyang pinsang si Celestina. Sophie: So the best friend is here, huh? Bumubulong sa hangin si Sophie nang mapansin niya ang isang lalaking naglalakad sa kabilang gilid ng kalsada at mukhang patungo ang lalaki sa bahay ng kanyang pinsan. Nang titigan ni Sophie ang mukha ng lalaki ay parang pamilyar sa kanya iyon. Sophie: Jay-R? ---------- Nang pagbuksan ni Brent ng gate ang best friend ng kanyang asawa ay agad siyang napangiti. Malaki ang kanyang pasasalamat dito dahil malaki ang itinulong ni Samantha para maging successful ang kanyang birthday surprise para kay Celestina. Brent: I think Celestina liked the flowers. Alam na alam mo talaga ang gusto ng best friend mo. Ngumiti lamang si Samantha sa sinabi ni Brent. Brent: Anyway, why did you come here? Are you looking for Celestina? Come. Join us celebrate her birthday. Si Samantha ay umiling kay Brent. Samantha: No, Brent. Ihahatid ko lang sana sa 'yo 'to. Naiwan mo sa flower shop. Nang ilahad ni Samantha kay Brent ang kaliwa nitong kamay ay nakita roon ni Brent ang kanyang cellphone. Agad na lumingon si Brent sa paligid at nang makitang walang tao ay agad niyang inabot ang phone mula sa kamay ni Samantha. Brent: T-thank you, Samantha. I didn't notice I left my phone at your shop. Nakangiting tumango si Samantha kay Brent. Samantha: Okay. I'll go now. I don't want to interrupt your--- Hindi na natapos pa ni Samantha ang sasabihin nito dahil biglang lumabas mula sa malaking bahay si Abigail. Abigail: Tita Samantha! ---------- Napakunot ang noo ni Culver nang makitang pumasok sa loob ng isang malaking bahay si Samantha. Culver: Whose house is that? Sa likod ng isang itim na kotse ay pumarada si Culver at pagkatapos ay bumaba mula sa kanyang sasakyan. Naglakad si Culver patungo sa gate ng malaking bahay na nakita niyang pinasukan ni Samantha. Sa pagmamadaling makalapit sa bahay na iyon ay hindi na napansin ni Culver ang lalaking nakatayo sa isang gilid ng kalsada. ---------- Si Jay-R ay kumunot ang noo nang makita ang dating kamag-aral na si Culver sa lugar na iyon. Lalong lumalim ang mga gatla sa kanyang noo nang mapansing patungo ito sa bahay kung saan din siya patungo ngayon. Jay-R: Bakit narito ang dating manliligaw ni Celestina? Ang alam ko ay matagal na silang walang komunikasyon. Tiningnan ni Jay-R ang kanyang bitbit na paper bag at ngumisi. Jay-R: Mabuti na lamang at ako ang inutusan ni George para ihatid ang kanyang regalo kay Celestina. Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Jay-R ang malaking bahay ng babaeng dumurog sa kanyang puso. Jay-R: Pagkakataon nga naman. Ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para mapalapit ako sa 'yo, my high maintenance lady. Madiin ang pagkakabigkas ni Jay-R sa huling apat na salitang kanyang ibinulong sa hangin. Jay-R: Oras na para ikaw naman ang aking pasakitan. ---------- Napakunot ang noo ni Culver nang makitang bukas ang gate ng bahay na pinuntahan ni Samantha. Culver: Nakalimutan na sigurong isara. Sinubukang sumilip ni Culver sa loob ng bakuran ngunit wala siyang nakitang tao. Wala sa loob na napatingin si Culver sa itaas ng malaking bahay at hindi sinasadyang may nakita siyang pigura ng tao sa balcony na nasa kanang gilid ng bahay. Nakatalikod ito sa kanya ngunit sigurado siyang may hawak itong cellphone at may kinakausap doon. ---------- Nahihiyang ngumiti si Samantha kay Brent habang nakatingin ito sa pagkukwentuhan nilang dalawa ni Abigail. Halatang na-miss siya ng kanyang inaanak. Abigail: Next time I'll visit your flower shop, Tita Samantha. Marahang tumawa si Samantha at tumango kay Abigail. Samantha: Sure. Just tell me when so I can prepare foods for you. Maya-maya ay napansin ni Samantha na parang may sinisilip si Brent sa loob ng malaking kabahayan at ilang sandali pa ay tumayo ito. Brent: I'll just check on something, Samantha. I'll be back. Napatango na lamang si Samantha kahit hindi nakatingin sa kanya si Brent at tutok na tutok ang mga mata nito sa loob ng malaking bahay. ---------- Nang makapasok si Jay-R sa loob ng bakuran ng mga Paleamor ay wala siyang nakitang tao. Naisip niyang baka nasa likod-bahay ang buong pamilya kaya naman tinahak niya ang daan patungo sa likod-bahay mula sa kaliwang gilid ng malaking bahay. Nabigla na lamang si Jay-R nang makitang namatay ang lahat ng ilaw sa loob at labas ng bahay. Agad na iginala niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Jay-R: Ano ang nangyayari? ---------- Nang makita ni Sophie na parehong pumasok sa loob ng malaking bahay ng mga Paleamor sina Jay-R at Culver ay mabilis siyang bumaba ng kanyang sasakyan para sundan ang dalawa. Nagulat pa si Sophie nang makitang madilim ang buong kabahayan pagkarating niya sa tapat ng nakabukas na gate. Luminga-linga muna sa paligid si Sophie at nang makitang walang ibang tao ay agad siyang pumasok sa loob ng bakuran ng mga Paleamor. Iginala ni Sophie ang kanyang paningin sa labas ng bahay at nang makitang walang tao ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay. Kung gaano kadilim sa labas ng bahay ay doble ang kadilimang bumabalot sa loob niyon. ---------- Ilang minuto pa ang lumipas at isang malakas na sigaw ang pumailanlang sa loob ng madilim na kabahayan ng pamilya Paleamor. Isang sigaw na humihingi ng tulong. ---------- to be continued...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD