chapter 28

598 Words
May kurot sa pusong bumalik ang tingin niya kay Tristan. Kulang na lang ay magmakaawa ito kay Sunny para sulyapan ito ng huli. Kitang-kita niya ang pagsusumamo sa mga mata ni Tristan. At ang sakit. Ang sakit-sakit pero wala siyang karapatang magreklamo. Ginusto niya ito. Pinili niyang pasukin ang ganitong buhay. Buhay na kasama ai Tristan pero hindi siya ang mahal. Kung tutuusin wala siyang karapatang masaktan. Kasalanan niya ang lahat. Siya ang may dahilan kung bakit tatlo silang nasasaktan. At least naging sa'yo si Tristan... Ani ng isip niya. Pero kanya nga ba ang lalaki? Paano magiging kanya ito kung sa puso nito ibang babae ang hinahanap-hanap. Puwes pupunan ko ang kulang. Sisiguraduhin kong hindi na siya maghahanap ng iba. Hanggang sa nakabalik na sa upuan si Sunny ay nakasunod pa rin ang tingin dito ni Tristan. "Kasal na tayo, Tristan. Palayain mo na si Sunny," aniya dito. Marahas na napabaling ang tingin nito sa kanya pero hindi nagsalita nang lumapit ang isang tiyahin nito at nagsabit ng pera sa barong nito. Nang umalis iyon ay saka ito gigil na bumulong sa kanya. "Never. Hinding-hindi ko bibitawan si Sunny. Tandaan mo yan, Amelie." Hinintay niya munang matapos sa pagsabit sa kanya ang isang bisita bago siya sumagot. "Hinding-hindi rin kita bibitawan, Tristan." Sinalubong niya ang galit na mga titig nito. "Kung hindi ka bibitaw kay Sunny mas lalong hindi kita bibitawan. Kahit pa... kahit pa pare-pareho tayong lumubog," pinal na aniya dito. Hindi siya susuko. Alam niya na kaya siya nitong mahalin dahil gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito. Sisiguraduhin niyang siya ang makakasama nito hanggang sa pagtanda nila. "You are so cruel, Amelie. You are so cruel..." paulit-ulit na bigkas nito sabay pagtagis ng bagang. "I swear, Amelie, you'll pay for this. I'll make sure of that," isa iyong pangako na alam niyang tutuparin nito. Sa galit na nakikita niya rito hindi malayong parusahan siya nito kung magkakasarilinan na sila. Hindi na nga siya magugulat kung lumpuhin siya nito pero alam niya namang wala iyon sa personalidad nito, ang manakit ng isang babae, sigurado siya roon kahit pa na inaalaska at pinagti-tripan siya nito ng madalas noong mga bata at hanggang mag-teenager sila. Minsan na nga siya nitong ipinagtanggol noong high school siya sa kaklase niyang lalaki na nambabatok sa kanya. Kasama ng ibang pinsan niya ginulpi ng mga iyon ang kaklase niyang nananakit sa kanya. Kaya nga mas lalong lumalim ang pagkakagusto niya rito. Feeling niya noon may gusto ito sa kanya na kaya lang siya nito madalas na alaskahin ay para magpapansin sa kanya at hindi ito makatiis na ipagtanggol siya sa nananakit sa kanya dahil mahal siya nito. Kilig na kilig ang puso niya para lang mawasak ng malamang nililigawan na nito si Sunny. Hindi pala siya ang gusto nito kundi ang kapatid niya. Napatunayan niya rin na hindi totoo ang kasabihang 'the more you hate, the more you love'. Hate siya ni Tristan at walang love ito sa kanya. Hate lang talaga. Doon siya na mulat sa reyalidad na kahit kailan hindi siya magugustuhan ni Tristan. Na wala itong ibang makikita at paglalaanan ng atensiyon kundi ang half sister niya. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Malayo na siya sa batang Amelie noon. Hindi na siya gusgusin, hindi pa rin kagandahan hanggang ngayon pero sigurado naman siyang kamahal-mahal naman siya at iyon ang ipapamukha niya sa asawa. Magagawa niya itong paibigin. Guide me lord... Piping dasal niya saka napatingin kay Tristan na nakatingin na naman sa kapatid niya. Napabuntong-hininga siya, sa tingin niya mas maraming dasal mas makakatulong sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD