CHAPTER 14

2789 Words
THIRD PERSON POV Paulit-ulit na naglalabas-masok sa hiyas sa pagitan ng mga hita ni Samantha ang kanyang tatlong daliri habang binabalikan sa kanyang isipan ang kanyang ginawang paghalik sa mga labi ni Brent habang lasing na lasing ito sa passenger seat ng kanyang kotse. Hindi maitatangging nagagalak ang puso ni Samantha rahil nabigyan siya ng pagkakataong palayain ang pagnanasang kanyang nararamdaman para sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan kahit ilang minuto lamang. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ni Samantha ang pakiramdam ng malambot na mga labi ni Brent sa kanyang sabik na mga labi. Kahit lasing na ang lalaki at hindi rumeresponde sa kanyang mga halik ay hindi iyon inalintana ni Samantha at nagpatuloy lamang sa paghalik sa lalaki. Ilang beses ding inilabas ni Samantha mula sa loob ng kanyang bibig ang kanyang dila para pasadahan niyon ang basang mga labi ni Brent. At dahil bahagyang nakabuka ang bibig ni Brent nang mga sandaling iyon kaya malaya ring naipapasok ni Samantha ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Brent at inililingkis iyon sa dila ng lalaki. Nang umungol si Brent at akmang ipapalibot ang kaliwang bisig nito sa baywang ni Samantha ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig at agad na inilayo ang kanyang bibig mula sa mga labi ni Brent at mabuti na lamang ay mabilis ang kanyang pag-atras kaya hindi nito tuluyang naipalibot ang kanang bisig nito sa kanyang baywang. Nagpapasalamat si Samantha na agad siyang nahimasmasan nang marinig ang ungol ni Brent dahil kung hindi ay malamang na naramdaman na niya ang bisig ng pinagpapantasyahang lalaki na nakapaikot sa kanyang baywang. At sigurado si Samantha na kung nangyari ang bagay na iyon ay tuluyan na siyang lulubog sa kumunoy ng temptasyon at maaaring hindi na muling makaahon pa. Ang mga labi ni Brent ay sapat na para magwala ang buong sistema ni Samantha dahil sa sobrang init na kanyang nararamdaman mula sa mga iyon. Paano na lang kaya kung naramdaman pa ni Samantha ang matigas na bisig ni Brent sa kanyang malambot na baywang? Baka tuluyan nang sumirit ang kanyang mga katas at magkalat sa loob ng kanyang kotse? Kaya naman nakahinga ng maluwang si Samantha nang makitang nailayo na niya ang kanyang katawan mula sa katawan ni Brent bago pa man siya nito mayakap. Dahil kung nangyari iyon ay paniguradong mas magiging madiin ang paghuhugpong ng kanilang mga labi at maaaring magising na rin ang diwa ni Brent mula sa kalasingan at makita nitong siya ang kahalikan nito. At kung ganoon nga ang nangyari, hindi alam ni Samantha kung paanong ipaliliwanag kay Brent na nakikipaghalikan siya rito. Na sinasamantala niya ang kahinaan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan. May posibilidad ding malaman ni Celestina ang tungkol sa bagay na iyon at iyon ang hindi gustong mangyari ni Samantha. Ang malaman ng kanyang best friend na pinagnanasaan niya ang asawa nito at magalit ito sa kanya. Mahal na mahal ni Samantha ang kanyang kaibigang si Celestina at itinuturing na niya itong kapatid. Hindi niya gustong masaktan ito sa kahit anong paraan dahil sa tuwing nasasaktan si Celestina ay nasasaktan din siya. Kaya naman ang maling nararamdaman ni Samantha para sa mister ng matalik na kaibigan ay kailangan niyang panatalihing lihim sa lahat ng tao. Kailangan niyang pigilin ang init na nag-uumapaw sa kanyang buong sistema sa tuwing nasa malapit lamang si Brent. Kailangang hindi magpatangay si Samantha sa tawag ng laman. Ngunit para sa isang taong katulad ni Samantha na pumasok na sa napakaraming relasyon at lahat ng iyon ay nauwi sa wala rahil lamang sa hindi naibigay ng mga lalaking kanyang nakarelasyon ang kanyang pangangailangan sa kama bilang babae ay sadyang napakahirap ang lumayo mula sa tuksong hatid ng lalaking sa tingin ni Samantha ay siya nang makapagbibigay ng kanyang hinahangad na satisfaction sa ibabaw ng kama. Kaya naman ginagawa ni Samantha ang lahat ng paraan para lumayo kay Brent. Ngunit minsan ay sadyang malakas ang bulong ng tukso kaya may mga pagkakataong nag-iisip siya ng paraan para mapalapit kay Brent. Katulad na lamang noong isang beses na tinawagan ni Samantha si Celestina matapos niyang magparaos sa ibabaw ng kanyang kama habang iniisip na katalik niya ang asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Celestina: Hello, Sam? Nang marinig ang tinig ng boses ng kaibigang si Celestina mula sa kabilang linya ay saka lamang na-realize ni Samantha na hinahabol pa niya ang kanyang paghinga mula sa ginawang pagpaparaos sa kanyang hiyas habang pinagpapantasyahan ang mister ni Celestina na si Brent. Napansin din ni Samantha na hubo't hubad pa siya nang tawagan ang kaibigang si Celestina. Dahil sa sobrang excitement sa naisip niyang paraan para kahit papaano ay mapalapit kay Brent ay agad niyang tinawagan ang matalik na kaibigan nang hindi man lamang napapansin na hindi pa siya nakakapagbihis matapos makapagparaos nang dahil kay Brent. Samantha: Ce-Celestina. Wait lang, mag-mag-aayos lang ako sandali. Agad na bumangon si Samantha mula sa kama para hanapin kung nasaan ang kanyang bra at thong na parehong basta na lamang niyang itinapon sa kung saan sa loob ng kanyang kwarto matapos hubarin dahil sa sobrang pagkasabik na laruin na ang kanyang hiyas habang iniisip ang mahabang alaga ni Brent na nakita niya ng personal sa loob ng opisina nito. Nang makita ang purple bra at thong ay agad na pinulot ni Samantha ang mga iyon para muling suotin. Pagkatapos ay muling binalikan ang kanyang phone para ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Celestina. Samantha: How are you, Celestina? Naroon ang pag-aalala sa tinig ng boses ni Samantha nang kumustahin ang kanyang kaibigan. Kahit pinagpapantasyahan ni Samantha ang asawa ni Celestina ay hindi nabago niyon ang kanyang turing sa kaibigan. Kaibigan pa rin niya ito at itinuturing na kapatid kaya hindi niya hahayaan ang kanyang sarili na makagawa ng anumang kasalanan dito. Hindi hahayaan ni Samantha ang sarili na magpadala sa tawag ng laman na kanyang nararamdaman para sa asawa ng kanyang kaibigan. Celestina: Brent and I, w-we haven't talked yet. Malalim na nagbuntung-hininga si Samantha matapos marinig ang sinabing iyon ni Celestina. Alam ni Samantha na nasasaktan ang kanyang kaibigan dahil sa ginawang pagtataksil ng asawa nito rito. Kaya naman hindi hahayaan ni Samantha ang kanyang sarili na ipagkanulo ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng matalik na kaibigan. Hindi kakayanin ni Samantha kung masasaktan ang kanyang kaibigan nang dahil sa kanya. Kaya naman ipinangako ni Samantha sa kanyang sarili na pagpapantasyahan lamang niya ang asawa ni Celestina at hindi gagawa ng anumang paraan para magtaksil ang asawa nitong si Brent kasama siya. Maaari ring hanggang tanaw lamang si Samantha kay Brent kaya naman ang sumunod niyang sinabi kay Celestina ay paraan niya para masilayan man lamang ang gwapong mukha ni Brent. Samantha: Nandiyan ba si Brent sa house ninyo ngayon? Do you want me to come over? It's weekend kaya wala ako sa shop. Sandaling tumigil sa pagsasalita si Samantha para pakiramdaman kung magdududa si Celestina sa kanyang ginawang pagtatanong kung naroon ba si Brent sa bahay ng mga ito ngunit walang naging reaksyon ang kanyang kaibigan kaya nang muling magsalita si Samantha ay para siyang nananantiya. Samantha: Gusto mo bang samahan kitang kausapin si Brent? O kung gusto mo, pwedeng ako ang kumausap sa kanya. Anything that I can be of help, Celestina. Biglang nakonsensya si Samantha nang gamitin pa niya ang problemang pinagdadaanan ng kanyang kaibigan para lamang kahit ilang sandali ay makasama niya ang asawa nito. Celestina: Th-there's no need for you to do that, Sam. Your support is more than enough. Ma-malaking bagay na iyon sa akin. Tuluyan nang na-guilty si Samantha dahil namomroblema na nga ang kanyang kaibigan dahil sa ginawang pagtataksil ng asawa nito ay nakuha pa niyang gamitin ang problemang iyon para makita lamang ang asawa nito. Samantha: You know that you can always count on me, Celestina. I'm your best friend and I will do everything for you. Bukal sa puso ang sinabing iyon ni Samantha dahil gagawin naman talaga niya ang lahat para sa kaibigang si Celestina lalong-lalo na kung ikasisiya iyon ng kanyang kaibigan. Samantha: In fact, kagabi ko pa iniisip si Brent. Nanlaki ang mga mata ni Samantha matapos marinig ang sariling binabanggit ang mga katagang iyon kay Celestina. Sandaling tumigil sa pagsasalita si Samantha at humugot ng malalim na paghinga. Umaasa siyang hindi bibigyan ni Celestina ng kulay ang kanyang sinabi. Totoo namang iniisip ni Samantha si Brent mula pa kagabi ngunit hindi dahil sa ginawa nitong pagtataksil kay Celestina kundi dahil sa nakita niyang malaking alaga sa pagitan ng mga hita ng lalaki. Samantha: I-iniisip ko kung pwede kong ba-bantayan si Brent, if you want. Kasi, 'di ba, malapit lang ang flower shop ko sa office niya, ba-baka gusto mong puntahan ko si Brent sa office niya para ma-check kung gumagawa siya ng milagro? Gustong pagalitan ni Samantha ang kanyang sarili rahil nautal pa siya habang nagsasabi ng pekeng dahilan kay Celestina kung bakit iniisip niya ang asawa nito mula pa kagabi. Samantha: Ku-kung gusto mo lang naman. Sinundan ni Samantha ng parang nahihiyang tawa ang kanyang sinabi para maging kapani-paniwala na nagbibigay lamang siya ng suhestyon kay Celestina at okay lang sa kanya kung hindi nito tanggapin ang kanyang mungkahi. Celestina: Bakit ka naman nauutal magsalita, Samantha? All my life I've known you, you've always been very confident. Biglang kinabahan si Samantha rahil napansin ng kanyang kaibigan ang pautal-utal niyang pagsasalita. Samantha: Eh, kasi, Celestina, nag-aalangan ako roon sa suggestion ko. Baka masamain mo? Pero gusto ko lang talagang huwag nang ulitin ni Brent 'yong ginawa niya sa iyo. Nagbuntung-hininga muna si Samantha para tanggalin ang kaba sa kanyang dibdib bago ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. Samantha: You don't deserve that. No wife deserves to be cheated on. Iyan ang lagi mong tatandaan, Celestina. Sa puntong iyon ay mula sa puso na ang mga sinasabi ni Samantha kay Celestina dahil alam niya kung gaano kabuting asawa't ina si Celestina at hindi nito deserved ang maloko at masaktan ng asawa nito. Samantha: You're a doting wife and a loving mother. You always care for Brent and Abigail. They're both lucky to have you in their lives. Sa sinabing iyon ni Samantha ay parang gusto niyang umiyak dahil sa guilt na kanyang nararamdaman. Para kay Samantha ay hindi deserved ni Celestina ang isang kaibigang katulad niya na pagnanasaan ang asawa ng sariling kaibigan. Celestina: Thank you, Sam. Kinagat ni Samantha ang kanyang ibabang labi para pigilan ang pagbukal ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Samantha: That's the truth, Celestina. Kaya kung gusto mong bantayan ko ang asawa mo for you ay gagawin ko. Mariing pumikit si Samantha dahil hindi niya napigilan ang sariling muling isingit ang tungkol sa bagay na iyon para lamang kahit ilang sandali ay masilayan niya si Brent. Celestina: I'll think about it, Sam. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Samantha. Samantha: Okay, Celestina. Ibababa ko na ang tawag. Say hi to Abigail for me. Nang marinig ni Samantha ang mahinang tawa ni Celestina mula sa kabilang linya ay parang gusto niyang sampalin ang kanyang sarili dahil sa pagpapantasya sa mister ng kanyang best friend. Celestina: Okay, I will. Thanks again, Sam. Nang matapos ang tawag ay agad na tumakip sa mukha ni Samantha ang kanyang dalawang kamay at doon ibinuhos ang lahat ng kanyang mga luha. Dahil sa naramdamang guilt ni Samantha matapos ang usapan nilang iyon ni Celestina ay ginawa na niya ang lahat ng paraan para hindi pumasok sa kanyang isipan si Brent ngunit sadyang makulit ang tawag ng laman at tuwing sumasapit ang gabi ay natutukso siyang paglaruan ang kanyang hiyas habang pinagpapantasyahan ang lalaki. Ganoon din ang nangyayari sa tuwing nasa kanyang flower shop si Samantha. Minsan ay natatagpuan na lamang niya ang sariling nakatulala habang bumabalik sa kanyang isipan ang nakatayong matabang bagay na iyon sa pagitan ng mga hita ni Brent. Kaya naman kanina ay naisipan ni Samantha ang magpakalasing ngunit hindi ganoon ang nangyari dahil ang mismong dahilan kung bakit gusto niyang lunurin ang sarili sa nakalalasing na likido ay naroon sa restaurant bar na kanyang pinuntahan. Kaya naman muling bumigay si Samantha sa tukso at nauwi nga ang gabing iyon sa paghalik niya sa mga labi ng lalaki. Ngayon nga ay tumitirik na ang mga mata ni Samantha habang muli na naman niyang naaabot ang rurok ng katiwasayan matapos ang pagpapantasya sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan. At katulad ng madalas mangyari matapos mailabas ni Samantha ang bunga ng pagpapapagod ng kanyang mga daliri ay muli na naman siyang nakaramdam ng guilt dahil sa bawal na pagnanasang kanyang nararamdaman para sa asawa ni Celestina. ---------- Pakiramdam ni Sophie ay nagliparan ang bawat parte ng mukha nito rahil sa malakas na sampal na iginawad ng pinsan nitong si Celestina sa kaliwang pisngi nito. Celestina: I should have done that years ago when I found out you were the one who ordered those guys to hurt me! You, selfish moron, who always think she can get away with everything! Pakiramdam ni Celestina ay naubos ang lahat ng kanyang enerhiya dahil sa malakas na pagdapo ng kanyang kanang palad sa kaliwang pisngi ni Sophie. Matapos ang napakahabang panahong hindi pagkikita ay muling nagkaharap ang magpinsang Celestina at Sophie. Sinabi na ni Celestina kay Sophie na alam na niya ang lahat ng kasinungalingang sinabi nito sa kanyang asawa kaya humantong ang mister na si Brent sa pagtataksil sa kanya. Nagtaka si Celestina nang hindi man lamang niya nakitaan ng pagkagulat si Sophie matapos sabihin dito ang kanyang natuklasang kasinungalingan nito tungkol sa kanya. Sa tingin pa nga ni Celestina ay parang inaasahan na ni Sophie ang kanyang pagdating sa bahay nito. Ngunit ipinagsawalang-bahala iyon ni Celestina katulad ng pagsasawalang-bahala niya kung paanong hindi gumanti si Sophie sa ginawa niyang pagsampal dito. Bagkus ay maarte lamang nitong pinunasan ang kaliwang pisngi nito matapos indahin ng ilang minuto ang ginawa niyang pagsampal dito. Pinagmasdan ni Celestina kung paanong inayos ni Sophie ang buhok nito at pagkatapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Sophie: Happy now? Have you already vented out all your anger with that dramatic slap on my gorgeous face? Nakita ni Celestina na pinanlakihan siya ng mga mata ni Sophie kaya alam niyang kahit nakangiti ito sa kanya ay nagpupuyos naman sa galit ang kalooban nito ngayon dahil sa ginawa niyang pagsampal ng pisngi nito. Ngumisi si Celestina kay Sophie at tinitigan din ito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay mapang-uyam na ngumiti rito habang hinahawi ang kanyang curly, wavy hair. Celestina: Alam mo, Sophie, kung pagbabasehan lamang ang lahat ng galit na nararamdaman ko para sa 'yo, kulang na kulang ang sampal na 'yon. Inilibot ni Celestina ang kanyang paningin sa kabahayan ni Sophie bago muling tiningnan sa mukha ang kanyang pinsan na itinuturing siyang mortal nitong kaaway simula noong mga bata pa lamang sila. Celestina: Pero kung sasaktan pa kita ng higit doon, magiging kaawa-awa ka naman. Cause, you know, no one will care for you if you get hurt too much. Nakita ni Celestina ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ni Sophie. Kung kanina ay nakangiti pa si Sophie na halata namang pinipilit lamang nito, ngayon ay nakataas na ang isang kilay nito at nanlalaki ang mga butas ng ilong dahil sa pinipigilan nitong galit sa kanya. Celestina: Kasi kahit sarili mong pamilya ay sinukuan ka na. How pitiful your life has been these past few years? Huh, Sophie? My dear cousin from hell. Hindi gustong ungkatin ni Celestina ang nangyari sa buhay ni Sophie nitong mga nakalipas na taon ngunit sinagad na nito ang kanyang pasensya sa ginawa nitong pakikialam sa buhay nila ng kanyang asawang si Brent at hindi man lamang niya ito makitaan ng pagsisisi sa ginawa nitong kasinungalingan tungkol sa kanya at sa kanyang dating manliligaw na si Culver. Sophie: How dare you to involve my family in this?! Tumiim-bagang si Celestina dahil sa sinabing iyon ni Sophie at nilabanan ang galit nito. Celestina: Coming from you who lied to my husband about me having an affair with a man who can't love you back no matter how desperate you can get! Nakita ni Celestina na natigilan si Sophie dahil sa kanyang sinabi at ilang beses nitong ipinikit-pikit ang mga mata nito bago muling nagsalita. Sophie: Leave. Alam ni Celestina na pinipilit lamang ni Sophie ang maging mahinahon habang pinapaalis siya sa pamamahay nito. Nakatitig lamang si Sophie kay Celestina. Sophie: I said leave. Nagbuntung-hininga si Celestina bago muling nagsalita. Celestina: Leave my family alone. Ayoko nang maulit pa ito. Iyon lamang at tumalikod na si Celestina para tunguhin ang main entrance door ng bahay ni Sophie. Si Sophie ay nanlalambot ang mga tuhod na napaupo sa couch nito at ilang sandali lamang ay humahagulgol na sa loob ng napakatahimik na kabahayang iyon. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD