Chapter 3

3097 Words
Chapter 3 "Ilang beses ko bang sinasabi sa'yo, na hindi ka pwedeng umalis sa pamamahay na 'to!" Napa pikit na lamang ako sa takot ng umalingawngaw ang malakas at nakaka hindik niyang sigaw sa silid. "P-Pasensya na, umalis l-lang ako saglit para bumili ng ibang pangangailangan dito sa baha---" "Sorry?" Puno ng sarkasmo nyang asik na lalo pang lumiyab ang mga mata n'ya sa galit. "Lintik na naman bang sorry ang maririnig ko sa'yo?!" Inis syang napa suklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang palad. Ayaw kong umiyak at maging kaawa-awa sa kanyang harapan. Ayaw kong saktan niya naman ako. Ayaw kong maranasan at maalala, kong paano niya ako sinasaktan. "P-Pasensya kana, hindi na mauulit X-Xavier," Nag simula nang uminit ang sulok nang aking mga mata at nag babadyang mga luha. "Pasensya kana kong nilabag ko ang kautusan mo," saad ko at kasunod ang pag bagsak ng luha na kanina ko pa pinipigilan. "f**k you!" Malakas nyang sigaw, at namilipit ako sa sakit, ng mas hinigpitan noya pa ang pag hawak sa pulsuhan ko. "Wala akong pakialam sa paliwanag mo naiintindihan mo ako? Wala ka talagang kwenta, kahit kaylan!" Napa pikit na lang ako habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Sobrang hirap. Sobrang sakit. "A-Aray, X-Xavier nasasaktan ako," pag mamakaawa ko sakanya, pero hindi pa din nag babago ang expression sa kayang mga mata; sobrang nakakatakot. "N-Nasasaktan ako Xavier. N-Nag mamakawa ako, wag mo na akong sasaktan, hindi ko nauulitin. Aray!" Daing ko ng mas hinigpitan niya pa lalo ang pag kakahawak nya doon, na alam ko mag iiwan 'yun ng marka pagkatapos. Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Ano bang nagawa kong pag kakamali para parusahan niya ako ng ganito? "Wala akong pakialam! Hindi ako titigil hangga't hindi ka nag durusa, sa puder ko!" Nagulat na lang ako ng tinulak niya ako ng sobrang lakas na tumama ang aking balakang sa matigas na kanto ng center table. Nabinggi ako ng tumilapon ang mga babasagin na mga figurine At kasabay ng pag bagsak ko ang pagkahulog at pagkabagsak ng mga mamahalin na figurine sa ibabaw ng center table. Nabinggi ako sa lakas ng pag kakabasag at kitang-kita ko kong paano 'yon nag kahati-hati. Wala ng lumabas na boses sa aking bibig dahil sa sakit ng pag kakatama ng balakang ko. "Ahhh!" halos mamilipit ako sa sakit habang hawak-hawak ko ang aking balakang na animo'y wala ng tutumbas sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa di ko na nakayanan, tumulo na ang luha at pinigilan ko ang aking sarili na mag pakawala ng inggay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tinignan ko si Xavier na nanatili pa din na naka tayo habang pinag mamasdan ako, na tila ba wala syang pakialam sa nararamdaman ko. I devil vicious smile built on his lips while watching me suffering. Wala akong mailabas na kahit anong salita saaking bibig dahil hirap na hirap na ako sa kalagayan ko ngayon. Hinahayaan ko lang umagos ang luha sa aking mga mata habang naka tingin sakanya. Gusto kong huminggi nang tulong sakanya pero alam kong hindi naman siya mag tatangka ng oras at panahon para tulungan ang isang kagaya ko. "You deserve that you filthy b***h!" Dahil doon mas bumigat pa lalo ang aking dibdib sa sakit dahil sa ginagawa niya saakin. Nag simula niya ng ihakbang ang kanyang paa para iwan ako. "B-Bakit mo 'to ginagawa sa'akin?" Hirap at pilit kong itanong 'yon sakanya. Kita ko kong paano huminto at nanigas sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi ko. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pwedeng malalang mangyari dahil nilakasan ko ang loob ko na sagutin siya pabalik. "B-Bakit Xavier? B-Bakit?" tumingala ako para pigilan na tumulo ang aking luha sa aking mga mata. Sa bawat minutong lumilipas mas nararagdagan pa lalo ang sakit sa aking puso dahil hindi niya man lang ako kayang lingonin at sagutin ang tanong ko sakanya. Hindi naman mahirap ang tanong ko ah? Bakit ganito siya saakin? Bakit patuloy niya akong pinapahirapan? "B-Bakit mo ako ginaganito? B-Bakit mo ako p-pinapahirapan?" Aniya ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. "Ano bang ginawa kong mali sa'yo para ganituhin mo ako? S-Sabihin mo naman sa'kin para alam ko. A-Ano? Sabihin mo sa'kin!" pag mamakaawa ko sakanya ng paulit-ulit, na tumutulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kong saan ako kumuha ng lakas ng loob para ilabas lahat ng sakit at hinanaing ko! Nanatili pa din siya naka tayo na para bang wala syang balak na harapin ako. Milyong-milyong kutsilyo ang tumarak sa aking dibdib, ng sinimulan niya ng ihakbang ang kanyang mga paa para iwan ako. Wala akong nagawa, kundi sundan siya ng tingin hanggang mawala siya sa aking tingin. Bakit? Ano ba ang kasalanan ko Xavier? At napaka hirap para saiyo na sagutin ako? Dahan-dahan akong tumayo at kumilos, tiniis ko ang sakit ang sakit at kirot ng aking balakang. Mapait na lamang ako napangiti ng mapansin ko ang sariwang sugat na aking natamo, na nakuha ko kanina ng mabasag ang mga figurine. Maaga akong gumising kinaumagahan para mag linis at mag luto ng almusal para kay Xavier, naka ugalian ko na na ganitong routine ang ginagawa ko araw-araw. Kinagat ko ang aking ibabang labi at tinignan ko ang orasan na naka sabit sa dingding na ngayon ala sais-trenta pa lang ng umaga. Mabuti't maaga siyang naka tapos kaagad ng almusal na kaniyang hinanda para sa binata, at maaga ito ngayon pupunta sa kaniyang trabaho. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, habang pinag mamasdan ang plato, baso at kubyertos na naka arrange sa lamesa. Nilagay ko na din ang ginawa kong almusal para sa binata, gaya ng kanin, itlog na sunny side-up, tocino at tinimplahan ko na din siya ng kape na kaniyang paborito. "Sinabi ko sa'yo, na huwag mo akong tatawagan kapag may ginagawa ako! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?!" Kulang na lang mapa talon siya sa gulat, ng marinig niya ang boses ng binata sa likuran niya. Binalingan niya ng tingin si Xavier, na may kausap ito sa cellphone. Naka suot siya ng black slacks at puting longsleeve; pansin ko din na medyo hindi pa naka butones iyon at naka ayos ang kaniyang necktie. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang gwapo nitong itsura, na ngayon napaka lamig at nakakatakot ang kaniyang itsura, na mukhang may kaaway na naman siya sa kabilang linya. Medyo basa pa ang kaniyang buhok, na halatang bagong ligo, amo'y na amo'y ko din ang mabangong perfume na kaniyang ginamit. "Wala akong pakialam! Mag usap na lang tayo, pag dating ko mamaya sa Opisina!" Malamig at nakaka takot niyang asik at pinatay niya na ang tawag. Inis niyang sinilid sa bulsa ang cellphone na hawak niya. Pakiramdam ko, nawalan na akong laway sa aking lalamunan ng bumaling ang titig niya sakin. "Ts," Iritado niyang asik, at inis na siyang nag lakad papunta sa dining at umupo sa bakanteng upuan. Nanatili lamang akong naka tayo, at palihim siyang pinag mamasdan na sarap na sarap kumain ng almusal na ginawa ko para sakaniya. Binaling ko ang aking tingin, sa mga hugasan sa lababo at napa simanggot na lamang siya na marami pa pala siya na dapat hugasan kasama ang mga pinag lutuan niya. Sinalinan na ni Xavier ng kanin ang kaniyang plato, at hiniwa niya ang itlog gamit ang kutsara at tinidor. Pinag mamasdan ko siya kong paano gumalaw at subuin ang almusal na kaniyang kinakain, na maka ramdam ako ng labis na pag kagutom. Hinawakan ko ang aking tyan at bahagyang kumalam 'yun sa gutom. Naalala ko, na hindi niya na nagawang mag almusal o kahit uminom lamang ng gatas nung magising siya dahil inuna niya na ang pag handa ng almusal para sa binata. Amo'y niya ang mabangong aroma ng almusal na mag pakalam ng kaniyang tyan lalo sa gutom. Titiisin niya na lamang muna ang gutom na kaniyang nararamdaman, at mamaya pa siya makakain ng almusal kapag umalis na ang binata. Ganun si Xavier, hindi niya pa ito nakakasalo sa agahan at kahit man lang sa hapag-kainan. Nauuna lamang siyang kumain, at kapag tapos na siya doon lang ako nakakain. Sa totoo lang ayaw niya ako na maka sabay kumain, makita o madama ang aking presinsya sa tabi niya na hindi ko malaman na dahilan. "Ts, ano pang ginagawa mo dito?" Kulang na lang mapa talon ako sa gulat ng marinig ko ang malalim at nakakatakot niyang asik, na mag pakaba sa akin ng husto. Kulang na lang pag pawisan na ako ng malamig na, naka tuon ang matalim niyang titig. "Diba sinabi ko sa'yo, ayaw kong makikita ang pag mumukha mo kapag kumakain ako? Alin ba ang hindi mo maintindihan doon Aaliyah?" Malamlam niyang saad, na nanumbalik na naman ang takot sa aking puso. "P-Passensiya kana Xavier, aalis na ako ngayo---" "Get out!" Umalingawngaw ang malakas at nakakatakot niyang sigaw na mapa piyok ako. "Out!" Sigaw niya muli. "Sige, a-aalis na ako," nautal niyang sambit at nanginginig ang kaniyang kamay na binitawan ang bimpong hawak niya. Napaka lakas ng kabog ng dibdib niya ng sandaling 'yun at hinakbang niya ang kaniyang mga paa palabas sa dining area. Nang tuluyan na siyang maka labas sa Dining area, doon na siya naka hingga ng maluwag dahil wala ng malamig na mata ang naka masid at naka titig sakaniya. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at napa hawak sa kaniyang t'yan. "Ano bang nangyayari sa'yo Aaliyah?" Mahina niyang sambit at sinimulan niyang kunin ang vacuum sa isang tabi, para simulang mag linis. Mamaya na siya siguro mag aalmusal, pag umalis na ang binata. GABRIEL'S POV "Bro, ayos ka lang?" Tinapik ng kaniyang kaibigan ang balikat niya ng mabalik siya sa realidad. Binalingan niya ng tingin at nakita niya ang kaniyang kaibigan na si Ford, ang naka tayo sa kaniyang harapan, na may ngiti na sumilay sa kaniyang labi. Naka suot ito ng slacks at puting longsleeve, na kasalukuyan silang waiter sa restaurant, at ngayon on break sila kaya't nag karoon siya ng pagkakataon na mag pahingga saglit. Sinapo niya ang kaniyang mukha at pabagsak siyang umupo sa upuan para ipag pahingga ang kaniyang sarili. Ramdam niya ang pananakit ng kaniyang katawan, at balikat sa mag hapon na trabaho bilang part time waiter sa sikat na restaurant dito sa America. Dalawang taon ang kinuha niyang taon sa pag aaral dito sa America, at kasabay 'non ang pag hahanap niya ng trabaho, para lamang pandagdag sa gastusin at pangangailangan niya. Siguro mahigit anim na ang part time niya sa loob lamang ng isang linggo, mayrong waiter, delivery boy, dishwasher at kong ano-ano pang pinapasukan niyang trabaho. Kapag natapos na ang dalawang taon niya dito, at maka kuha ng citizenship at green card, balak niya ng isama ang kaniyang nakakabatang kapatid dito sa America. Ginawa niya lang ang bagay na ito, para sa kapakanan at sa future ng kaniyang kapatid para mabigyan niya ito ng magandang buhay. "Oh anong problema? Mukhang malalim na naman ata ang iniisip mo?" Saad ni Ford ang kaniyang nakilalang Pinoy dito sa America, na hindi lamang nag lalayo ang kanilang edad. "Si Aaliyah," mahina niyang saad at sinandal niya ang kaniyang likod sa upuan at nag pakawala siya ng malalim na buntong-hiningga. "Ilang buwan ko na siyang hindi matawagan, at labis na akong nag aalala sakaniya," nanghihina niyang saad. Ilang buwan niya na ito hindi nakaka usap sa telepono, sinubukan niyang tawagan ang numero nito pero naka off 'yun. "Baka busy lang siguro," saad ni Ford, na kahit ganun hindi pa din napapanatag ang kaniyang kalooban, hangga't hindi niya mismo nakakausap at narinig ang boses ng kaniyang kapatid. Kahit na kampanti ang kaniyang loob na iniwan niya ito sa kaniyang kaibigan na si Xavier, nandon pa din ang pangungulila at sabik siyang maka- usap ito. Hindi rin siya sanay, dahil ito ang kauna-unahang beses na mawalay siya sa kaniyang kapatid na matagal. "Sinubukan mo na bang tawagan ang kaibigan mo? Sino ba 'yun? Xavier right?" Anito at tumango na lamang siya sa sinabi nito. Nakausap niya naman ang kaibigan niyang si Xavier pero limit lamang na oras dahil abala din naman ito sa trabaho niya, at hindi niya na ito inaabala pa. "Yea right," anito niya. "Tatawagan ko siya mamaya," alangan niyang saad at napa hawak siya sa kaniyang dibdib na ganun na lamang ang lakas ng pintig ng kaniyang puso, na hindi niya maipaliwanag. Ramdam kong may nangyayari kay Aaliyah, na hindi niya alam. At hindi ako mapapanatag, hangga't hindi ko marinig ang kaniyang boses. AALIYA'S POV Pinunasan niya ang kaniyang kamay, ng matapos na siyang mag ligpit at mag ayos sa kusina. Bahagya siyang uminat ng kaniyang kamay, ng maramdaman niya ang pananakit ng kaniyang balikat at katawan sa mag hapong pag lilinis. Napa tingin siya sa orasan na naka sabit sa dingding, at napa ngiwi siya ng makita niyang pasado alas dyes na pala ang gabi, at hindi niya namalayan na ganun kabilis lumipas ang oras. Nag lakad na siya sa sala, at bigla siyang napa hinto ng mapansin niyang naka bukas ang ilaw sa silid sa bandang kanan. Bakas ang pag tataka na gumuhit sa kaniyang mukha, at hindi niya namalayan nag lakad na siya papunta doon para silipin kong may tao ba doon. "Hello?" Mahinang sambit niya ng maka pasok na siya sa silid. Lingid sa kaalam, isa lamang 'yung sala na sobrang lawak at mayrong itim na sofa na pwede kang umupo at mag pahingga. Sa bandang kanang bahagi, nandon ang isang bar counter. Tama kayo ng pag kakabasa bar counter, na naka sabit at dislay ang iba't-ibang mga uri ng baso, red wine glass at hindi mawawala ang sari-saring branded na mga alak gaya ng wine at whiskey. Malimit lamang siyang namamalagi doon dahil, naka lock 'yun at naka bukas lamang 'yun kapag nag tatambay at umiinom ang binata. Ginala niya ang tingin sa paligid, at hindi alintana na pag masdan dahil naka bukas ang ilaw at lampshade sa bandang bahagi. Naagaw ang kaniyang atensyon ng mapadako ang kaniyang tingin sa isang bulto na naka yungko, at tila ba natutulog. Kahit hindi niya gaanong napag mamasdan ang buo nitong mukha, alam ko sa sarili ko na si Xavier 'yun. Anong ginagawa niya rito? Bakit hindi niya ata napansin na naka uwi na ang binata? Bakas ang pag tataka sa kaniyang mukha. Mainggat ang ginawaran niyang yabag ng mga paa, palapit sa binata at ng maka lapit na siya dito doon niya lang napansin na mahimbing na pala ito natutulog. "Xavier," mahina niyang tawag sa binata. Doon niya lamang napansin na naka patong sa bar counter ang baso na may lamang whiskey, at upod ng sigarilyo na naka lagay sa ash tray. Napa takip ako ng aking ilong, ng maamo'y ko kaagad ang tapang ng alak na kaniyang ininom. Bakit kaya siya nag lasing ng ganito? Hindi naman kasi siya yung klaseng tao, na lalasing at iinom na lang ng alak kapag trip niya lang talaga. Nito kasing nag daang araw, hindi siya namamalagi sa bahay at nandon lang ito sa Hospital, dahil sa kaniyang trabaho. Siguro sa loob lamang ng isang linggo, apat or tatlong beses lamang ito umuuwi sa kaniyang bahay at natitira nitong araw, nilalaan niya sa pamamalagi sa Hospital, dahil napaka rami itong inaasikasong trabaho at mga surgery. Hindi ko alam kong ano ang posisyon ng trabaho niya sa Hospital, hindi rin naman ako nag tatanong sakaniya dahil ilap din siya sa'akin. "Xavier," mahina kong pag tawag sakanya at marahan kong tinapik ang kanyang balikat para gisingin siya, para lumipat sa kaniyang silid. "Xavier," sapat na ang hina ng aking boses para marinig niya lamang ako. Isang unggol lamang ang sinagot niya sa'kin, at bahagyang umingos. Napa tampal na lamang siya sa kaniyang noo, dahil hindi man lang ito nagising. Kahit masama ang loob niya sa binata. Hindi niya din pwedeng pabayaan ito, na matulog ng ganung posisyon. Tiyak na sasakit ang kaniyang balikat at leeg kapag hinayaan ko na lamang siyang matulog mag isa dito sa silid. Napa dako ang aking tingin sa napaka gwapong mukha ng binata, na hindi ko maiwasan na pag masdan siya ng sandaling 'yun. Bakas din ang pamumuong pawis sa kaniyang noo at leeg na tanda na naiinitan na ito. "Xavier, g-gising. Hindi ka pwedeng matulog dito," saad ko muli at marahan kong niyogyog ang kaniyang katawan. Ang kaniyang mga mata, Ang kaniyang matangos na ilong. Ang kaniyang mamula-mulang labi, na hindi ko maalis ang aking titig doon. Gusto kong hawakan at haplusin ang kaniyang napaka gwapong mukha. Pinilig ko ang aking ulo, para iwaksi ang aking iniisip. Ano bang iniisip mo Aaliyah? "Xavier. Gumising kana. Doon kana matulog sa kwarto m—-" hindi ko na lang natapos ang aking sasabihin ng mapa singhap ako, ng hawakan niya ako sa aking baywang at binigyan ng isang mahigpit na yakap Doon kumabog ng sobrang bilis ang aking puso, na hindi ko maipaliwanag. Sa tuwing tumatama ang kaniyang mainit na katawan sa'kin, nag bibigay init at kakaibang kuryente na hindi ko maipaliwanag sa aking sarili. Naka upo pa din siya sa stool, at rinig na rinig ko ang pag t***k ng kaniyang puso, na tila ba isa 'yung masarap na musika. Amo'y na amoy ko din ang mabangong perfume na kaniyang ginamit. Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan, at nanatiling naka yakap sakin. "Xavier, kailangan mo ng pumanhik sa iyong silid. Lasing na lasing kan---" napa singhap muli ako, ng hilahin niya ako palapit sakaniya. "Shhh, wag kang mainggay Aaliyah," mahina at puno ng pag mamakaawa niyang tinig, at nanatili pa din naka pikit ang kaniyang mga mata. "Hayaan mo ako, na matulog kahit saglit." Mahina at malambing niyang tinig na ako'y matigilan. Bakit siya nag kakagaito? Sandali, si Xavier ba talaga 'tong kasama ko ngayon? Bakit ibang-iba ata siya? "P-Pero Xavier. Hindi ka pwedeng matulog dito," sambit ko at pilit akong kumakalas sa kaniyang pag kakayakap. "Ihahatid na kita sa 'yong silid okay? Tara n---" natigilan muli ako sa aking ginagawa ng mas hinigpitan niya pa ang pag yakap sakin, na animo'y ayaw niya akong bitawan. Doon na ako nanigas at hindi maka galaw sa aking kinakatayuan sa kaniyang ginawa, na siniksik niya ang sarili niya sa aking katawan. "Just let me be. I want to hug you for a while Aaliyah," malambing at mahina niyang tinig. Sobrang lakas na ang kabog ng aking puso ng sandaling 'yun. Bakit ganito? Bakit ganito na lang kabilis ang t***k ng aking puso? Alam kong hindi ko dapat maramdaman to. Hindi ito pwede. Dapat magalit ako sakanya! Dapat kasuklaman ko siya sa ginawa niya sakin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD