CHAPTER 1

1305 Words
CELESTINA's POV He's having an affair. My husband is cheating on me. Niloloko ako ng asawa ko. Inihahatid ko ng tanaw ang papalayong sasakyan ng asawa ko mula rito sa master's bedroom. Madaling-araw na naman siyang umuwi kanina. Tulad ng nagdaang mga gabi ay hindi ito umuwi kagabi at tulad ng mga nakaraang araw ay madaling-araw na itong umuwi kanina. Hindi man niya aminin ay alam kong may babae siya. May mga pagbabago sa mga ikinikilos niya na hindi naman niya ginagawa rati noong bagong kasal kami. Nahuli ko siyang dinadala ang kanyang cellphone sa loob ng banyo sa tuwing maliligo. Isang beses ay naisipan kong i-check ang kanyang phone nang maiwan niya ito sa dining table. Naka-lock ito. Nangangailangan ng password. Sinubukan ko ang password na madalas niyang ginagamit ngunit hindi ito. Minsan ay nahuhuli kong may tumatawag sa kanyang phone kahit weekend at walang pasok sa opisina. Pumupunta siya sa parte ng bahay kung saan akala niya ay hindi ko siya maririnig. Mas naging banidoso siya ngayon. Naging mas mapili sa pabangong gagamitin. Maging sa mga kasuotan at sapatos ay ganoon din. Mas tumatagal ang paglalagi niya sa gym. Ang dating twice a week ay naging four times a week. Isang beses ay naamoy ko ang isang pabangong pambabae sa kwelyo ng kanyang long-sleeved polo. Sigurado akong hindi iyon isa sa branded perfumes na ginagamit ko. May nakita rin akong kiss mark sa kwelyo ng isa pa niyang long-sleeved polo. Kahit marami akong expensive lipstick ay alam kong hindi ko ginagamit ang ganoong shade ng lipstick na nakita ko sa damit ng asawa ko. Dumadalas ang overtime niya at sa tuwing tumatawag ako sa office niya ay ang secretary niya ang palaging sumasagot at hindi raw siyang maaaring istorbohin. Babalewalain ko lang naman ang lahat ng ito kung ako lang naman ang maaapektuhan, pero may anak kami. Nangangailangan ng attention ng isang ama ang anak namin, but my husband is focusing all his attention on his other woman. At iyon ang hindi ko matanggap. Pero ano ba ang dahilan at nagawa ito sa akin ng asawa ko? Bakit siya nangaliwa? Sadyang naghanap lang ba siya ng iba o ako ang nagkulang? Naaalala ko pa noong nag-usap kami ng half-brother kong si Miguel George Saavedra three weeks ago. Ito 'yong panahong nagsisimula na akong magduda na may babae ang asawa ko. Gusto kong malaman kung bakit napipiling magloko ng isang lalaking may asawa na sa kanyang asawa. At alam kong ang Kuya George ko ang makasasagot ng mga katanungan sa isip ko. My half-brother got married twice. I'm not sure about the full details kung bakit naghiwalay sila ni Ate Doris, his first wife. I thought it was because of Chloe, Doris' best friend. But I was wrong dahil nandoon si Chloe sa simbahan noong maikasal muli si Kuya George as one of the guests. And she looked very happy for my half-brother. Wala si Ate Doris sa kasal but I still wished her well. After all, naging mabuting asawa siya kay Kuya. George: Why exactly are you asking me this, Celestina? Napapikit ako nang itanong ni Kuya George iyon sa kabilang linya. Celestina: I'm asking for a friend, Kuya. George: A friend, huh? Napapikit muli ako. Celestina: Just answer the question, Kuya. Narinig kong nagbuntung-hininga si Kuya George sa kabilang linya. George: Well, Doris and I realized we had a lot of differences. Natuklasan naming dalawa na iba ang hinahanap namin. Hindi namin nakita sa isa't isa 'yong hinahanap namin. Sometimes we make life decisions na sa umpisa ay hindi pa natin nakikitang mali because hindi pa natin nare-realize kung ano o sino talaga ang gusto natin. But, Kuya, I knew I made a wrong decision right from the start. Gusto kong isatinig iyon kay Kuya George, but I don't want him to worry. Ayokong malaman niya na I'm not happy with my marriage. Humarap ako sa malaking salamin dito sa loob ng kwarto naming mag-asawa. Tinitigan ko ang aking mukha. Wala na ang sigla rito. Akala ko ay magiging tama ang desisyon kong magpakasal kay Brent. Ngunit sa ilang taon naming pagsasama ay hindi ko kailanman naramdaman para sa kanya ang naramdaman ko sa isang lalaki na matagal ko nang pilit binubura sa aking isip. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa aking mga mata. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing sumasagi siya sa aking isip. Isang masaya ngunit mapait na alaala. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang hila-hila ni Jay-R ang aking kanang kamay papuntang dalampasigan. Sumisigaw pa siya habang tumatakbo sa tabi ng dagat. Nakapaa ito at walang pakialam kung mapuno ng buhangin ang dalawang paa. Jay-R: Mahal kita, Celestinaaaaa! Binitiwan niya ang kamay ko at masayang tumalon-talon sa harap ng dagat. Sumisigaw pa rin ito. Jay-R: Pakakasalan kita, Celestina! Halos mag-echo ang boses nito sa buong paligid. Kaming dalawa lamang ang nasa private beach na iyon na pagmamay-ari ni Daddy. Sinabi ko sa mga kasambahay na kaibigan ko si Jay-R at ipinaalam ko na sa Daddy ko ang pagbisita niya. Pero ang totoo ay hindi. Bahala na kung malaman ni Daddy. Basta ang gusto ko ay makasama si Jay-R kahit ilang oras lang. Masaya kong pinagmamasdan si Jay-R habang nakangiti siyang nakatingala sa kalangitan. Napakagwapo ng mahal ko. Pumikit siya habang nakatingala pa rin sa ulap. Nakita kong huminga siya ng malalim. Maya-maya ay nilingon niya ako. Kitang-kita ko ang pagmamahal niya sa akin sa kanyang mga mata. Nakita kong inilahad niya ang kanyang kanang kamay. Pinapalapit niya ako sa kanya. Lumapit ako at ikinulong niya sa kanyang kanang palad ang aking kaliwang kamay. Tinitigan niya ako ng matagal. Jay-R: Alam mong mahal na mahal kita, hindi ba? Parang tumatagos sa aking kaluluwa ang mga titig ni Jay-R. Tumango ako at hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng paligid ng mga mata ko. Jay-R: Nakikita mo 'yon? Itinuro niya ang isang parte sa may baybayin kung saan maraming nakahilerang mga puno ng niyog. Lumingon ako at tumango habang kinakagat ang aking ibabang labi. Pinipigilan ko ang mapaiyak. Jay-R: Diyan ko itatayo ang magiging bahay natin kapag nakaipon na ako ng sapat na pera. Hindi tayo lalayo sa Daddy mo rahil alam ko kung gaano mo siya kamahal. At kung sinong mahal mo ay mahal ko na rin. Itinaas niya ang aking kaliwang kamay na nakakulong sa kanyang kanang palad at inilapit sa kanyang labi. Dinampian niya ito ng masuyong halik. Jay-R: Pupunuin natin ng maraming anak ang bahay natin. Katulad kong may maraming kapatid, gusto kong magkaroon din tayo ng maraming anak. Natawa ako sa bahaging iyon at hindi ko namalayang naglalandas na pala ang mga luha ko sa aking pisngi. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jay-R. Mabilis niyang sinapo sa kanyang dalawang palad ang aking dalawang pisngi. Jay-R: Ba-bakit ka umiiyak? Ma-may nasabi ba akong ikinasama ng loob mo? Alalang-alala si Jay-R, ngunit ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Punung-puno na ng luha ang mukha ko na mabilis na pinapahid ni Jay-R. Hinawakan ko ang dalawa niyang bisig. Celestina: Masaya lang ako. Masayang-masaya. Tinitigan ako ni Jay-R ng buong pagmamahal at biglang niyakap ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap. Bumulong siya sa akin. Jay-R: Mahal na mahal kita, Celestina. Hindi ako mangangakong mapapantayan ko ang yaman ng Daddy mo, pero sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mapasaya ka at ang magiging pamilya natin. My high maintenance lady. Hinalikan ako ni Jay-R sa aking mga labi. Damang-dama ko sa mga halik na iyon ang pagmamahal sa akin ng lalaking mahal ko. Hinayaan ko ang aking sariling namnamin ang sarap ng kanyang mga halik at ang init ng kanyang mga yakap. Kahit sandali lang. Kahit sandali. Pinahid ko ng marahan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Mahal ko pa rin si Jay-R. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD