#2

2686 Words
Typos and grammatical errors ahead! Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa lalaking tinangay ko para mapaghigatihan ito. "Seryuso ka?" Muli ay tanong ko kay Lucille dahil sa sinabi nito. Marahas akong napalunok. "Hindi siya yan eh. Hindi mo ba iyan nakikilala?" Umiling ako. Paano ko makikilala ang lalaki kung ngayon ko nga lang din nakita. "Look. Here. Here." Sabay bigay sa akin ng cellphone nito at may ipinakita. Mas lalo akong nanlumo dahil sa ipinakita niya at ipinabasa. Isa iyong artikolo sa magazine. Kent William: One of the famous Billionaire Bachelors is now dating a cute babe. "Iyan ang pinakalatest na balita sa kanya. Hindi ka kasi nagbabasa ng magazine eh. Tapos bihira ka pa mag open sa social media." Laglag ang balikat kong napatingin muli sa lalaking dinukot ko. Tulog na tulog parin ito. Halos isang minuto din siguro akong nakatingin sa lalaki bago ako kumilos. "Sandali. Mamaya na tayo mag usap." Sabi ko kay Lucille at dali daling kumuhang panali at itinali nga ito. "Hoy! Bakit mo itinatali?" "Para hindi siya makatakas." "What? Mas maganda nga iwan na natin siya dito habang tulog pa siya para wala na tayong problema." "No! Ikaw pwede ka pang tumakas dahil hindi ka niya nakita pero paano naman ako. Siguradong ipapahanap niya ako at ipapakulong kapag nagising iyan kahit na tumakas ako." "Anong gagawin mo?" "Bahala na. Kailangan ko munang mag isip ng paraan kung paano makikipagnegosasyon sa kanya." "Huh! Pero di ba mas maganda talagang iwan na natin siya." Napatingin ako sa kanya dahil hindi niya makuha ang punto ko. Pwede na nga namin itong iwan pero delikado ako dahil nakita niya ang mukha ko na kahit magtago ako ay siguradong ipapahanap ako at ipapakulong dahil sa kapangahasan ko. Muli na naman akong napalunok. "A-ako na ang bahala, Lucille. Habang hindi ka pa niya nakikita ay pwede mo na akong iwan. Ako na lang mag isa ang makikipagnegosasyon sa kanya para hindi ka na madamay sa pagkakamali ko." Napatitig naman ito sa akin. Nasa mukha nito ang pag aalala. "Pero.." "Go." Sabay tulak sa kanya palabas ng maliit na silid. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa hindi siya nakalabas ng tuluyan. "Tawagan mo agad ako kung may masamang mangyari sa pakikipag usap mo sa kanya." Tumango na lamang ako bago ko isinara ng tuluyan ang silid. "Damn! Anong gagawin ko?" Mahinang tanong ko ng makabalik ako sa lalaking tulog pa rin. Muli kong inayos ang pagkakagapos ko dito para hindi makawala. At hindi ko siya talaga pakakawalan kong hindi ko siya mapapakiusapan. "Naman kasi. Ang bobo ko." Sa loob loob ko. At habang tulog pa ito ay may plano na akong nabuo sa isipan ko. "In case lang naman." Saka ko sinimulan ang plano ko para pang blackmail nga dito sakaling hindi maging maganda ang pakikipagnegosasyon ko sa kanya. "Ugh!" Napadaing ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng sintido ko. Nais ko pa sanang sapuhin at hilutin ang sintido ko pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. "Fuck." Malutong ang mura na kumawala sa bibig ko ng mapagtanto ko kung ano ang ayos ko. Nakaupo ako sa isang maliit na upuan at nakatali ang mga kamay ko sa likod. Sinubukan ko ulit iginalaw ang kamay ko nagbabakasakaling lumuwag ang pagkakatali sa akin. Naipilig ko ang ulo ko habang patuloy na iginagalaw ang kamay ko at sinimulan na ring iginala ang paningin ko sa paligid. Inaral ang buong silid na namulatan ko. "Ugh. Anong kagaguhan ang ginawa ko kagabi at bakit ako ngayon narito?" Tanong ko pa at pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. Ang huli kong natatandaan ay may nilapitan akong isang cute crossdresser. At ng lumabas ito ay sumunod ako. And then.. "Fuck." Muli akong napamura dahil ng tangka ko itong halikan ay doon ako biglang nakaramdam ng pagkahilo. Nanlabo ang paningin ko at wala na akong maalala matapos iyon. Sa pag iisip ko ay doon naman bumukas ang pinto. Iniluwa doon ang nakilala ko kagabi. "G-gising ka na." Sabi nito ng tuluyang makapasok. Hindi ito makatingin sa akin ng deretso kaya ako napakunot ng nuo. "Who are you?" Tanong ko dito kaya ito napatingin sa akin. "Did I do something wrong to you?" Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok niya. Ang panginginig ng kamay niya na may hawak na plastic bag. "M-may dala akong sabaw. B-baka gusto mo na munang higupin ito." "What I want now is an answer why am I here and tied up? I don't remember anything that I did wrong except that I didn't continue kissing you." Sabi ko dito at hindi pinansin ang pag aalok nito ng pagkain. Kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay at matamang nakatitig dito. Pilit na hinuhuli ang tingin nito na naging mailap at ayaw talagang tumingin sa mga mata ko. "S-sagutin ko ang tanong mong iyan p-pero h-higupin mo muna ito. Makakabuti sa hangover mo." Sabi pa nito na kumilos at inilapag ang hawak sa maliit na lamesa sa gilid. Nakasunod lang ang tingin ko dito habang patuloy na iginagalaw ang mga kamay ko para lumuwag ang pagkakatali ko. "I said, I don't need that. Answer my question?" seryusong sabi ko dito. Hindi ko inalis ang tingin ko dito. "If you need ransom for kidnapping me, You've picked the right target." Hindi ito sumagot bagkus ipinagpatuloy lamang ang pagsasalin ng sabaw na binili sa isang paper bowl na dala din nito. "Nasaan ang iba mong mga kasama? Nag iisa ka yata? Ikaw ba ang itinalaga nilang magbantay sa akin?" magkakasunod pang tanong ko dito. Lihim pa akong napangiti ng sa huling pagpapaikot ko ng kamay ko ay lumuwag na nga ang pagkakatali ko at kaya ko ng kalasin iyon. Pero hindi ako kumilos para tuluyang makawala. Hindi ako basta gagawa ng hakbang. Hindi ako sigurado kung nag iisa lamang ito at baka nasa labas lamang ang mga kasama nito. "L-Look." Taas ang kilay kong napatitig dito ng marinig ko itong magsalita at lumingon na sa akin. Nagtama ang mga paningin namin. "G-ganito kasi.." muli nitong binawi ang tingin at yumuko. "P-paano ko ba sisimulan." mahinang saad nito pero malinaw iyon sa pandinig ko. "Go on. Nag iisip ka ba kung ilan ang gusto mong makuhang ransom?" tanong ko pa dito kaya muli itong napatingin sa akin. "No." sagot nito na may kunot nuo pero nasa mukha ang kaba. "Then? What?" "Ganito kasi.. Yong kaibigan ko.. K-kasi.." "I'm waiting." "K-kasi yong kaibigan ko. Gusto ko lang sana siyang tulungan kaya ako nandoon sa bar na iyon. Nais kasi naming gantihan ang lalaking nanluko sa kanya. P-pero.." "But you made a mistake and thought I was the one who cheated on your friend? Am I right?" Sa sinabi ko ay tumango ito. "Kung ganun naman pala ay bakit hindi ka pa umalis na lang at iniwan ako dito ng makomperma mong hindi ako ang lalakingn nanloko sa kaibigan mo?" tanong ko pa dito. Hindi ko din alam kung nagsasabi ito ng totoo. Napalunok ito. Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ang reaksyon nito. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panginginig ng kamay nitong magkadaop na nasa harapan nito. "N-naisip ko na din iyan." "Then?" "P-pero.. nag aalala ako na sa pagkakadukot ko sayo ay ipahanap mo ako at ipakulong. Kaya nais kong makipag usap sayo ng maayos na sana makinig ka sa akin at paniwalaan mo ako." "Really?" Taas na naman ang isa kong kilay hindi sa hindi ako naniniwala dito pero mas naaliw na ako ngayon habang nakatingin dito at pinagmamasdan kung paano ito nababalisa sa pagkakamaling nagawa. "O napag isip-isip mo ng itali na lang ako para mas pakinabang ang pagkakamali mo? Hihingi na lang ng ransom bago mo ako pakawalan?" "No. Of course not. Tinali lang kita para makipagnegosasyon sayo. B-Baka kasi magwala ka. I mean, kilala kang tao at ayaw kong makulong." Hindi ko mapigilan ang lihim na pagngiti. Nawiwili na akong makita ang pagkabalisa nito. "Go on. Kumbinsihin mo ako, baka sakaling maniwala na ako ng tuluyan at hindi ako magsasampa ng kaso laban sayo. Siguraduhin mo lang na maganda ang pakikipagnegosasyon mo sa akin." "P-papakawalan kita. Ngayon din mismo but please, huwag mo akong ipapakulong." "Hmmm." Kunwari ay napapaisip ako at hindi agad tinugon ang sinabi nito. Hindi ito makatitig sa akin ng maayos. "Anong makukuha kong kapalit sa hindi ko pagsasampa sayo ng kaso? Babayaran mo ba ako?" "Huh. P-pero wala akong malaking pera para pambayad sayo." "Then, what?" Tanong ko. "Alam mong wala akong kasalanan pero itinali mo parin ako. Kung gusto mong makipagnegosasyon ay dapat handa kang tanggapin ang lahat ng gusto ko dahil ikaw ang may kasalanan dito." "P-pero.." "Look. I'm a busy man, bakit hindi mo na lang ako pakawalan ng makaalis na ako." "Hindi mo ako ipapakulong?" "I will." "Huh. S-so.. h-hindi kita papakawalan hanggang hindi kita nakukumbinsing huwag akong ipakulong." "Hahaha. Really? Mas pinapabigat mo ang kaso mo sa lagay na iyan. Sa bawat sigundo sa isang minuto at sa bawat oras ng isang araw ay pabigat ng pabigat ang magiging kaso mo." "K-kung ganun huwag mo ako ipapakulong." "I will." "Hindi." "I will." "You will." Pakikipagmatigasan nito sabay labas ng kanyang Cellphone at iniharap iyon sa akin. Hindi agad ako nakaimik ng makita kung ano iyon. Parang gusto kong tumawa ng malakas kaysa ang magalit dito. Mas nakukuha niya ang interest ko ngayon. Parang mas gusto ko na munang nakatali muna. A little bit. Yeah! Just a little bit. "Are you blackmailing me now?" Tanong ko dito na nagkunwaring naapektuhan ako kaysa ang ipakita ang pagkaaliw ko. "Y-yes. Naipost ko na din pero nagset ako ng date sakaling hindi kita mapakiusapan ng maayos. At kapag pinakawalan kita na hindi sumunod sa pagkakasunduan natin ay lalabas ang mga ito sa social media." "What? Delete it now. Hindi ako pwedeng makita ng ganyan sa social media." Ipinakita ko dito na nag aalala ako sa image ko sakaling ilabas niya ang larawang ninakaw nito habang wala akong malay. Pero parang hindi ko na matagalan ang pagpipigil kong huwag matawa dahil doon. Akalin ko bang maiisip niya iyon at gawing pang blackmail sa akin. Haha! Wala akong pakialam kung kumalat sa social media o sa kahit na saang peryudikong lumabas ang mga iyon. Hindi ko ikakahiya ang maganda kong katawan at may pinagpalang hinaharap. Saka hindi ba nito naisip na maaring sabihin kong edited lamang iyon? Haha! Muli na naman akong natawa sa loob ko dahil doon. "Basta ipangako mong hindi mo ako ipapakulong." Napailing ako kasabay na din ng pagyuko ko dahil ayaw kong makita niya ang pagngiti ko na hindi ko na mapigilan. "Huwag mo lang akong hayaang makawala dahil mabubulok ka sa kulungan." May pagbabanta kong sabi dito. Nais ko sanang ituloy ang pagkukunwari kong napektuhan ako sa pangbablackmail nito ay agad kong binago ang plano ko. Dahil kapag ipinakita kong naapektuha ako ay baka bigla na lang niya ako pakawalan. No! Hindi pa. Ngayon pa, nagsisimula na akong mawili sa pakikipagnegosasyon niya sa akin. Marahas ang naging paglunok ko ng marinig ang sinabi niya. Mas lalo akong kinabahan ngayon. Kung hindi uubra ang pangbablackmail ko sa kanya ay ano pa ang dapat kong gawin. Ang isang option na lang talaga ay ang siguraduhing hindi ito makawala para hindi ako makulong. Seryusong nakatingin na ito sa akin na para bang ano mang oras ay susunggaban ako at sasaktan kung hindi lamang ito nakatali. "H-hindi ba talaga kita mapapakiusapan?" Muli ay tanong ko. "P-please. Wala naman akong intensyong masama sa simula pa lang ng malaman kong hindi ikaw ang nanloko sa kaibigan ko. Alam ko, kasalanan ko dahil napagkamalan kita at nadamay ka." Mahaba kong saad. Umiling ito. Nakikita ko sa mga mata niya na wala itong pakikinggan sa mga sinasabi ko. "Ugh. My head." Kuway bigla itong napadaing at napayuko kaya mabilis akong kumilos para lumapit sa kanya. "O-okay ka lang. B-baka dala iyan ng nainum mo kagabi. S-sandali. Aayusin ko lang ang sabaw para mahigop mo. May dala din akong gamot para sa hangover." Sabi ko dito. Binalikan ang sabaw na lumalamig na nga dahil sa pag uusap namin. Hindi ko naman naringgan ito ng pagtanggi kaya ipinagpatuloy ko ang pag aayos ng makakain nito. Humila ako ng isa pang upuan at ipinuwesto iyon sa harapan nito. Dala na ang sabaw para dito at nagpasya akong pakainin ito. "K-kumain ka na muna." Alok ko dito. Dahil hindi na mainit ang sabaw ay hindi ko na iyon inihipan. "Ahh." Sabay tapat ng kutsara sa bibig nito na ngayon ay nakatingin na naman sa akin. Ilang sigundo din itong nakatitig sa akin na para bang inaaral ang kilos ko. "Siguraduhin mo lang na walang lason iyan. Dahil sa oras na nakawala ako dito ay mabubulok ka ng kulungan." Seryusong pagbabanta nito kaya muli na naman akong napalunok. "W-walang lason ito." "Paano ako nakakasiguro?" "Huh! Here." Ako na ang unang humigop ng sabaw na nasa kutsara na ipinapahigop ko sa kanya para ipakitang walang lason ang sabaw na ibinibigay ko. Kunot ang nuo nito pero gumaan ang naging tingin nito matapos kong tikman ang sabaw na para dito. "S-sabi ko na wala akong intensyong masama kaya wala akong balak na lasunin ka. Here." Muli kong sinubukang pahigupin ito ng sabaw. Nakahinga naman ako ng maluwag ng higupin nga niya iyon kaya kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang kaba ko. Patuloy lamang ako sa pagpapahigop dito na may kasama ng kanin at ulam. Wala naman akong balak na gutumin ito. At gagawin ko ang lahat ng pag aasikaso dito habang nakatali ito hanggang sa makumbinsi ko na wala talaga akong masamang balak. Matapos ko itong mapakain ay ibinigay ko naman sa kanya ang binili ko para sa hangover nito. "Atleast let me use the bathroom." Kuway sabi nito pagkalipas ng ilang minuto matapos itong makakain. "S-sige pero hindi ko aalisin ang pagkakatali mo. Huwag mong tatangkaing tumakas dahil ikakalat ko talaga ang larawan mo." Sagot ko na sinamahan ng kaunting pagbabanta. Ayaw naman nito sigurong masira ang magandang imahe nito sa publiko kapag naikalat ang mga kinuha kong larawan. "At paano ako makakapaghugas kung nakatali ako?" Tanong pa nito. Oo nga naman pala. Kaya naman bago ko siya kinalas ang pagkakatali ko sa kanya ay may kinuha pa akong posas na sinadya ko bilhin dahil sa haba para sa pagkakataon ganito at tatlo iyon. "What is that?" Tanong nito habang nakasunod ang tingin sa akin. "Naniniguro lamang ako na hindi ka makakatakas." "What?" Hindi ko na ito sinagot. Muli akong napatingin sa posas na binili ko. Kakaiba sa ordinaryong posas. Ikinabit ko na iyon sa mga paa nito at ang ikatlo ay sa rehas ng bintana kung saan malapit ang maliit na banyo. Maliit lang naman ang apartel na kinuha ng kaibigan ko kaya sa pitong metro na haba ng posas na nakakabit dito ay malaya itong makakagalaw. Naisip ko ng gagawan ako ng masama nito sakaling pakawalan ko ngayon pero sana naman huwag mangyari iyon at huwag nitong gawin ang nasa isip ko. Kahit na nagdadalawang isip ako ay kinalas ko na ang pagkakatali ng katawan nito sa upuan at ang tali nito sa kamay. Doon ko napagtanto na muntik na pala itong nakatakas dahil lumuwag ang tali nito. "Are you planning to escape?" Tanong ko dito na hindi itinuloy ang pagkalas ng tali niya sa kamay bagkos hinigpitan ko iyon. "Yes, but not now until you delete those photo of mine." Sagot naman nito. "Faster, ayaw mo naman sigurong magkalat ako dito ng dumi." Malakas na sabi nito Kaya kahit na ayaw ko man sanang kalasin ang tali nito sa kamay ay napilitan ako. Wala naman akong balak linisan ang dumi nito sakali ngang magdumi ito mismo sa kinauupuan nito. Ang akala ko nga ay susugurin niya agad ako matapos kong kalasin ang tali sa kamay niya pero mabilis na tumakbo ito papasok ng banyo at pabalibag na naisara ang pinto kahit na hindi naman iyon totally naisara dahil sa suoy na posas na nakakabit sa bintana. Marahas ang pinakawalan kong paghinga. Nanginginig ang buo kong katawan habang naghihintay sa paglabas nito. "f**k. Ano ba itong napasok ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD