CHAPTER 2

1408 Words
CELESTINA's POV Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking best friend na si Samantha habang inaasikaso niya ang dalawang customers na mukhang mag-asawa. Aliw na aliw ang babaeng customer sa pakikipagkwentuhan sa aking kaibigan habang ang lalaki ay napapansin kong pasimpleng hinahagod ng tingin ang kabuuan ni Samantha. Hindi ko naman masisisi ang mga lalaking nagnanakaw ng tingin sa aking kaibigan tuwi-tuwina. Sa tangkad nitong 5'9" ay parang isa itong modelo. Ang tindig ay parang sa isang beauty queen. Poised and confident. Makinis at maputi ang balat na namumula kapag nababad nang matagal sa ilalim ng araw. Mahahaba ang pilikmata na lalong nagpapaitim sa mga mata nitong kasing-itim ng gabi. Wari ay parang hinihigop ang sinumang tumitig dito. Matangos ang ilong at may natural na pula ang mga labi na kapag ngumiti ay maaaring maakit ang sinuman. Maganda rin ang hubog ng katawan niya. Malaki ang hinaharap at maliit ang baywang. May malalamang pang-upo na kahit sinong lalaki ay maeengganyong pagmasdan. Almost perfect ang kaibigan kong si Samantha. 'Yan ang tingin ko sa kanya. Hindi lang sa panlabas na anyo kundi pati sa panloob. Matalino at madiskarte. Alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay. She's a risk-taker. Kaya hindi na ako magtataka kung umasenso siya sa buhay dahil sa sariling pagsisikap na sinamahan ng hindi basta-bastang masisirang determinasyon. Almost perfect. And I envy her. Pareho kami sa halos lahat ng aspeto sa buhay. Ang pagkakaiba lang ay hindi pa siya lumalagay sa tahimik. She said that she can't have it all. She's been in a lot of relationships and all of them didn't work out. At sigurado akong hindi sa kanya ang problema kundi sa mga lalaking nagiging karelasyon niya. Halos perpekto na ang kaibigan ko para maging dahilan ng isang sirang relasyon. And that's why I envy her. I've always been the reason why all of my relationships in the past didn't work out and why my marriage is on the rocks. Dahil hindi ko alam kung ano ang totoong gusto ko. I've made a lot of wrong decisions in my life. Napansin kong lumabas na ang dalawang customers matapos bumili ng bouquet of flowers sa flower shop na pagmamay-ari ni Samantha. Nakita kong ngumiti siya sa akin at lumapit sa aking kinauupuan. May maliit siyang receiving area para sa mga customer ng kanyang shop. Umupo siya sa tabi ko at pabiro akong siniko. Samantha: So, whom do I owe this sudden visit of my best friend here at my shop? Napapailing akong tumawa at hinarap siya. Celestina: It's been months. Naging busy sa maraming bagay. Inabot ni Samantha ang kanang kamay ko at pinisil. Samantha: I missed you, my friend. Ilang buwan din tayong hindi nagkita. Kilala pa ba ako ng inaanak ko? Si Abigail ang tinutukoy niya. Ang anak namin ni Brent. Mahina akong tumawa bago nagsalita. Celestina: Nami-miss ka na. Minsan nga ay niyayaya pa akong puntahan ka. Lumabi si Samantha na ikinatawa ko. Samantha: Magtatampo na ako niyan. Niyayaya ka na pala ng inaanak ko, pero hindi mo pinagbibigyan. Hindi mo yata ako na-miss, eh. Pabiro akong hinampas ni Samantha sa aking kanang braso. Celestina: Sunud-sunod ang nangyari sa buhay ko, Samantha. I met my half-brother, Miguel George Saavedra. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan ko at tumango lang ako. I know I have a half-brother since I was a kid. Kahit kailan ay hindi inilihim 'yon sa akin ni Daddy Alfredo. But Kuya George only found out about me a few months ago. Samantha: So, how was it? Galit ba sa inyo ng Mommy mo ang Kuya George mo? Umiling ako at ngumiti. Celestina: Kuya George welcomed me with open arms. Tandang-tanda ko pa kung paanong naluha si Kuya when he met me. Naramdaman kong namamasa ang mga mata ko sa alaalang iyon. Pinisil muli ni Samantha ang kamay kong hawak niya. Samantha: I'm happy for you, Celestina. All your life, lagi mong inaalala kung matatanggap kayo ng Mommy mo ng isa pang pamilya ni Tito Alfredo. Ngumiting muli ako at marahang pinahid ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata. Celestina: One day ipakikilala kita kay Kuya George. Kinasal na nga pala ulit siya. I mean, second wife. Um-attend kami nina Brent at Abigail sa kasal at ang sarap ng feeling na nandoon ako sa isa sa mga mahahalagang araw ng buhay ni Kuya George. Close na nga agad kami. Tumango-tango si Samantha at nasisiyahang ngumiti. Samantha: Kaya pala matagal mo akong hindi nabisita rito. Ang dami palang happenings sa buhay mo. Tumango ako at niyakap ang kaibigan ko. Ang kanina ko pang pinipigil na mga luha ay hinayaan kong dumaloy sa mga pisngi ko. Naramdaman at narinig ni Samantha na umiiyak ako kaya naman tinapik-tapik niya ang likod ko. Alam kong sa best friend ko lang ako makakaluha ng ganito. Ilang minuto akong umiyak sa balikat ni Samantha at wala siyang ibang ginawa kundi ang aluin ako. Ilang sandali lang ay tumigil din sa pag-agos ang mga luha ko. Umalis ako mula sa pagkakayakap kay Samantha. Nakita kong tumayo siya at may kinuha sa ilalim ng counter ng shop. Isang tissue box. Bumalik siya sa kinauupuan ko at iniabot sa akin ang tissue box. Celestina: Thank you, Sam. Tumango lang si Samantha at umupong muli sa tabi ko. Samantha: Tell me when you can. Ilang sandali ang lumipas na pinupunasan ko lang ang mga luha sa aking pisngi. Pinapanood lang ako ni Samantha. Maya-maya ay tumigil ako sa pagpapahid ng mga luha at hinarap si Samantha. Nakikita ko ang curiousity sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang hinala ko tungkol kay Brent. Tumikhim ako bago nagsalita. Celestina: I think, ahm... Nakita kong kumunot ang noo ni Samantha. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago muling tumingin sa mga mata ng kaibigan ko. Celestina: Si Brent, I think he-he's cheating on me. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Samantha. Napapailing din siya. Samantha: Pa-papaano mong nasabi? Sinabi ko kay Samantha ang lahat ng mga senyales na nakikita ko sa aking asawa para masabing nambababae ito. Mula sa pagdadala nito ng phone sa loob ng banyo na hindi naman nito ginagawa rati, sa pagkakaroon ng password ng phone nito, sa mga kahina-hinalang phone calls na natatanggap nito tuwing weekend at day-off, sa nakakapanibagong pagiging banidoso nito, sa naamoy kong pambabaeng perfume at sa nakita kong kiss mark sa mga long-sleeved polos nito, at sa sunud-sunod na pag-o-overtime nito. Kitang-kita ko ang disbelief na lumatay sa mukha ni Samantha matapos kong sabihin ang mga dahilan kung bakit tingin ko ay may babae ang asawa ko. Celestina: And one of the reasons why I came here ay para magpasama sa iyong huliin ang asawa ko. Puntahan natin siya sa office niya ngayon. I'm begging you, Samantha. Nakita ko ang pagkagulantang sa mukha ng kaibigan ko. Samantha: A-are you sure about this, Celestina? Pa-papaano kung mali ang hinala mo? You don't want us to make a scene, right? Celestina: Buo na ang loob ko, Sam. Gusto kong tuldukan ang paghihinala ko. I'm not just doing it for myself, but also for Abigail. Brent has been neglecting his obligation as a father for weeks now. Sigurado akong nakikita ni Samantha sa mukha ko ang determinasyon. Bumuntung-hininga siya at mabagal na tumango. Samantha: Okay, sasamahan kita. But promise me, Celestina, don't make a scene. You're gonna handle this like a civilized person. Tinitigan ko siya ng matagal saka tumango. Celestina: I promise. Matapos iyon ay inihabilin ni Samantha ang kanyang flower shop sa kanyang dalawang assistants. Nangangatog ang mga tuhod ko habang umaakyat ang elevator papuntang 8th floor ng building kung saan naroon ang opisina ng asawa ko. Nilingon ko si Samantha at nakita kong nag-aalala siyang nakatitig sa akin. Napapikit ako nang humudyat ang elevator na nakarating na kami ng 8th floor. Humugot ako ng malalim na paghinga bago namin binagtas ni Samantha ang hallway patungong opisina ng asawa ko. 5:30PM na. Halos karamihan sa mga empleyado ay nakapag-out na. May iilan pang natira sa kani-kanilang mga cubicle. Walang lingon-lingon kong tinungo ang office ng asawa ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit pabukas ang pinto ng office ni Brent at ganoon na lamang ang aming panggigilalas ni Samantha nang mabungaran namin ang pawisang malapad na likod ni Brent habang nakaupo ito sa mesa at may kandong na hubo't hubad na babae. Celestina: Brent... ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD