#1:

2761 Words
"Pupunasan mo ba ako o tititigan mo na lang ang katawan ko?" Tanong ni Idris sa kanya na natigil sa ere ang kamay na may hawak na basang maliit na towel para sana punasan ito. Huli na ng maisip niya na hindi pala niya dapat iyon gawin dahil sa makasalanan niyang mga mata. Parang hindi niya narinig ang sinabi nito dahil para siyang nahipnutismo na pagmasdan lang ang katawan nito. Napalunok siya habang nakatitig sa maskulado at malapad nitong dibdib. Na kahit na may mga bakas ng pilat iyon ay nakakadagdag iyon sa karisma nito. Mula sa pagkakatitig niya sa dibdib nito ay bumaba ang tingin niya sa may tiyan nito. Mas lalo siyang napalunok ng makita ang malapandisal nitong abs. Napalunok na naman siya na tila natakam at parang gusto niya iyong lantakan. Idagdag pa ang maugat sa bahaging iyon sa may puson nito pababa. "Are you done?" Napakurap siya ng marinig niya ang tanong nito na sinabayan ng paggalaw at inayos ang pagkakaupo nito. Naipilig niya ang kanyang ulo na napatingin dito. "Baka gusto mong itukom muna ang bibig mo ng hindi pasukan iyan ng langaw." Pabuska pa nitong sabi sa kanya kaya muli siyang napakurap at naitikom nga ang bibig na may kasamang paglunok. "Do you still want to wash me up or.." "O-of course." Agad niyang sagot at putol niya sa sa mga sinasabi nito. Baka mas lalong mangapal ang pisngi niya sa init dahil sa pagkakatulala sa pagkakatitig sa katawan nito. Inuna niyang pinunasan ang mukha nito. Marahang pinasadahan ng basang bimpo. Sa pagpupunas niya sa mukha nito ay nadako na naman ang mga mata niya sa nakapinid nitong labi. "What? Kulang na lang ay ilapit mo ang mukha mo sa akin at halikan ako." Sabi nito. Nagtama ang mga mata nila. "Natural may mga mata ako. Bakit ba kasi iniistorbo mo ako sa ginagawa ko." Nilangkapan niya ng katarayan ang tuno ng boses para kahit papaano ay maitago niya ang pagkapahiya na naman. Minadali niyang tapusin ang pagpupunas niya sa mukha nito. Matapos iyon ay isinunod niya ang leeg. Sa may balikat. Hanggang sa madako na iyon sa braso nito. Ng ipatong niya doon ang basang bimpo ay hindi nakaiwas sa pandama niya paano gumalaw ang muscle nito ng iangat niya ang kamay nito. Matigas-tigas iyon at maugat. "Nahuli ba ang bumaril?" tanong niya na nais ibaling sa iba ang isip. Baka masita na naman siya. "Yeah." Tipid nitong sagot na kahit hindi niya ito tignan ay alam niyang nakatingin ito sa kanya na nakakapagparamdam sa kanya ng pagkaasiwa. Idagdag pa ang pagkagambala niya sa nakikitang magandang katawan nito. Hindi tuloy matapos tapos ang paglunok niya na kung hindi niya sinisita mismo ang sarili ay baka hindi ang bimpo ang gamitin niyang pagpunas dito kundi sariling mga palad at damahin iyon. Kahit na natatakam siya ay ipinagpatuloy lamang niya ang pagpunas dito. Napagtagumpayan naman niya iyon hanggang sa matapos siya. Kahit na nadedemonyo ang utak niya lalo na ng matapat siya sa harapan nito. "Done." Agad siyang tumayo dahil pinagpawisan siya sa pagpipigil kahit na malamig naman ang panahon. "Okay. " tanging sagot nito na hindi nakaligtas sa paningin niya ang malamlam nitong titig sa kanya. "M-magpahinga ka na." Binawi niya ang tingin mula dito. Kinuha ang palanggana at ibinalik iyon sa banyo. "Huh." Napasinghap siya ng marahas sa pinipigilang paghinga. Kung hindi lang niya katatapos ng heat at para siyang dadatnan na naman dahil sa pag iinit ng katawan niya. Lalo pa at naramdaman na niya ang pheromones nito kahit na hindi man nito sinadyang magpakawala ng pheromones. Napalunok na naman siya ng magkakasunod. Hindi na muna siya lumabas ng banyo dahil kinalma na muna ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili sa loob ng banyo bago nagpasyang lumabas. Sa paglabas niya ay nakaupo parin si Idris sa kung saan niya ito iniwan kanina pero nakapikit ito. Hindi niya alam kung tulog ba ito o nagtutulog-tulugan na naman. Sa paglapot niya ay bahagya niya itong tinitigan bago niya ito marahang tinapik sa pisngi para gisingin at sabihing lumipat ng kama para mas maganda at maayos na makakapagpahinga. "Idris. Lumipat ka sa..." pero nagulat siya ng bigla nitong hinawakan ang kamay niya ng mahigpit. "I-idris." Halos hindi niya maibigkas ang pangalan nito ng mapatitig siya sa mga mata nito na kumikislap ang malaginto nitong kulay. "Y-your e-eyes." Sabi pa niya na binawi ang kamay mula dito ng lumuwang ang pagkakahawak nito. Kumurap ito pero hindi nagbago ang kulay ng mata nito. "Ugh." Nasapo nito ang sintido at marahas na napayuko. "Ayos ka lang ba? Masakit ba ang sugat mo? Dadalhin na lang kita sa hospital." Taranta at nag aalalang sabi niya na humawak sa braso nito at pinatayo pero hindi naman ito nagpahila sa kanya ng tangka niya itong hilain palabas ng silid. Ng muli siyang tumingin dito ay nagbago na ang mata nito. Pero hindi na kulay itim iyon kundi kulay abo na iyon. "K-kung ayaw mong magpunta ng hospital, magpahinga ka dito ng maayos. Halika." Muli niya itong hinila pero hindi na palabas kundi palapit sa kama. Nagpahila na ito kaya bahagya siyang napangiti. "Here." Sabay hila ng kumot para makahiga ito. Parang batang masunuring naupo ito sa gilid. Bahagya niya itong itinulak pahiga na sumunod naman. "Good." Aniya niya ng itaas ang mga paa nito pasampa na sa kama. Hinila niya muli ang kumot para kumutan ito. Matapos niyang maayos ang kumot ay marahan niyang dinama ang nuo nito. Napatingin ito sa kanya. "Pikit na. Babantayan kita." Magaan ang boses na sabi pa niya dito. Hindi man ito sumagot at masunuring ipinikit naman nito ang mga mata kaya muli siyang napangiti. Sa pagkakatitig niya sa payapang pagkakapikit nito ay may kung anong nagtulak sa kanya na ilapit ang mukha dito. At dinampian ng halik ito sa nuo. "Sleep well." Bulong niya. Hindi na siya nakarinig ng tugon mula dito kaya hinayaan na niya itong magpahinga. Ilang minuto din siyang nakaupo sa gilid ng kama at pinagmasdan lamang ang gwapong mukha nito. Naimulat niya ang mga mata. Napatitig sa kisame. Ilang minuto din siyang nanatiling nakahiga at hindi kumilos na nakadipa siya sa gitna ng kama. Ng makabangon na siya ay naimasahe niya ang kanyang kamay sa batok habang ipinapaikot ang balikat kung saan siya tinamaan ng baril. Hindi na niya maramdaman ang pagkirot doon. Hindi man niya tignan ay alam niyang naghilom na ang sugat niya kahit na iyon ang unang beses na umabot ng halos apat na oras bago iyon tuluyang naghilom. "Awww." Napalingon siya sa may pinto ng marinig niya ang daing na iyon ni Rashid na kahit malayo iyon sa silid kung nasaan siya ay malinaw iyon sa kanyang pandinig. Nagpasya na siyang umalis sa ibabaw ng kama. "Ako na diyan. Baka mapagalitan pa ako dahil nagkakapaso ka." Muli ay narinig naman niya na sabi ni Beta Awari kaya siya napakunot ng nuo. "Uhm. Gusto ko siyang ipagluto para agad siyang gumaling." Sagot naman ni Rashid dito. "Para agad siyang gumaling." Naipilig niya ang kanyang ulo. Napangiti siya ng hindi niya namamalayan. Maingat ang naging paghakbang niya palabas ng silid nito at tinungo ang kusina kung nasaan ang mga ito. Walang ingay na sumandal siya sa hamba ng pinto ng makarating siya doon at pinanuod niya si Rashid na nakikipagagawan kay Beta Awari sa sandok. "Rashid naman, eh. Mapapagalitan ako neto." Si beta Awari na napatingin sa kanya ng mapansin siya. Sumenyas siya na manahimik na lang muna ito at hayaan si Rashid sa kung ano ang gusto nitong gawin. "Sige na. Pero mag ingat ka." Kuway ibinigay na ng tuluyan ni Beta Awari ang sandok kay Rashid. "Total malapit na din naman iyang maluto." "Salamat." Nasa tuno naman nito ang kagalakan na ipinagpatuloy ang paghahalo sa kung ano ang nakasalang sa kalan. Tahimik lang siyang pinagmasdan ito. "Awww." Muli ay daing nito ng madikit ang kamay sa gilid ng kaserola. Naiiling na sumenyas siya sa Beta na umalis at siya na ang bahala kay Rashid na agad namang tumalima. "Ipagpatuloy mo lamang iyan. Lalabas lang ako at kukuha ng damit para sa general na pamalit nito mamaya pagkagising." "Sige lang. Ako na ang bahala." Yumuko ang beta ng matapat ito sa kanya bago siya nito nilagpasan. "Sana naman magustuhan niya ito." Kuway narinig niyang sabi ni Rashid habang patuloy sa paghahalo. Maingat na muli siyang humakbang palapit dito hanggang sa isang hakbang na lang ang layo niya mula sa likod nito. Napailing siya dahil hindi man lang nito naramdaman ang paglapit niya "Hindi ka man lang ba aware sa paligid mo?" Sabi niya na ikinagulat nito na halos mapatalon pa sa gulat at nabitawan ang sandok. Mabilis naman na nasalo niya ang sandok na malalaglag na sana sahig. "G-gising ka na?" "Kanina pa." Tipid niyang sagot dito. "Huh." Napaatras pa ito ng lumapit siya at sa pagitan ng katawan at kamay nito lumagpas ang kamay niya para inilapag ang sandok kasunod ng pagpatay ng kalan. Matapos niyang patayin ang kalan ay saka niya hinawakan ang kamay nito na namumula na sa mga paso sa pagluluto. "Pagluluto ba ang ginagawa mo o papasuin mo lang ang kamay mo?" Hindi niya mapigilang punahin ito. Napalabi ito at pilit na binawi ang kamay nitong hawak niya. "N-natural na lang iyon sa pagluluto." Sagot naman nito sa kanya na itinago ang kamay sa likod nito. "Mmmm, k-kumusta ang pakiramdam mo?" Kuway tanong nito na nakita na naman niya ang pag aalala nito. "Still hurt." Tipid niyang sagot kahit wala naman na siyang maramdamang sakit doon. "Wala bang gamot na ipapainom sayo si Beta Omar? Ayaw mo ba talagang pumunta ng hospital?" "Hindi na kailangan. Siguro naman gagaling ako kapag natikman ko ang niluto mo." Pagsagot niya dito. "Huh. Ah, oo naman. S-sandali. Maupo ka na. Ipaghahain kita." Sabay hila sa kanya sa lamesa. Humila ng upuan at pinaupo siya doon. Ng makaupo siya ay hinayaan niya ito. Pinanuod niya ang bawat galaw nito. Sa pagkuha ng mangkok at ipagsandok siya ng niluto nitong lugaw. "Ito ang unang beses kong mag luto kaya nagpaturo ako kay beta Awari. Sana magustuhan mo." Nakangiti pa nitong inihain sa kanya ang lugaw sa harapan niya. Kumuha ng kutsara at ibinigay iyon sa kanya pero hindi niya iyon kinuha. "Ayaw mo ba? Hindi mo man lang ba titikman ang niluto ko?" Nawala ang ngiti nito sa mga labi at halata ang pagkadismaya. Nilagyan niya ng lugaw ang kutsarang hawak nito. Inihipan saka iyon isinubo. "Masarap naman eh." Sabi pa niya ng matikman ang sariling luto. "Kaliwete ako." Sabi ko sabay turo ng kamay niyang may cast. "Hindi ako marunong humawak ng kutsara sa kanan ko." Sabay taas naman ng kanan niyang kamay. "Huh. Oo nga pala. S-sorry. Susubuan na lang kita." Sagot naman nito sa kanya. Gamit ang kutsarang hawak ay hinalo ang lugaw. Inihipan. Naglagay ng lugaw sa kutsara. Inihipan ulit. Tinikman kung mainit pa saka nito iyon itinapat sa bibig niya. "Ahhh." Napailing siya na may lihim na ngiti sa mga labi habang tinatanggap niya at pagsubo nito sa kanya ng lugaw. Ayaw niyang hawakan ng iba ang pagkain niya kung nakahain na iyon sa kanya at lalong ayaw niyang may ibang gumamit ng kutsarang gagamitin niya pero hinayaan niya itong gawin iyon. Hindi ito tumigil hanggang sa hindi niya naubos ang inilagay nito sa mangkok. "Masarap diba?" Nakangiti itong muling tanong sa kanya ng mailapag ang mangkok na wala ng laman. Hindi siya sumagot pero bahagya siyang tumango. "Dito ka na muna. Saka ka na uuwi sa bahay mo kapag magaling ka na. Promise, magaling akong mag alaga." "Aren't you afraid that I will do something bad to you? You already know, that I am an Alpha. Aren't you even worried that..." "No." Agad nitong sagot kaya hindi na niya naituloy ang nais pang sabihin. "If you really want to do something bad. Dapat noon pa. Lalo na ng dinatnan ako ng heat." Sagot nito sabay ngiti. Kunot ang nuo niyang napatitig na lamang dito at hindi makapaniwala. Totoo naman ang sinabi nito. Na kung ibang Alpha lang siguro ang kasama nito na dinatnan ng dalaw ay baka kung saan na ito pupulutin. "Atleast maging maingat ka sa mga nakikilala mo." "Uhm. Of course. Saka hindi ka naman iba. Anak ka ng kaibigan ng daddy ko kaya alam kong hindi mo ako sasaktan. Hehe." Nakangiti paring sagot nito sa kanya. "That's why I like you more." Muli na lang siyang napailing. Nakasunod ang tingin niya dito ng tumayo na ito dala ang mangkok na kinainan niya at inilagay iyon sa lababo. "Mamaya ko na lang huhugasan. Halika ka. Doon muna tayo sa sala." Sabi nito ng makalapit na sa kanya at basta na lang siyang hinawakan sa braso at pinatayo. Hinila nga siya nito hanggang sa sala at pinaupo. Hindi na siya nakaiwas. At hinayaan na lang niya itong tangayin siya at gawin ang gusto nito. ○○○ "Magaling na ang sugat mo, Alpha Idris." Si Beta Omar matapos nitong tanggalin ang bendahe niya sa balikat para sana linisin ang sugat niya at palitan iyon ng bagong bendahe. "I know." Tipid niyang sagod. Mausisang tinignan parin ng beta ang sugat niya. Lininisan ang paligid sa mismong tinamaan ng baril. "Hindi ko na ba babalutin ng bendahe, Alpha Idris?" Tanong pa nito na itinabi na ang malinis na bandage para sa pamalit. "Hindi na kai-." Hindi na niya naituloy ang sinasabi ng maramdaman niya ang Omega na paparating. Huli na para mapagtanto niyang minanipula ng inner wolf niya ang katawan at bigla na lang niyang ibinaon ang kuko sa mismong sugat. "Alpha Idris." Ang beta na nabigla din sa ginawa niya. "Anong.." hindi na nito naituloy ang sasabihin ng kumaripas ng takbo palapit sa kanila si Rashid. "Huh! Your wound is still bleeding." Puno na naman ng pag aalala ang tuno ng boses nito na mausisang tinignan pa ang sugat niya. Mabilis naman na itinago niya ang kanang kamay na siyang ginamit para sugatan ang sarili. Nagtataka man ang beta na napatingin sa kanya ay wala itong sinabi bagkus kinuha muli ang bendahe na itinabi na kanina para balutan ulit ang sugat niya. "Excuse me for a while." Pagpapagitna ni Beta Omar. "Tatapusin ko lamang ang pagbibihis sa sugat ng general." "O-okay. P-pero hindi ba talaga kailanganh dalhin siya sa hospital. Bakit dumudugo parin ang sugat niya. At halatang hindi man lang naghilom ng kaunti." "Hindi na kailangan. Gagaling din agad ang sugat ng general." Muli ay sagot ng Beta habang siya ay tahimik lang na hindi parin makapaniwala sa ginawa niya. "Sigurado ba?" "Bakit ka pala nandito? Hindi ba't sinabi ko sayo na manatilo ka muna sa inuupahan mo hanggat hindi pa nalalaman kung sino ang may pakana ng pamamaril?" Kuway pagsita niya kay Rashid para maibaling sa iba ang pansin nito. Napalabi na naman ito na napatingin sa kanya. "Nag aalala ako sayo. Nagising ako kagabi wala ka na sa inuupahan ko. Kaya nagmadali akong puntahan ka. Tignan mo. Sariwang sariwa parin ang sugat mo. Ang tigas tigas ng ulo mo. Ayaw mong magpadala sa hospital." Sagot at may manunumbat na tuno ng boses nito. Tumaas lang ang sulok ng kanyang mga labi na kahit itanggi man niya sa sarili ay hindi na niya mapigilang maaliw habang pinagmamasdan ito na tila nagtatampo. "Pero hindi mo naman siguro tinakbuhan ang betang kasama mo sa bahay?" "Hmmm, of course not. Nagpaalam ako sa kanya pero hindi niya ako pinayagan kaya nauna nga lang ako sa kanya pumunta dito. Maybe sumusunod na siya." Hindi niya mapigilan ang palihim na pagngiti. Napapailing parin siya. "Tapos na, General." Si Beta Omar na tinapunan niya ng makahulugang tingin na huwag magsasalita dahil sa ginawa niya. "Salamat, Beta Omar." Maayos naman na sagot niya. "Lalabas na muna ako, General." Paalam ni Beta Omar na tinanguhan na lang niya bago bumaling kay Rashid. "Nakita mo na ang kalagayan ko, kaya bumalik ka na sa inuupahan mo." Pagtataboy naman niya dito ng makalabas na ang beta kahit na ang inner wolf niya ay nais itong manatili sa kung saan tanaw ito ng paningin niya. "Hindi. Kung ayaw mong manatili sa inuupahan ko. Ako ang manantili dito hanggang sa tuluyang gumaling ang sugat mo." Matatag ang boses na sagot nito na seryusong nakatingin sa kanya. Sinamahan pa nito ang paghalukipkip ng kamay na may kasamang pagpadyak ng isang paa. "Huh. I can't believe you." Naisuklay niya ang kanyang kamay sa sariling buhok dahil hindi niya alam kung ano pa ang gagawin niya para maiwasan ito. Pagtitig na lang ang tanging nagawa niya kaysa ang ulitin ang pagtataboy dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD